Mabilis akong naglakad papunta sa CR. I need to refresh. Sa pagmamadali ko ay may nabunggo akong babae.
"Sorry" sabi ko dito ng hindi siya tinitingnan.
"What the hell! Mag-ingat ka naman!" Napahinto ako sa paglalalad ng sumigaw siya. Ganoon ko ba siya nasaktan at ganyan siya makareact?
"I said I'm sorry" malumanay kong sabi sakanya.
"Nabunggo muna ako, may magagawa pa ba yang sorry mo?" Ugh, gusto kong patulan ang isang 'to! Madilim dito sa venue at hindi ko siya maaninag ng maayos pero pamilyar ang boses niya saakin.
Tuluyan na akong umalis doon ng hindi na siya pinapansin. Napaka arte naman ng babaeng 'yon.
Nang nakarating ako sa bathroom ay nag hilamos ako at tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. I feel so weak. Gusto ko ng magpahinga, hindi kayanh iabsorb ng utak ko lahat ng sinabi saakin ni Greg.
May pumasok doon na babae at nakatingin siya saakin. Long time no see huh?
Tinititigan niya lamang ako sa salamin. Ang kanyang suot ay black long dress at kitang kita ko ang kanyang kaluluwa at pulang pula ang kanyang labi. Dapat hindi na lang siya nagdamit. It's so revealing.
"Hi Friend" sarkastiko niyang sabi saakin at nagbeso ito. God, buong akala ko pag nakita ko siya hindi na ako galit pero bumalik lahat lahat ng galit na matagal ko ng ibinaon. Hindi ko siya pinansin at nakatingin lamang ako sakanya.
"Hindi mo ba ako sasampalin? O baka naman sapat na lahat ng sampal na ibinigay mo saakin noon?" Aniya niya.
"At isa pa, ang lakas rin ng loob mong banggain ako kanina" tama nga ako. Siya nga yung nabunggo ko.
"Madami akong gustong sabihin sayo pero---" natigil sa pagsasalita si Shim ng bumukas ang pinto ng CR at pumasok si Sophie at Marie. Nagulat sila ng nakita nila kami ni Shim sa loob. The awkwardness is so heavy, I can't breath properly.
"Oh! Reunion ba natin 'to?" Masayang wika ni Shim ngunit punong puno ng sarcasm ang kanyang tono.
What's wrong with this bitch?
"Bakit ang tahimik niyo? Am I that intimidating?" Lumapit ito saakin at nakatingin lamang sa mga mata ko, hindi ako nagpatinag sakanya.
"Magsalita ka!" Sigaw niya saakin. Sino ang nagbigay sayo ng karapatang sigawan ako?
"Irene! Magsa---" bago pa siya matapos sa sasabihin niya ay sinampal ko na ito. Narinig ko ang tunog ng palad ko ng lumapat ito sakanyang pisngi.
Dali dali akong lumabas sa CR at iniwan ko siya doong nakanganga. Narinig ko pa ang pagtawan ni Marie at Sophie sa pangalan ko ngunit hindi ko na sila pinansin.
You deserved that slap, bitch.
Gusto ko ng umuwi pero sinabi ko kay Kyle na hihintayin ko siya. Bumalik ako sa table namin at walang tao ang nandoon, nagkakasiyahan ang lahat.
I can't absorb all things. Sobrang daming nangyari ngayobg gabi. Yung ginawa saakin ni Greg, si Shim, after how many months magpapakita siya saakin at sa ganoong paraan niya pa ako ia-approach? Ugh. I want to go home but I want Kyle to give me a ride. I miss him. Sa lahat ng nangyayari ngayon, siya lang yung kailangan ko.
Kyle, where are you? Can we go home?
Hinanap ng mga mata ko si Kyle matapos kong masend sakanya ang mensahe ko.
I decided to just look around and find him. Sampung minuto ko na siyang hinahanap. Nasaan na kaya ang isang 'yon?
"So you're Kyle?" Boses ni Shim ang narinig ko kaya napalingon ako sa puwesto nito. Nakita ko doon si Kyle at ang mga kaibigan niya. Bakit nandun si Shim?
"Yes" tipid na sagot ni Kyle sakanya at ngumiti.
"I'm Shim. Do you know me? Oh! Ofcourse you do. Wala naman sigurong hindi nakakakilala saakin dito" rinig na rinig ko sa boses ni Shim ang panunuya. I know her, she likes Kyle. No, not him. Not Kyle.
Papalapit na ako sakanila ng napahinto ako dahil sa ginawa ni Shim. Hinawakan niya ang braso ni Kyle at niyakap niya ito. For pete's sake! Kita ko sa mga mata ni Kyle na may tama na ito.
Biglang nag-init at umusbong ang galit ko kay Shim. She's so flirt. Of all people?! Bakit si Kyle pa? She's hitting on him! Bakit mukhang masaya si Kyle sa ginawa ni Shim? Ugh! Nakakainis siya, kaya pala hindi niya ako nirereplyan dahil busy siya! Busy siya sa ibang babae!
"You're such ---" natigil sa pagsasalita at paghalakhak si Kyle ng nabunggo ko ang isang table at may baso na nabasag dito. Naagaw ko ang atensyon nila.
Nakita kong nagulat si Kyle at sumama ang tingin saakin ni Shim. Pati ang mga kasama nila doon ay napatingin narin saakin.
Bago pa ako malapitan ni Kyle ay tumakbo na ako palabas ng venue. Naramdaman kong unti unting nag-init ang gilid ng mga mata ko.
Bakit ganoon? Wala namang ginawa si Kyle pero nasasaktan ako. Nasasaktan akong nakikita siya sa ibang babae. Nasasaktan ako na masaya siya sa ibang babae. I feel so insecure. Gusto ko saakin lang siya ngingiti, gusto ko ako lang. Am I being selfish?
Nakalabas na ako ng hotel, paano ako makakauwi? Kotse ni Sophie ang dala namin at hindi ko 'yon puwedebg gamitin. Wala namang taxing dumadaan. Bakit ngayon pa? I want to go home. This is too much to handle.
Hinaplos ko ang akong braso ng naramdaman ko ang malamig na hangin sa aking balat. Nagulat na lamang ako ng may naglagay ng jacket sa likod ko at tumabi ito saakin.
"What happened? I'm sorry if I didn't reply to your text. Hindi ko napansin." Malumanay ang boses niya. Why do I feel like I miss him so much?
"Yeah, I understand. You're busy. A very busy man" matabang kong sabi sakanya. Gusto kong malaman niya na galit at naiinis ako sakanya.
"You jealous?" May lungkot sa kanyang tinig. Ugh Kyle! You're so complicated!
"Jealous of whom?" Diretso kong sabi sakanya. Oo, nagseselos ako kay Kyle! Manhid ka ba?
"Shim" hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang tingnan ako.
"I knew it. You're jealous between Shim and Greg" what? Is he insane? "I saw them earlier"
Kyle naman! Oo, nagseselos ako pero hindi kay Greg at Shim. Sayo Kyle!
"But you know what? I saw you and Greg too, and I'm so jealous Irene. I am so jealous" malungkot niya akong tiningnan ako biglang hinawakan ang mga kamay ko.
Kyle, ako dapat ang nagkakaganyan hindi ikaw. Ako yung galit sayo pero bakit parang ako pa yung may kasalanan sating dalawa?
Hindi ako makapagsalita at natulala lamang ako sakanya. His hand are so warm.
"Hey, let's go" tipid siyang ngumiti saakin. "I know you're tired"
Papunta na kami sa condo ng walang nagsasalita saamin. It's so awkward.
"Irene, wake up. Where here" tinapik ni Kyle ang pisngi ko at unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Ang mala anghel niyang mukha ang bumungad saakin, he's smiling at me and we're an inch apart to each other. My heart is beating so loud and fast.
Lumayo siya saakin ng nakita niyang gising na ako.
"Ah... Kyle, sorry nakatulog ako. I'm just exhausted" ngumiti ako sakanya. Seryoso lang siyang nakatingin sa daanan at mukhang malalim ang iniisip.
"Gusto mo pa bang tumuloy sa unit ko? You know, you can go" hindi niya ako pinansin at nakahawak lamang siya sakanyang labi.
"Hey! I'm still here! Ang lalim ng iniisip mo" gulat ko sakanya at sa wakas ay naagaw ko na ang atensyon niya.
"What? I'... I'm so... sorry" nauutal niyang tugon saakin.
"Are you okay?" I just chuckled at him. He smiled at me. He's weird.
"I need to go. Ingat Kyle" ngumiti ako sakanya at binuksan na ang pintuan ng sasakyan. Bago ka pa ito maisardong muli ay nagsalita siya.
"Irene, I'm sorry for kissing you" nahihiya niyang sabi saakin at nagiwas siya ng tingin. Halos mabingi ako sa narinig ko mula sakanya. Nanginig ang buong katawan ko at walang salita ang lumalabas sa bibig ko.
YOU ARE READING
Runaway
Teen FictionHow can you love someone when you do not love yourself completely? How to be happy when deep inside you're breaking into million pieces? Sometimes in life we don't need someone who will fix us we just only need a helping hand who will be there for u...