Alas-tres na ng madaling araw ako nakatulog at ala-sais na ngayon. 3 hours of sleep! Ugh! Hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko yung sinabi ni Kyle.
Did he really kiss me? Dapat ay naiinis ako sakanya ngayon pero bakit natutuwa ako?
I had to admit it. I do like Kyle. I love him. Pero ang iniisip niya ay si Greg pa rin ang mahal ko. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil hindi ko pa nasasabi sakanya ang lahat at hindi malinaw kung anong meron kaming dalawa, sobrang labo.
Naligo at kumain na ako. Wala naman akong gagawin ngayon dahil wala akong pasok. I should keep nyself busy, palagi na lang si Kyle ang nasa isip ko.
Nang nagtanghali ay biglang may nagdoorbell sa unit ko. Hmm, wala naman akong inaasahang bisita ngayon.
"Goodafternoon Maam. May nagpapabigay po sainyo" wika niya saakin ng buksan ko ang pinto at binigay saakin ang isang bouquet ng bulaklak.
"Kanino 'to galing?" Tinanggap ko ito at inamoy. It smells so good.
"Ayaw po niyang ipasabi e. Sige po una na ako"
Kanino naman kaya manggagaling ang bulaklak na ito? Red roses, it's so beautiful. Wala namang iniwang note doon. Did Kyle gave it to me, but why? Bakit niya ako bibigyan ng bulaklak? Peace offering?
Ilang minuto lang ang nakakalipas ng bigla nanamang may nagdoorbell. Inilagay ko sa table ang bulaklak at nagtungo sa pintuan. Siguro ito yung nagdala ng bulaklak dito.
"Oh, may naiwan ka ba?" Wika ko ng buksan ang pintuan. Laking gulat ko ng si Kyle ang nakita ko.
"What? Did someone came here?" Matalim niya akong tinitigan.
He looks so handsome. His hair is a lil messy, he's wearing white polo shirt and black pants. Amoy na amoy ko rin ang kanyang bango. Damn it, he's sexy.
"Ah, no. Pasok ka" pinatuloy ko siya sa loob. Normal ang kilos ngayon ni Kyle, parang wala siyang sinabi saakin kagabi. Siguro hindi totoo yun? Dala lang siguro yun ng alak.
I act normal too. Hindi puwedeng kalmado siya samantalang ako di na mapakali dito. Ano bang sadya nya? Sakanya kaya galing yung bulaklak? Magpapasalamat na ba ako?
"Oh, someone really came here. Sino nagbigay nito?" Umupo siya sa sofa at kinuha ang bulaklak.
What? Bakit siya nagtatanong? So, hindi sakanya galing yung bulaklak. Akala ko pa naman... nanlumo ako ng nalaman na hindi siya ang nagbigay 'non saakin.
"Hey, Irene. Who gave it to you?" Hindi ko na siya pinansin ng biglang tumunog ang phone ko sa isang tawag.
Unregistered number
"Hello? Sino to?"
"Did you receive the flowers?"
"Huh? Who are you?"
"It's Greg"
Ilang segundo akong hindi nakapagsalita bago pinatay ang linya. Sakanya galing yung bulaklak? Ano pa bang kailangan niya saakin!
"Irene, who is that?" Seryosong tanong saakin ni Kyle.
"Greg" wala sa sarili kong sagot sakanya.
"Oh, you look tense" his voice is so full of sarcasm. "Miss him already? Magkasama lang kayo kagabi" nagiwas siya ng tingin saakin.
"Kyle, what are you talking about?" Matabang kong sabi sakanya.
"You're getting intouch with him again?" May lungkot sa boses niya at sa kanyang mga mata. Ayokong nakikita siyang ganyan pero hindi ako makahanap ng tamang salita para sabihin sakanya lahat ng nararamdaman at lahat ng iniisip ko.
"Just nevermind" lumapit siya saakin. "Come with me"
YOU ARE READING
Runaway
Teen FictionHow can you love someone when you do not love yourself completely? How to be happy when deep inside you're breaking into million pieces? Sometimes in life we don't need someone who will fix us we just only need a helping hand who will be there for u...