Chapter 4
Ikinulong ko lang ang sarili ko sa apat na sulok ng aking kwarto. Para saan pa kung lalabas ako? Para kaawaan nila? Pag-tawanan? Siguro nga tuwang-tuwa si Alden na nangyayari sa akin lahat ng ito eh. Sino bang hindi diba? Siya naman ang may kasalanan ng lahat ng ito. Baka nga plinano pa niya lahat ng ito para madanas ko lahat ng ito. Walang hiya talaga siya! Walang hiya ka talaga Alden!
"Anak, nasa baba yung mga kaibigan mo." tumayo na ako saka inayos ang aking sarili.
"Cess!" sabay-sabay silang tumayo sa pagkakaupo nila at binati ako. Napakunot ang noo ko ng may napansin akong kasama nila na nakayuko lang at mukhang wala siyang balak na batiin ako..
"Sino siya? Boy friend mo Pia? O ikaw May? O baka naman ikaw.... Mark?" sabay ngisi at tawa ko ng malakas. Saglit lang tumagal ang tawa ko ng mapansing mali ako. Dahil ang lalaking nasa harapan ko ay ang lalaking kinasusuklaman ko sa sobrang galit. Si Alden.
"Anong ginagawa mo dito?!" singhal ko agad ng makita siya.
"Cess, let me explain, please."
"Umalis ka dito!" tinutulak ko siya gamit ang buong lakas ko para mailabas ko siya sa bahay namin. "Umalis ka!! Ang kapal mong magpak--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may pumigil sa akin.
"JELL!" Mom shouted at me. Ang sama ng tingin na ibinabato niya sa akin. "Hindi kita tinuruan ng ganyan para bastusin ang bisita mo ha." madiin niyang sabi.
"Hindi siya bisita, Mom," I heard him mumbled something. Hindi ko siya pinansin. Naka-tingin lang ako sa Nanay kong umuusok na sa galit dahil sa asal na pinakita ko.
"Bisita mo siya Jell, sa gusto mo man o hindi kailangan mo siyang tratuhin ng maayos. Mahiya ka naman sa mga kaibigan mong nakakakita ng ugali mo." I rolled my eyes saka umakyat pabalik ng kwarto ko. Bastos man ang dating ko nararapat lang sa kagaya niya yun.
"Jell! Kinakausap kita!" narinig ko pang nanggagalaiti si Mom.
"Gusto niyo kong maka-usap ng maayos? Paalisin niyo yan."
"Tita, sige po mauuna na po ako." magalang niyang sambit. Tss. Puro pakitang-tao lang yang ginagawa niya.. Mabuti na ding umalis siya..
"Cess! Bakit mo naman ginanon si Alden ha? Diba nung isang araw nga ok pa kayo? Ano bang nangyari?" pag-uusisa naman sa akin ni Mark. Bading eh kaya tsismosa siya.
"Hindi niyo kasi alam!" galit kong bulyaw sa kanila. Wala silang kasalanan sa mga nangyayari pero sadyang mainit ang ulo ko. Napahilamos ko na lang ang dalawa kong kamay.
"Hindi naman talaga namin malalaman kung hindi mo ipapaliwanag ng maayos diba?" masungit na sagot ni Mark sa akin.
"Huwag ngayon, please?" pinipigil ko pa din na sumabog ang galit ko dahil baka sa kanila ko pa maibunton. "Iwan niyo na lang muna ako, hintayin niyo nalang ako sa garden at doon ko ipapaliwanag sa inyo. Mag-papalamig lang ako, please." tumango naman sila tsaka lumabas sa kwarto ko.
"Maliligo nalang muna ako." bulong ko sa sarili ko saka ako pumasok sa loob ng bathroom ko. Tinimplahan ko muna ang bath tab ko saka ako nag-babad para marelax man lang kahit papano ang buo kong katawan.
Nakapikit lang ako habang nag-iisip. Pumapasok sa isip ko si Alden. Alam kong hindi siya gagawa ng isang bagay na alam kong hindi niya pinag-isipan pero hindi ko lang talaga matanggap na sa lahat naman ng mag-sisinungaling sa akin ay siya pa. Si Zero na talaga ang mahal ko. Si Zero at hindi pwedeng hindi siya. Dapat siya lang..
Nakikita ko ang mga imaheng nag-lalaro sa isip ko. Mga masasayang araw na si Alden ang kasama ko. Pero hindi! Si Zero ang mahal ko kaya dapat siya lang ang nasa isip ko..
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
Short StorySeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!