Kinakabahan akong binuksan ang pintuan ko at magulong unit ang tumambad saakin. Nakakalat lahat ng gamit ko at ang dumi dumi nito! What the hell?!
Dahan dahan na akong pumasok sa unit ko at nakita ko si Bryan na nakaupo sa sofa. What the fuck is he doing here? Paano siya nakapasok dito? Alam niya ang condo ko dahil minsan na silang nakapunta ng mga katrabaho ko dito noon pero hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito!
Nakita niya ako at unti unting nabuo sa kanyang mukha ang nakakapanindig balahibong ngiti niya saakin.
Alam kong may gagawin siyang masama saakin dahil kung wala ay hindi niya gagawin ang lahat ng 'to!
"Anong ginagawa mo dito Bryan?!" Bakas ang takot at kaba sa boses ko at nakita ko kung paano niya iyon ikinatuwa.
"Natatakot ka ba Irene?" Nakangisi ito saakin. Shit. Nakatayo lamang ako sa harapan niya. Naglakad ito palapit saakin.
"Don't come near me, Bryan" matapang kong saad sakanya. Dapat ay hindi niya malaman na natatakot ako sakanya.
"Your always rejecting me. So gumawa na ako ng paraan para mapansin mo ako" mahina niyang sabi at pinagpatuloy ang paglapit saakin. Ang bawat hakbang niya palapit saakin ay 'sya namang pag-atras ko. This isn't good. I want to fucking cry. Paano pag may gawin siyang masama saakin? Alam kong hindi ako matutulungan ni Kyle dahil di naman niya alam ang nangyayari at busy siya.
Tuluyan ng pinutol ni Bryan ang distansya naming dalawa at mahigpit niyang pinisil ang aking pisngi. Tinutulak ko siya pero hindi ko magawa, hindi sapat ang lakas ko at isa pa, magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Fuck, no, he can't do this me. He attempted to kiss me pero nakaiwas ako. Hawak hawak ni Bryan ang mga kamay ko at doon na nagsimulang bumuhos ang mga luha ko.
"Tulong! Tulong!" Sigaw ko kahit na alam kong walang makakarinig saakin. Nanghihina na ako. Masama bang umasa? Hindi naman diba, pero sa mga oras na 'to ay umaasa ako na dadating si Kyle, umaasa ako kahit alam kong hindi yun mangyayari.
"You're always fucking rejecting me Irene! Pagod na pagod na ako sa pagpapakipot mo! Alam ko namang gusto mo din ako!" Malakas nitong sigaw saakin! Shit. Walang paring patid ang pagtulo ng mga luha ko. Nakahawak parin si Bryan sa mga kamay ko at pinipilit kong lumaban sakanya.
He attempted to kiss me for the second time. Napakahina mo Irene! Lumaban ka! Parang tinakbuhan ako ng lahat ng lakas na meron ako. Kahit na patuloy ako sa pagtulak kay Bryan ay hindi man lang ito lumalayo saakin. Wala akong ibang ginawa kundi tawagin ang pangalan ni Kyle sa isip ko. I feel so weak. Damn it. Patuloy pa rin sa pagluha ang mga mata ko. Kyle, please help me.
Ikinagulat ko ng bumitaw si Bryan sa mga kamay ko at nakita ko itong nakahandusay sa sahig. Nakatalikod saakin ang sumuntok kay Bryan pero alam kong dumating siya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko at nakatulala lamang ako ng ilang segundo at bumalik lang ako sa reyalidad ng narinig ko ang sigaw ni Kyle.
"Fuck you! Papatayin kita!" Punong puno ng galit ang boses niya at patuloy nitong sinusuntok si Bryan.
"Who the hell are you?! Anong karapatan mong saktan at takutin si Irene?!" Kahit na nakatalikod saakin si Kyle ay ramdam na ramdam ko ang galit sakanya. Pinigilan ko ito bago niya pa tuluyang mapatay si Bryan.
Hindi parin tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko pero kung kanina ay takot ako, now I feel so safe.
"Kyle, tama na yan" malumanay na sabi ko sakanya kasabay ng pagpatak ng luha ko. Hinawakn ko siya sakanyang mga braso para pigilan siya sa pagsuntok kay Bryan na dumudugo na ang labi.
"Damn it Irene!" Tinigilan na nito ang pagsuntok sakanya at dali dali lumabas si Bryan sa unit ko.
Niyakap ako ni Kyle ng sobrang higpit. Kinulong niya ako sakanyang mga bisig at ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan. Niyakap ko rin siya pabalik at umiyak lamang ako sakanyang dibdib. I feel better now, I feel safe. Can I stay in his arms forever? I'm willing to be a prisoner if he will jail me in his arms. I am more than willing to do that.
"Irene, I'm sorry. Sorry kung ngayon lang ako dumating. Sorry" narinig ko kung paanong unti-unting nabasag ang boses ni Kyle. Hinaplos niya ng banayad ang buhok ko.
Hindi ko mapigilang hindi umiyak sa dibdib ni Kyle. Sobrang nagpapasalamat ako na dumating siya dahil kung hindi ay baka kung ano na ang nagawa sakin ni Bryan.
"No, Kyle. You don't need to say sorry. Wala kang kasalanan" kinalma ko ang aking sarili at sinubukan kong humiwalay sa yakap ni Kyle. Nang kinalas ko ang kamay kong nakapulupot sakanyang likod ay nagsalita ito.
"Stay still, Irene" malambing ang pagkakasabi niya saakin nito. "Stay still. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sayo." Hinigpitan niya ang pagkakayakap saakin. Ayaw niyang bumitaw, it's okay. I'm willing to hug him forever.
"Kyle, thank you" ngumiti ako dito kahit di niya nakikita.
Ilang minuto rin kaming magkayakap ni Kyle hanggang sa siya na mismo ang bumitaw sa yakap, ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Kyle, okay na ako. Pwede bang tulungan mo na lang akong maglinis dito? Look, ang gulo gulo" sabi ko sakanya at pinagmasdan ang paligid, nakita kong ganoon din ang ginawa niya.
Halos isang oras naming inayos ni Kyle ang unit ko at ng matapos na ay lumapit ito saakin at muling hinawakan ang kamay ko. Dinala niya ako veranda.
"Sino yung gumawa nun sayo?" Seryosong tanong nito saakin ng umupo na kami. Magkatapat kami nito at seryoso siyang nakatingin saakin, hindi ko alam kung bakit hindi siya tumabi saakin. I want him near me. Hays, ano ba Irene? Ilang pulgada lang ang layo niyo ni Kyle, umayos ka nga.
Sigurado akong pag sinabi ko sakanya na katrabaho ko yun noon ay gagawa siya ng paraan para masisante si Bryan sa trabaho at ayoko namang mangyari 'yon.
"Kyle, okay na ako. Huwag na natin siyang intindihin. Sigurado ako na hihingi 'yon ng sorry saakin" ngumiti ako sakanya at bakas parin sa mga mata niya ang galit.
"Fuck him, paano kung hindi ako dumating?" Kitang kita ko parin ang pag aalala sakanya. Ugh, Kyle why are you doing this?
Hindi ako sumagot sakanya at tinitigan ko lamang siya.
"Why are you staring at me like that Irene?" Seryoso ngunit malumanay ang kanyang pagkakasabi.
"Kyle, can you sit here beside me?" Nakita kong unti unti siyang nagulat. Wala na akong pakialam sa kung anong iisilin niya, but I want him near me! Pakiramdam ko mas ligtas ako pag nasa tabi ko siya.
Nang umupo siya sa tabi ko ay bigla ko siyang niyakap. I rest my head in his chest, feeling his heartbeat. Naramdaman ko na nagulat siya, ugh. Bahala siya diyan.
Niyakap na rin ako ni Kyle, para kaming magkasintahan na pinagmamasdan ang ganda ng syudad.
"Kyle, can you stay here? Just for tonight, please stay. I'm scared" malumanay kong bigkas kay Kyle. Alam kong busy siya at may mga kailangan siyang unahin, selfish mang pakinggan pero gusto ko muna siyang makasama kahit ngayon lang.
"I will, Irene." Those three words has the power to make my heart beat so fast. Ang lakas lakas ng tibok ng puso ko, para itong may hinahabol. Ramdam na ramdam ko ang nagwawala kong puso pati na rin ang mga kulisap sa tiyan ko. Naramdaman ko ang paghalik niya sa buhok ko, napapikit ako sa kanyang ginawa.
I'm just really thankful that he came here. I'm thankful that he came into my life.
Ilang minuto narin akong nakayakap kay Kyle pero ayos lang, hindi ako magsasawa. When I'm with him, it feels like no one can hurt me.
Nararamdaman ko ang bawat paghinga ni Kyle at ang bawat pagtibok ng kanyang puso. Kasing bilis nito ang puso ko. Why?
"Irene, nararamdaman mo ba yun?" Malambing na tanong saakin ni Kyle. Naramdaman ko ang pagngiti niya kahit hindi ko siya nakikita.
"Ang ano Kyle?" Tanong ko dito at hinigpitan pa lalo ang yakap sakanya.
"Yung puso ko, kung nagsasalita lang 'to sigurado akong paos na siya kakasigaw ng panagalan mo" his voice was husky. Fuck. What did he just say?
YOU ARE READING
Runaway
Teen FictionHow can you love someone when you do not love yourself completely? How to be happy when deep inside you're breaking into million pieces? Sometimes in life we don't need someone who will fix us we just only need a helping hand who will be there for u...