Hindi pa ako nakakaupo sa sofa ng magring ang phone ko mula sa isang tawag. Unregistered number? Sino naman kaya ito?
Babalik ako Irene.
Narinig ko ang halakhak niya! Damn it! Paano niya nakuha ang number ko?! Hindi ko na ito pinatulan at pinutol ko kaagad ang linya.
Alam kong si Kyle yun at binibuwisit nanaman niya ako. Paano kami magkakasundo kung lagi niya akong iniinis?! Ugh. Kasalanan talaga ito ni Sophie at Marie. Bakita naman kasi si Kyle ang iniwan nila dito?!
Tinawagan ko si Sophie. Yari saakin ang babaeng 'to, nako!
"Sophie!!!" sigaw ko sa kabilang linya ng sagutin nito ang tawag ko.
"Irene! Anong problema mo? Ang lakas ng boses mo!" Sigaw nitong pabalik saakin. Umupo ako sa sofa, sisimulan ko ng bulyawan ang isang 'to.
"Bakit naman si Kyle ang iniwan niyo dito? Pwede namang si Marie!" Narinig ko ang napakalakas niyang tawa.
"Oh my God Irene! Yan lang ba ang itinawag mo saakin?!"
Anong problema niya? Bakit niya ko tinatawanan?
"Oo! Naiinis ako kay Kyle! Lahat ng ginagawa niya nakakainis!" Sigaw ko dito. Para akong bata na nagtatantrums sa kanyang nanay.
"Alam mo ba tumawag saakin si Kyle. Natutuwa daw siya sayo lalo na pag naiinis ka" humalakhak na ito at pinutol na ang tawag.
Buwisit na Kyle yun. Wag lang siyang magkakamaling magpapakita saakin!
Back to work na pala ako bukas. Isa akong secretary, medyo hassle ang trabaho dahil kailangan hindi ako magkamali at alamin ko ng tama ang lahat ng schedules ng boss ko at isa pa tinutulungan ko din ito sa ibang business transactions. Sabi ni Daddy kung tutuusin pwede ako sa kumpanya namin, ayoko naman doon dahil sigurado na makakatanggap ako ng special treatment. Gusto kong paghirapan lahat ng ginagawa ko.
Dalawang buwan na akong nagtatrabaho sa De Guzman's Company. Masaya naman doon, maayos makitungo ang mga empleyado at mabait ng mga boss namin, but these past few days pakiramdam ko hindi na ako masaya. Ilang gabi ko ng iniisip ang trabaho ko. Alam kong sa puso ko ay may iba akong gustong gawin pero kinokontra ito ng isip ko. Bakit ba kaialangan na laging magtalo ang puso't isip? Hindi ba pwede na magkasundo na lang sila? Hays.
Ala-sais ng gabi nang napagdesisyunan kong pumunta kay Mommy at Daddy. Alam kong matutulungan nila ako sa bumabagabag saakin at isa pa namimiss ko na din sila. Tinext ko si Mom na pupuntahan ko sila at ibinilin ko na ipagluto ako ng paborito kong menudo.
Naligo na ako at nag ayos. Pinili kong mag pants na blue at t-shirt na white.
Ni-lock ko ang unit ko at sumakay na ako sa elevator. Agad agad akong dumiretso sa sasakyan ko ng nakapunta na ako sa basement ng condominium.
Medyo may kalayuan ang condo ko sa bahay namin. Mahigit isang oras ang biyahe.
Nang malapit na akong makarating sa bahay ay nakita ko si Mommy at Daddy na nag aabang saakin. They are holding their hands. It's so good to see them like this, kahit na may pinagdaanan at sinubok ang relasyon nila hindi sila sumuko. Bumaba ako ng sasakyan at dali daling pumunta sakanila.
"Mom, Dad, I miss you!" Niyakap ko sila. Nakakamiss talaga sila.
"Anak we missed you too! Kamuntik na akong magtampo sayo dahil di muna ako naaalala" wika ni Daddy at tinitigan ako ng masama.
"Dad naman!" Natawa ako sa reaksyong ipinakita niya.
"Oh, pumasok kana anak at maghapunan na tayo. Kami ng Daddy mo ang nagluto ng paborito mo!" Nakakamiss pala yung ganito, yung may nag-aalaga sayo at may nag-aasikaso. Nang nasa hapag na kami ay kinamusta ni Dad ang pagtira ko sa condo.
"Dad, okay naman po sa condo. Masaya, relaxing at tahimik po. Actually natutuwa po ako doon tuwing gabi dahil ang ganda gandang pagmasdan ng city ligths." Ngumiti ako kay Daddy at kinain na ang niluto nilang menudo. Ang sarap! Mapapasabak yata ako sa matinding kainan!
"Hindi mo man lang ba kami namimiss ng Daddy mo?" Pabirong wika ni Mommy.
"Ofcourse Mom namimiss ko kayo, pero masaya na rin ako dahil alam kong lagi kayong may quality time dito sa bahay" biglang nabilaukan si Daddy at tinawanan lang namin ito ni Mom.
"Ah, Mom" tumingin ito saakin. "Dad" nagtataka din akong tiningnan ni Daddy. "May sasabihin po sana ako sainyo" seryoso kong sabi. Tahimik lang sila at naghihintay sa susunod kong sasabihin.
"Buntis po ako" diretso kong wika sakanila at nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata nilang dalawa.
"Ano?!!!" Sabay nitong sigaw saakin, pakiramdam ko ay humiwalay saakin ang eardrums ko! Wtf!"Joke lang po" hindi ko napigilan ang paghagalpak ko sa tawa. Bigla akong binatukan ni Daddy.
"Dad, aray naman! Masakit yun!"
"Muntikan na kaming atakihin ng Mommy mo sayo! Nakuha mo pa talagang magbiro ha?!" Binatukan nanaman ako nito. Natawa na lang ako sa reaksyon nila. Epic. Hahaha
"Eh kasi naman po ang seryoso niyo masyado" tinitigan ko ulit sila dahil shock parin sila sa sinabi ko kanina.
"But, seriously Mom and Dad, may sasabihin po talaga ako" nakita kong nagseryosong muli ang mga mata nila.
"Siguraduhin mong matino yang sasabihin mo Irene, nako!" Pagbabanta saakin ni Mom at uminom ito ng tubig.
"Kasi po, hindi na ako masaya sa trabaho ko." Hinintay ko ang reaksyon nila ngunit ng napagtanto kong wala silang sasabihin ay nagpatuloy ako.
"Mabait naman po ang mga empleyado dun, mabait din po yung mga boss ko pero po kasi may ibang gustong gawin yung puso ko." pansamantala akong huminto sa pagsubo ng kanin at ganoon din ang ginawa nila Mommy at Daddy.
"Sigurado ka na ba diyan anak? Alam mo namang di ka namin pipigilan pagdating sa mga ganyang bagay." Seryosong wika ni Daddy. Tumango ako dito.
"At ano naman yung gustong gawin ng puso mo anak?" Tanong saakin ni Mommy.
"Gusto ko pong magturo or maging professor" ngumiti ako sakanila at nakita ko ang gulat sakanilang mga mata.
"Sigurado ka? So ibig sabihin mag-aaral ka ulit?"
"Opo Mom kung iyon po ang kailangan. Pakiramdam ko po kasi hindi ko na magagawa ng maayos ang trabaho ko, lalo na't hindi na ako masaya sa ginagawa ko. Matagal ko po 'tong pinag isipan at sigurado po ako na pagtuturo ang magpapasaya saakin. Susuportahan niyo naman po ako diba?" Tumango silang dalawa at ngumiti saakin.
"you know that we will always support you right?" I nod at Mom. Salamat at naiintindihan nila ako.
"Do what makes you happy anak" ngumiti saakin si Dad. "So ano ng plano mo sa trabaho mo?"
"Magfa-file na po ako ng resignation letter bukas" masayang natapos ang dinner namin. Nagstay pa ako ng isang oras para makipagkulitan at kuwentuhan kay Mom and Dad.
It's 9:30 in the evening when I decided to leave. Nagpaalam na ako kay Mommy at Daddy.
"Mom, Dad, salamat po" ngumiti ako at niyakap sila.
"Bumalik ka dito anak, magtext ka saamin pag nakauwi kana" ngumiti si Daddy at hinalikain ako sa pisngi, ganoon din ang ginawa ni Mom.
Hindi traffic kaya mabilis akong nakarating sa condominium. Sumakay ako ng elevator at dinala ako nito sa tamang floor kung nasaan ang unit ko. May nakita akong lalaking nag aabang sa tapat ng pintuan ko. Nakayuko ito at mukhang lasing. Nagmadali akong puntahan siya. Why does he looks so familiar?
Nang makarating ako sa tapat niya ay inangat ko ang ulo nito at halos manginig ang mga tuhod ko sa taong nakita ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
YOU ARE READING
Runaway
Teen FictionHow can you love someone when you do not love yourself completely? How to be happy when deep inside you're breaking into million pieces? Sometimes in life we don't need someone who will fix us we just only need a helping hand who will be there for u...