I have a girlfriend
I have a girlfriend
I have a girlfriend
I have a girlfriend
Paulit-ulit itong naglaro sa isip ko. May girlfriend si Kyle? Hmm. Good for him.
Pagkatapos ng mga nangyari ng umagang iyon ay napilit ko na ding umuwi si Kyle. Hindi ko nagawang magpasalamat sakanya dahil nahihiya ako. Sa susunod na araw na lang pag nagkita ulit kami.
Kinaumagahan ay naghanda na ako sa pagpunta sa opisina. One and a half hour ang biyahe mula sa condo ko hanggang dito sa pinagtatrabahuhan ko. Actually magpapasa na ako ng resignation letter.
Nakarating ako sa 'De Guzman's Company' I'm ten minutes early. Nakita ko ang mga katrabaho ko at binati ko ang mga ito.
"Hi Irene magandang umaga!" Bati saakin ni Bryan, nginitian ko ito.
Bakit mukhang sobrang busy ng mga tao? Usually hindi naman ganito, chill lang kami dito. Nakita ko sa Patricia at binati ko ito.
"Hi Patricia!" Nilapitan ko ito. "Bakit parang busy ang lahat?"
"Pupunta daw ang anak ng Boss natin dito, sabi nila masungit daw iyon kaya ayan aligaga sila dahil natatakot silang mapagalitan" bulong nito saakin at tumataas taas pa ang kanyang kilay. "Sige Irene dito na ako" paalam nito at umalis na. Si Kyle lang pala ang pupunta dito!
Pumunta muna ako sa puwesto ko at ikinagulat ko ng ipatawag ako sa opisina ni Sir Antonio. Kinakabahan kong binuksan ang pintuan nito at napansin naman ako kaagad nito. Baka alam niya na magreresign na ako at papagalitan niya ako.
"Good morning po Sir" ngiti ko dito kahit na kinakabahan ako.
"Goodmorning din Iha" mabait talaga si Sir sa halos lahat ng empleyado niya.
"pi- pinatawag niyo daw po ako?" nauutal kong tanong dito.
"Kinakabahan ka ba Irene?" Tumawa ito saakin.
"Huwag kang mag alala sinabi na ni Kyle saakin na magre-resign ka. Ayoko sanang pumuyag pero wala naman na akong magagawa" Hays, nakahinga narin ako ng maluwag. Buong akala ko ay papagalitan niya ko."Thank you Sir" ngumiti ako sakanya. Alam kong hindi ko na kailangan ipalaiwanag kay Sir kung bakit ako umabot sa ganoong desisyon dahil sigurado akong naipaliwanag na ni Kyle 'yon.
"Ibibilin ko lang sana ang anak ko saiyo. When he come here please accompany him. Ayokong manggulo siya dito sa kumpanya ko. Before lunch nandito na iyon" tumawa ito. Natawa na rin ako sa sinabi niya.
"Ah sige po Sir! Noted!" Ngumiti ako at tuluyan ng lumabas sa kanyang opisina.
It's twelve o'clock, hinihintay ko ang anak ni Sir. Ang tagal naman nun, gutom na gutom na ako. Pag dumating dito si Kyle babatukan ko talaga yon! Biglang lumapit saakin si Bryan, hindi naman ako nag aassume pero pakiramdam ko gusto niya ako. Madalas niya akong yayain maglunch at madalas ko din siyang tanggihan. I feel bad.
"Hi Irene!" Ngumiti ito saakin. Maayos naman si Bryan, mukha siyang mabait at katiwatiwala hindi tulad nung Kyle na yun! Mukhang paa yung mokong na iyon e! Teka, bakit ko sila kinukumpara? Ugh.
"Ah, hi Bry" ngumiti ako dito at tiningnan ang wrist watch ko. Twelve fifteen na, gaano pa kaya katagal yung mokong na 'yon? Gusto ko ng kumain, nagugutom na ako. Kailan siya dadating? Pag tumurik na ang mata ko? Ugh!
"Lunch tayo? Wag ka ng tumanggi, palagi mo na lang akong tinatanggihan" pagpilit nito saakin.
"Ah, eh" tumingin ako sa paligid sa pagbabakasalibg dumating na yung buwisit na si Kyke.
YOU ARE READING
Runaway
Teen FictionHow can you love someone when you do not love yourself completely? How to be happy when deep inside you're breaking into million pieces? Sometimes in life we don't need someone who will fix us we just only need a helping hand who will be there for u...