Kabanata 22

19 4 0
                                    

"What are we going to do in that hotel?" Nagtatakang tanong ko kay Sophie at Marie habang papunta na kami sa hotel na tinutukoy nila.

"We will have a mini ball." Tipid na sagot saakin ni Sophie at tila ba kuntento na siya sa paliwanag niya saakin.

"What? With who? Bakit di ako nainform?" Sunod sunod ang tanong ko sakanila. Honestly, wala akong ideya sa mga nangyayari.

"The former students in the university where we graduated. There's no specific batch, just the students in our university who wants to join. Minsan lang 'to, so let's grab the opportunity." Nakita ko kung paano tumango si Marie saakin. So, yun pala yun? Hindi man lang ako tinanong ng dalawang 'to kung gusto kong sumama.

Posibleng makita ko don si Greg at Shim. Posible ring makita ko doon si Kyle, pero wala naman siyang nabanggit saakin na may pupuntahan siya.

Kyle is my schoolmate. Ahead lang siya ng two years saamin kaya hindi ko siya kilala. Nakilala lang rin nila Sophie at Marie si Kyle nung naging boyfriend ni Sophie si Ryan. The rest is history.

"Sorry Irene, hindi namin sinabi sayo kasi baka hindi ka sumama. Sa pagkakaalam ko kasi pupunta doon si Greg at Shim." Nagaalangang sabi sakin ni Sophie.

"Greg and I were okay, nagkausap na kami 'nong nakaraan. I don't know about Shim. Kamusta na nga pala yung dalawa?" Tanong ko sakanila. Lumingon saakin si Marie at magsasalita na sana ng biglang nagsalita si Sophie.

"We're here! Let's go" masayang sabi saamin ni Sophie. Marie just shrug at me. Gusto kong itanong sakanila kung nandito si Kyle kaso mukhang wala akong makukuhang magandang sagot dahil excited na excited na sila.

Agad agad kaming bumaba ng sasakyan at dumiretso na sa hotel. There's a huge place in this hotel where many people can be accomodated.

Nang nasa loob na kami ay narinig na namin ang malakas na tugtugan mula sa venue.

"Shit. We're five minutes late" wika ni Sophie.

"Sophie, calm down. It's okay" mataray na tugon ni Marie sakanya.

"Whatever" tinawanan ko na lamang ang dalawa dahil para silang aso't pusa.

Nang nakarating na kami sa venue ay dumiretso kami kung nasaan sila Ryan. Marami-rami kaming kakilala dito at binati namin ang nga ito.

Napakaganda ng venue na 'to. It looks so magical. May mga fake mistletoe na kulay silver at ang ganda ng pagkakaayos ng mga table. Nagpadagdag din sa ganda nito ay ang mga ilaw na naglalaro saming mga mata. May malaking lugar doon para sa sayawan.

Tumabi ako kung  saan nakaupo si Marie, ang nasa gilid niya ay si Sophie. Ang mga kasama namin sa table ay ang dating naming college friends.

"Babe, you look so good" Narinig kong kinausap ni Sophie si Ryan.

"You too Sophie. You're stunning" tugon ni Ryan at narinig ko ang halakhak ni Sophie. Lovebirds, indeed.

"Marie, alam mo ba kung pupunta dito si Kyle?" hindi yata ako narinig ng babaeng 'to dahil hindi niya ako sinagot. Palakas na ng palakas ang tugtugan dito sa venue. Maya maya lang ay magsisimula na ang ball na 'to.

Tumingin ako sa mga taong dumarating sa venue at sa di kalayuan ay nakita ko si Greg papunta saamin. He looks good. Tiningnan ko sa likod niya kung may kasama siya ngunit hindi ko nakita doon si Shim.

"Can I join you?" Nagulat ako ng biglang nakarating dito si Greg. Binati siya ang mga kasama namin at ganoon din ang ginawa niya. Nginitian lamang namin siya nina Sophie at Marie. Tumayo si Ryan at niyakap si Greg.

"Pare" bati sakanya ni Ryan at nagsimula na silang mag-usap.

Dahil sa nangyari saaming tatlo ni Greg at Shim nagkaroon ng di pagkakaintindihan sa aming magkakaibigan. Iniwasan nila si Greg at Shim but now I'm glad that everything is okay now between them and Greg. I don't know about Shim, she didn't even bother to say her sorry.

Greg looks so good tonight. Siguro kung may nararamdaman pa ako sakanya ay kanina pa ako nahimatay dito.

"Can I sit beside you?" Tanong saakin ni Greg. I just smiled at him.

"Where's Shim?" Nagtataka kong tanong sakanya. Bakit hindi niya kasama ang girlfriend niya?

"You didn't know?" Tugon niya saakin.

"Know what?" Naghihintay ako sa sagot ni Greg nang bigla kong marinig ang sigawan ng mga kasama ko sa table.

"Kyle, pare!" naagaw ang atensyon ko ng lalaking paparating sa table namin. Sinagot na rin ni Greg ang tanong ko ngunit hindi ko na 'yon naintindihan dahil nakapokus ang buong atensyon ko kay Kyle.

Wala akong ibang marinig kundi ang pagtawag nila sa pangalan ni Kyle, tila ba nagslow motion ang nasa paligid ko.

"Hey!" Bati niya sa mga naroon. "Nandito na ba si Irene?" Wait, hinahanap niya ako? Shit. I can't breath. Irene, wtf! Find your chills.

"She's here!" Masayang tugon ni Sophie at tinuro ako. Nakangiting lumingon saakin si Kyle. He looks so beautiful. His black suit fits him really well. How can he became so beautiful like that?

Lumapit siya saakin ng nakangiti. Unti-unting nagdilim ang kanyang aura ng nakita niya kung sino ang nasa tabi ko.

Tumayo ako at sinalubong ko siya ng yakap.

"I miss you" masayang sabi ko sakanya. Ramdam ko ang panginginig ng katawan ni Kyle. Is he mad?

"Kyle, what's wrong?" Nag-aalalang tanong ko dito at bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya para matitigan ang kanyang mukha.

Hindi ako nito pinansin at dumiretso lamang siya kung saan naroon si Greg. Anong gagawin niya?

Tumayo si Greg at nag-iba din ang kanyang aura ng nakitang papalapit sakanya si Kyle.

I can feel the intensity and the awkwardness, I need to do something.

"Kyle" naglahad ng kamay si Kyle kay Greg nang nasa tapat na siya nito. Malalim ang mga tingin na pinapakawalan nila sa isa't isa.

"Greg" tinanggap ni Greg ang kamay ni Kyle. Nanatili lamang silang nakatingin sa isa't isa. Nakita ko ang mga gulat na mukha ng mga kasama ko. Fuck, it's so awkward.

"The party is starting in a minute! Be ready!" Announce ng MC.

"Kyle, come here. I have something to tell you" hinawakan ko sa braso si Kyle at hinatak na paalis doon. Nginitian ko na lamang si Greg.

"May problema ba?" Tanong ko kay Kyle ng nakalabas na kami sa venue. Babalik na lang kami doon mamaya.

"Wala" malamig niyang sabi saakin. Kanina lang ay masaya siya tapos ngayon bigla siyang magkakaganyan?

"Kyle, tell me. What's wrong?" tinitigan ko siya sa mga mata at madaming emosyon doon ang hindi ko mabasa.

"Why are you with him? I know you still love him but---" His voice is so cold. Ayun lang ba ang problema niya?

"Kyle, seriously?" Nginitian ko siya at pinisil ang kanyang pisngi.

"Answer me" pagmamaktol nito saakin.

"Lumapit siya saamin. Tinanong niya ako kung pwede siyang tumabi saakin. Yun lang yon" malambing kong sabi sakanya.

"Pumayag ka naman?" Unti unti siyang tumalikod saakin. He's like a six year old kid having a tantrums.

Nang tuluyan na siyang nakatalikod saakin ay niyakap ko siya.

"I miss you, for the second time huh?" I heard him chuckle.

"I miss you too" humarap siya saakin at binigyan niya ako ng napaka tamis na ngiti.

"Let's go back?" He nod at me.

While we're heading back to the venue he slowly hold my hand. His hand is so warm. I feel safe whenever his around. I just want him to be with me every minute of the day.

I want to tell him everything. I want to tell him how much he means to me. Soon Kyle, you'll know, soon.

RunawayWhere stories live. Discover now