Chapter 5 (Season 2)
"Magbabakasyon tayo, Cess."
"Really?! Yeesss! I like that Z!!" I hugged him. Very tight. I'm so happy that he still loves me.
"I know Baby. I'll pack your things na ha?" I nodded.
"Thankyou my Zero!" he smiled.
~
"Baby, magingat kayo dun ha? May pagka-malikot ka pa naman ngayong buntis ka, mag-iingat ha?"
"Grabe ka naman Mommy! Of course I will. Don't worry about me okay? Tatawagan ka namin ni Z kapag nakarating na kami dun."
"Okay. And Zero, Iho take care of my daughter ha?"
"I will Tita." sagot naman ni Zero habang nakangisi. Alam ko ang iniisip niyan! Tuwang-tuwa kasi 'yan kapag sa kanya ako pinapaalaga o pinababantayan ni Mommy kasi nasosolo daw niya ako. Oh diba? Para siyang sira.
"Sige na. Umalis na kayo para hindi kayo gabihin ha? Bye!" sumakay na kami ni Zero para hindi kami gabihin.
"Bye Mom! Dad!"
Nakarating na din kami sa resort. Rest house + resort. Pamana ng Daddy ni Zero 'to sa kanya. Parehas may ganito sila Alden at Zero, magkaibang lugar nga lang. Yung kay Alden sa Palawan,itong kay Zero naman ay sa Batangas.
"Ang gaandaaaa! *ü* Gusto ko pang magtagal dito! Gusto ko 2 weeks! Pwede ba 'yun ha? Hindi ka ba busy sa resto? Please Z!! I want to stay here!" nasa may 2nd floor kasi kami ni Zero, sa may balcony ng bahay nila at tanaw na tanaw dito 'yung dagat na pagmamay-ari ni Zero.
"Wait," iniwan niya ako sa may balcony habang nag-da-dial sa phone niya.
Nakakainis! Hindi yata siya payag eh! >____> Baka busy sa resto. Sayang naman kasi kung 1 week lang kami dito, kaya nga kami nandito para makapag-relax kaming dalawa at malayo sa STRESS lalo na ngayong buntis ako.
Ini-enjoy ko lang ang pagmamasid ko sa buong resort ng may maramdaman akong mainit na bagay na pumulupot sa bewang ko. Tinignan ko kung ano. Mga braso. Napangiti naman ako. Inilagay ni Zero yung ulo niya sa kanan kong balikat habang nakayakap siya mula sa likod ko.
"Wag ka na pong magtampo ha? Tinawagan ko si Mommy at siya na daw ang bahala sa resto for 2 weeks." napatalon ako sa tuwa. Humarap ako sa kanya at dinampian ko ang labi niya gamit ang labi ko.
Saglit lang naman 'yun. Iaalis ko na sana yung labi ko ng hilahin ako ni Zero palapit sa kanya. Na para bang wala ng makakadaan sa gitna namin kahit ang hangin. Kahit ang labi ko ay hindi ko magawang tanggalin. Parang gusto kong nakadampi lang ang mga labi ko sa kanya.
Sa lakas ng hangin, halos liparin ang suot kong floral dress. Para pang pumasok 'yung hangin sa mga hita ko paakyat. Nagtaasan ang mga balahibo ko.
Inaalalayan ni Z ang likod ko para hindi ako ma-out of balance dahil sa ginagawa niya sa akin..
Onti-onting gumalaw ang mga labi niya sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit ako napangiti sa ginagawa niya sa akin. Ang init ng mga labi niya na para bang magwawala ako kapag nagkahiwalay ang mga labi namin. Napangiti ako.
Dahil ayaw kong mahiwalay ang labi ko sa kanya ay sinabayan ko na ang paggalaw niya. Slow. Sweet. Para akong nililipad ng hangin sa ginagawa niya sa akin. Nasa heaven na yata ako!
Hindi ko napansin na nakahiga na pala ako. Sa sobrang focus ko sa halikan namin ni Zero ay hindi ko na namalayang na-ihiga na niya ako sa malambot na kama. Sa kwarto naming dalawa.
Isang kwarto lang talaga ang napagdesisyonan naming gamitin dahil para saan pang maghiwalay kami ng kwarto kung boyfriend ko na siya?
Oo, kami na. Kami na ulit. 2 linggo na ang nakakalipas ng magkita kami sa mall ni Alden at nung hinalikan ko si Zero. Yung araw na 'yun, binigyan ko ng pagkakataon si Zero na mahalin ako at maiparamdam niya sa akin kung gaano niya ako ka-mahal.
BINABASA MO ANG
When God writes my Love story..
ContoSeason 1~ I love him, but he doesn't love me. What now? Season 2~ I can't take it anymore! I'm tired of this! If I'm only dreaming, please wake me up before it's too late... Season 3~ Soon!