"Mom, dito ka na lang po kasi. Ayaw mo ba na kasama ako?" Pilit ko kay Mommy na tumira na lang sa condo ko.
"Hindi naman sa ganoon anak pero-" paliwanag nito.
"Fine Mom."
It's been three months since I caught Greg cheating on me. It's been three months since my bestfriend betrays me.
Madaming nangyari sa loob ng tatlong buwan. Mom and Dad almost broke up. Yung mga panahon na nasa business trip si Daddy Mom called her. A girl answered, since then everything went upside down.
Umamin saamin si Dad na may iba siyang babae. I almost lost my family. I can't afford to lose them. Tama ng nawala si Greg sa buhay ko, hindi ko kakayanin kung pati pamilya ko ay mawawala pa saakin.
Pinatawad namin siya ni Mom. Mahirap, oo, pero wala eh ganoon talaga pag mahal mo. After all lahat ng relasyon sinusubok. Hindi rin ganon kadali sa side ni Mom ang nangyari. Ilang gabi ko siyang nakitang umiiyak. Seeing her crying makes me want to cry more. The worst view ever is seeing your mother crying knowing that you can't do anything.
Bakit lahat na lang ng lalaki sa buhay ko niloloko ako. First Greg and then there's Dad. Ano bang nagawa ko?
But despite all of that, I stay positive. Hindi ako nagtanim ng galit sa puso ko. Yes, the scar is still there but I can't do anything. I can't say that I already moved on. I'm in the process of moving on. Greg cheated on me, Dad cheated on Mom. Fucking double kill. Ang kinaibahan lang nila Dad did apologize to us and I can feel that he sincerely mean it.
"Anak, aalis na ako. Inaantay na ako ng Daddy mo" nagulat ako ng biglang nagsalita si Mom.
Ugh, sabi kong dito muna siya sakin eh para mamiss siya ni Dad, ayaw namang makinig.
"okay Mom. Tell Dad to visit me here when he has a time" tumango ito at tuluyan ng umalis sa condo ko.
Tatlong buwan na ang nakalipas. Nakakuha na rin ako ng trabaho. Well hindi na ako dakilang tambay.
Sa loob ng tatlong buwan hindi ako nakarinig ng kahit na anong balita kay Greg at kay Shim and it helped a lot.
Nawala lahat ng iniisip ko ng may kumatok sa pintuan ko. Sino naman kaya iyon?
I opened the door and someone hug me!
"Irene Estiva! Namiss kita!" Masayang tugon ni Marie."Surprise!" wika ni Sophie at pinakita saakin ang mga pinamili nila mula sa Supermarket.
Wow, di ko sila inaasahan. It would be fun!
"Girl, ang ganda ng condo mo. Ikaw lang mag isa dito pero ang laki laki. Teka, ikaw lang ba talaga ang nandito? Baka may tinatago ka, sa laki nito nako di malabong hmmm" nakita ko ang mapang asar na ngisi ni Marie at inirapan ko ito.
"Ikaw kahit kailan talaga-!" sigaw ko dito.
"Irene, you win at life. You're so lucky! Ang ganda ganda ng condo mo!" Masayang sabi ni Sophie.
Light colors ang theme ng condo ko. Peaceful, relaxing and refreshing.
"By the way Irene! We have an Idea" sabi ni Sophie sabay upo sa sofa.
"Yung boyfriend ko kasi-" ano? Boyfriend? Tama ba ako ng narinig?
"Teka Sophie! May boyfriend ka?!" Gulat kong tanong dito at umupo sa haralan niya.
"Hay nako girl ganyan din ang reaksyon ko ng sinabi niyang may boyfriend siya. At ang mas nakakagulat-" pinutol ni Sophie ang sinasabi ni Marie.
"grabe naman kayo sakin! Oo may boyfriend ako. Si Ryan-"
"Ryan Olivar?!" Gulat ko nanamang tugon dito. I saw her nod and she blush.
"What the hell" di ako makapaniwala.
Ryan is one of our friends. Siya yung mahilig mang asar kay Sophie. Siya yung nagsabi na walang forever kay Sophie at sa ex boyfriend niya na kinabukasan may iba na.
Wow, love really moves in mysterious ways. Love will find a way.
"I'm still in shock! Akalain mo pinatulan ka niya Sophie!" Biro ko dito at tumawa kami ng pagkalakas lakas ni Marie. She gave us a deadly look.
"But seriously, what's the idea you're talking about?" seryoso kong tanong kay Sophie.
"Can we have a party here in your condo? Not really a party, you know just chillin' and stuff"
I think that would be great.
"That's great. Ilan tayo?"
"Ryan and his friend. Tapos tayong tatlo. So we're five" I nod at her.
Di nagtagal ay umalis na rin sila. Iniwan nila dito ang mga pinamili nila. Yun daw yung gagamitin namin sa 'idea' na sinasabi ni Sophie.
I went to the ground floor cause I will buy something in the convinient store near this condominium.
It's cold outside. It's already eight in the evening.
Maraming sasakyan ang nadatnan ko paglabas ko ng condominium. Tumigil ako sa likod ng kulay itim na fortuner para isuot ang sweater na dala ko.
Ikinagulat ko ng umatras ito at halos mabunggo ako at hindi lang yun, halos sampalin ako ng usok na mula sa tambutso ng kanyang sasakyan! Damn it! Akala ko walang tao!
Sa galit at inis ko ay kinatok ko ang bintana ng kanyang salamin.
"Hoy kung sino ka mang nilalang ka-" bigla itong nagbukas kaya natigil ako sa pagsasalita.
"Anong problema mo Miss?" Kumurba ang ngisi sa kanyang labi. Aba! Ginagalit niya talaga ako.
"Sorry ha! Sorry!" Pagkabigkas ko ng mga katagang binitiwan ko ay sinampal ko ito. Napalakas 'ata yun. Buti nga sakanya.
Tinitigan lamang ako nito, walang emosyon ang makikita sa kanyang mga mata.
Wow, ang guwapo niya. No, erase. Irene ano ka ba!
Hindi ko kinaya ang intensity ng kanyang mga tingin kaya tumalikod na ako dito. Hinding hindi ko makakalimutan ang mukha mo. Antipatiko! Mayabang!
Aalis na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.
"Where do you think you're going? Tingin mo papalampasin ko lang ang pagsampal mo sa guwapo kong mukha?" Punong puno siya ng hangin sa katawan! I hate him already!
"Bitiwan mo ako, hindi tayo close at para ipaalam ko lang sayo, hindi ka guwapo! Mukha kang paa!" Hindi ko na hinintay na bitiwan ako nito, ako na mismo ang nag alis ng kanyang kamay sa braso ko.
Huh! Akala mo ha! Napaka yabang! May araw ka din saakin!
YOU ARE READING
Runaway
Teen FictionHow can you love someone when you do not love yourself completely? How to be happy when deep inside you're breaking into million pieces? Sometimes in life we don't need someone who will fix us we just only need a helping hand who will be there for u...