Kabanata 16

24 4 0
                                    

Time flies so fast. Mahigit isang buwan ko na ring kakilala si Kyle. Kilalang kilala ko na ang mokong na 'to dahil lagi kaming magkasama. Lagi rin kaming magkatext ni Kyle. But despite of that, it doesn't change the fact that sometimes he's really getting on my nerves. Napaka kulit niya at minsan ang sarap niya ng isako. Tuwang tuwa talaga siya pag nabubwisit ako sakanya.

We're really just good friends. I love being around him, I love talking to him and I love seeing him almost everyday. Wala akong feelings kay Kyle pero minsan naweweirduhan ako sa mokong na 'yon. Minsan kinakabahan ako pag nandiyan siya, especially when he's staring at me like I'm the most beautiful girl in the world. Alam ko sa sarili ko na wala akong gusto sakanya, wala talaga.

Part of me, part of my heart still thinking about Greg. I don't know but it's not the same anymore. Hindi narin ako nasasaktan tuwing naririnig ko ang pangalan niya at tuwing naaalala ko yung mga oras na magkasama kami.  Time really heals all the wounds. Natutunan kong pakawalan lahat ng sakit na nararamdaman ko dahil walang maidudulot na mabuti 'yon saakin.

Pagkatapos na pumunta ni Greg sa unit ko ng lasing na lasing pakiramdam ko nawala lahat ng bigat na dinadala ko. I thought not having a closure is the best closure, but I'm wrong. May mga bagay na dapat tapusin sa magandang paraan. May mga bagay na kailangan mong sabihin at ipaalam sakanya, sa pamamagitan 'non unti unti kang makakaalis sa lugar kung saan ka nasaktan. Unti unti kang makaka move-on sa taong nanakit sayo.

Embrace the fact that some people doesn't meant to stay in your life even if you want to. Accept it in a positive way, may mga tao na umaalis at may mga bagong tao rin na dadating sa buhay mo.

Baliw na 'ata ako dahil noon tinatanong ko ang sarili ko kung bakit niya ako iniwan, pero ngayon ay nagpapasalamat ako dahil iniwan niya ako. Ironic, isn't it? Kung hindi siya umalis sa buhay ko ay hindi ko makikilala si Kyle. But Greg will always hold a special place in my heart.

Alam kong hindi na mababago yung katotohanan na si Greg ang unang minahal ko at sinabi ko rin noon na hindi ko na kayang magmahal ng iba pero mali ako. Si Greg nga ang unang minahal ko pero hindi siya ang huling magapaptibok sa puso ko.

Kapag mahal mo talaga ang isang tao at dumating yung puntong iniwan ka niya, wala kang magagawa kung hindi tanggapin ang mga nangyayari. Akala mo katapusan na ng mundo, kasabay ng pag-alis niya ay ang pagkuha niya ng lahat sayo. Ang lahat ng lakas mo, ang lahat ng kasiyahan mo pati na ang puso mo. Love every piece of yourself first before loving others too much. Hindi mo maibibigay ang buong puso mo sa isang tao kapag hindi mo mahal ang sarili mo, ngunit hindi mo rin maaaring ibigay ang lahat sa isang tao at wala ka ng ititira sa sarili mo. It should be balance. Mahirap, hindi ganoon kadali iyon dahil pag nag-mahal kana hindi mo na iisipin ang sarili mo. Palaging yung taong mahal mo ang uunahin mo.

I want to be friends with them again, but I don't want to do the first move. I'm not that desperate. Kapag nakipag-ayos naman sila saakin at humingi ng tawad ay ibibigay ko naman 'yon. Ayoko ng magtanim ng galit sa kahit na sino, I want to move forward, at masaya na rin ako sa buhay ko dahil dumating saakin si Kyle, he's like my bestfriend and my mortal enemy at the same time.

Speaking of that devil, ilang araw na siyang hindi nagpapakita at nagpaparamdan saakin. Nagpapamiss siguro 'yon! Asa naman siyang mamimiss ko siya! Should I text him? Pero bakit ko siya itetext? Ugh! Sige na nga! Magpapahatid ako sakanya sa university na pinapasukan ko. Last week ay naka-enroll na ako, three days lang ang pasok ko sa loob ng isang linggo. This is my first day.

Kyle, can you pick me up?

Puwede ko namang gamitin yung sasakyan ko pero ayoko, gusto kong makasama si Kyle. Ilang araw na rin niya akong hindi binibuwist. Hindi siya nagreply. Hays.

RunawayWhere stories live. Discover now