Kabanata 23

29 3 1
                                    

Bumalik na kami ni Kyle sa venue. Nagpaalam siya saakin na pupuntahan niya lang ang mga kaibigan niya. Pumayag ako, ayokong masakal ko siya. Wala siyang obligasyon na samahan ako at sundin ang mga gusto ko. Tinanggihan ko rin ang paanyaya niyang ipakilala ako sa nga kaibigan niya. Sabi ko ay sa susunod na lamang at naintindihan naman niya 'yon.

Nakita ko na nagsasayawan na sila Marie at Sophie. Bumalik ako sa table namin at walang tao ang naroon.

Pinagmamasdan ko lang ang mga tao sa ball na to. Lahat sila mukhang masaya, lahat sila mukhang nag eenjoy. Biglang tumugtog ang isang kanta at lahat ng nasa dancefloor ay naging kalmado. It's a love song, asking for a second chance.

Darlin' I can't explain
Where did we lose our way
Girl it's drivin' me insane

"Can I have this dance?" May lalaking tumayo sa harapan ko at naglahad ng kamay saakin. I smiled and nod at him. Nakita ko kung paano sumaya ang kanyang mga mata.

And I know I just need one more chance
To prove my love to you
If you come back to me
I'll guarantee
That I'll never let you go

Nang nasa dancefloor na kami ay dahan dahan kong nilagay ang mga kamay ko sa balikat ni Greg. Nilagay niya din ang mga kamay niya sa bewang ko.

Hindi ko alam kung bakit pero wala akong ibang makitang emosyon sa mga mata niya ngayon kundi lungkot at pagsisisi. May pinagdadaanan ba siya?

We slowly dance into the music. Nakatingin lamang siya saakin.

Can we go back to the days our love was strong
Can you tell me how a perfect love goes wrong

"Irene, I want to tell you something" nagulat ako ng bigla niyang tawagin ang pangalan ko.

"Ano 'yon Greg?" Nagtataka kong tanong sakanya.

Can somebody tell me how to get things back
The way they used to be
Oh God give me a reason
I'm down on bended knee

"Mahal kita. Walang nagbago 'don Irene. Ikaw pa rin." Malumanay ang boses niya, pero anong sabi niya? Is he drunk? Bahagya akong huminto sa pagsasayaw dahil naiilang na ako sakanya ngunit hindi niya hinayaang mangyari 'yon. Dahil malakas si Greg ay nadala niya parin ako sa pagsasayaw namin.

"A--are you drunk?" He didn't say a thing. He just stared longingly at me.

I'll never walk again until you come back to me
I'm down on bended knee

"Please just listen to me. Please" pagmamakaawa saakin ni Greg. Bakit siya ganito?

So many nights I dreamt
Holding my pillow tight
I know that I don't need to be alone
When I open up my eyes
To face reality

"Akala ko kaya kitang kalimutan. Hindi pala. Akala ko kaya kong mahalin si Shim katulad ng pagmamahal ko sayo" his holding me tight right now. Gusto kong kumawala pero mahigpit ang hawak niya saakin.

"Hindi pala Irene. Hindi ko pala kaya" he whispered at me. Kinilabutan ako sa ginawa niya saakin.

"Greg please stop it" nanghihina ko siyang tinulak. Binitiwan niya naman ako ngunit mabilis niyang hinawakan ang mga kamay ko. For pete's sake! Nasa gitna kami ng dancefloor at gumagawa siya ng eksena.

Every moment without you
It seems like eternity
I'm begging you, begging you come back to me

"Ang tanga tanga ko kasi niloko kita. Sorry Irene. Patawarin mo ako. Please come back" tumigil na kami sa pagsasayaw ngunit nandito padin kami sa gitna. He's holding my hand so tight. Sana ay wala nalang makapansin saamin.

RunawayWhere stories live. Discover now