Kabanata 13

35 3 1
                                    

I saw him again. My heart is beating so fast. My hands are sweating. Nanginginig ako, anong gagawin ko? Bakit siya nandito sa tapat ng unit ko?

Amoy na amoy ko sakanya ang alak at mukhang pagod na pagod ito. Ugh, Irene mag isip ka nga ng maayos! Anong gagawin ko? Shit.

Pinagmasdan kong muli ang lalaki na nakaupo sa tapat ng pintuan ko. Tulog na tulog ito, ako ba ang sadya niya dito? Paano niya nalaman na ito ang unit ko?

After three and a half months nakita ko ulit siya. I miss him. I really do.

It pains me seeing him like this knowing that I can't do anything.

Inakay ko si Greg papasok ng unit ko, hindi ko siya pwedeng pabayaan lang doon sa labas. Inihiga ko siya sa sofa at tinggal ko ang kanyang sapatos.

Nang hindi ko na talaga alam kung anong dapat kong gawin ay tinawagan ko si Sophie. Sinagot niya ito sa pang limang ring. I understand, gabi na at baka naistorbo ko ang kanyang pagtulog.

"Ugh, hello Sophie. Ah, eh... ano kasi... si Greg, nandito siya sa unit ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Can you help me here? Magpasama ka na lang kay Ryan please Sophie. I really need your help" sunod sunod kong sabi dito at agad naman itong sumang-ayon.

Mamaya pa makakarating iyon dito, may kalayuan ang bahay niya sa unit ko. Hays.

Pinagmasdan kong muli si Greg. I miss him so bad. Ngayon ko na lang ulit siya nakita.

Mahimbing na natutulog si Greg at pinapanuod ko lamang ang bawat paghinga nito.

Hinaplos ko ang kanyang mukha at nagulat ako ng tumulo ang luha ko sa kanyang pisngi. Hinayaan ko lang ito dahil alam kong hindi nanaman matitigil ang pagluha ng mga mata ko.

"Greg" nabasag ang boses ko sa pagbanggit sa kanyang pangalan. "Kamusta ka na?" This time, pinunasan ko na ang mga luha ko na tumulo sa pisngi niya.

"Alam mo ba? Tinatanong ko sa sarili ko kung anong gagawin ko pag nagkita ulit tayo." Tumawa ako, kasabay ng pagngiti ko ay ang pagbagsak ng mga luha ko. "Nasagot na 'yon". Tiningnan kong muli ang maamo niyang mukha. Buti na lang at tulog siya dahil ayokong makita niya na mahina ako, ayokong makita niya na nahihirapan ako.

"Akala ko noon pag nagkita tayo sasampalin kita, sasabunutan, sasapakin. Alam mo yun? Pero mali pala ako" hinawakan ko ang kamay nito. "Akala ko hindi na kita mahal. Pinangako ko sa sarili ko na pag nagkita tayo hindi na ako iiyak ulit kasi sobra sobra na lahat ng luha na naiyak ko para sayo" muli nanamang pumatak ang luha ko sakanyang pisngi, bahagyang gumalaw si Greg at hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko.

Ilang baldeng luha na ang naiyak ko Greg, ubos na ubos na ako. Sa sobrang pagmamahal ko sayo ay wala ng natira saakin. Tangay mo lahat lahat ng meron ako nung iwan mo ako, nung ipinagpalit mo ako sa bestfriend ko.

"I love you" malambing na sabi nito. Lasing talaga siya, siguro akala niya ako si Shim.

"I love you too, Greg" bulong ko dito at tuluyan na akong umiyak sa harap niya.

"Mahal kita Greg, mahal na mahal kita. Ang daya mo e, ang dami dami mong pinangako saakin pero kahit isa doon wala kang tinupad" gusto kong sabihin sakanya lahat lahat ng sakit na nararamdaman ko. Gusto ko siyang saktan, gusto ko siyang sumbatan pero pakiramdam ko ay wala na akong sapat na lakas para gawin iyon. I can't find any words to describe how I am badly hurt right now. Sa loob ng tatlong buwan nagpakatatag ako at sinubukan ko silang patawarin, nagpakasaya ako at nag enjoy sa buhay. Buong akala ko okay na ako, pero nawala lahat ng pinaghirapan ko. Back to zero, bumalik nanaman lahat ng pagmamahal na mayroon ako sayo. Greg, you're so fucking unfair. Bakit ngayon ka pa nagpakita saakin?

RunawayWhere stories live. Discover now