Ilang araw pa lang kaming magka-kilala ni Kyle pero pakiramdam ko ang dami dami niya ng alam saakin. He's not that bad, sobrang trip niya lang talaga akong inisin. Tila yata iiyak ang langit kapag hindi niya ako maiinis. I want to know him more, I want to be friends with him.
Nakaupo kami ni Kyle dito sa veranda, he's sitting beside me. Pareho naming pinagmamasdan ang ganda ng syudad.
Tahimik lamang ako dahil nahihiya ako sa inasal ko kanina. Ilang beses ko siyang niyakap. Baka isipin niya na gusto ko siya, assuming pa naman ang isang to.
"Wanna hear a funny story?" Pagbasag ni Kyle sa katahimikan at ngumiti siya saakin. I nod at him. I heard him chuckle. Damn it, he's so sexy.
"Once upon a time, nagpark ako sa labas ng condominium na ito. Hindi ako agad lumabas ng sasakyan ko dahil may insaikaso pa ako. Then you know what? I saw girl holding a sweater." I know where this story going. Inirapan ko lang si Kyle at pinagpatuloy niya ang kanyang sinasabi.
"Sinadya kong iatras ang sasakyan ko at napansin ko na halos yakapin na siya ng usok nito" he laughed. Damn it, I knew it. Napaka antipatiko talaga ng lalaki na 'to.
"Nakita kong galit na galit siya sa ginawa ko at kinatok niya ang bintana ng sasakyan ko." Tinitigan ako nito, iniripan ko siyang muli. Buwisit talaga ang lalaking 'to.
"To make the story short, bumaba ako sa sasakyan at sinampal niya ako. And you know what's worse? Sinabihan niya ako na mukha akong paa. Ang guwapong paa ko naman kung ganun" tumawa nanaman ito at nakahawak na siya sakanyang tiyan. Ganyan ba siya kasaya na maalala lahat ng kalokohang ginawa niya saakin?
"Buwisit ka talaga Kyle!" Inirapan ko ito sa pangatlong pagkakataon at nakitawa na rin sakanya.
I yawn, I'm tired. Nakita kong napansin ni Kyle ang paghikab ko.
"Ah, I'm sorry Kyle" ngumiti ako sakanya.
"You tired? You can rest here in my shoulder" I nod at him, he smiled so sweetly.
"Gusto mo bang kuwentuhan pa kita Irene?" narinig ko ang malumanay niyang boses at naramdaman ko ang banayad niyang haplos sa buhok ko. Napapikit ako sa ginawa niya. Tumango ako dito. I'm sleepy and I'm tired kaya mabilis akong nakatulog sa kanyang balikat, pero bago tuluyang pumikit ang mga mata ko ay narinig kong may sinasabi si Kyle ngunit hindi ito naging malinaw kaya't hindi ko na naintindihan ang sinabi niya.
Kinaumagahan ay nagising ako mula sa ingay na narinig ko sa sala.
"Shhh, hinaan niyo ang boses niyo baka magising si Irene" boses iyon ni Ryan.
Masakit ang ulo ko para itong binibiyak. Hindi naman ako uminom kagabi pero sobrang sakit ng ulo ko at masama ang pakiramdam ko.
Lumabas ako saaking kuwarto ng hindi nag aayos, kahit pagsuklay ng buhok ko ay hindi ko ginawa. I don't care if they can see me like this.
Natahimik sila ng nakita nila akong lumabas at nakita kong gulat na gulat ang mga ito.
"Oh? Bakit para kayong nakakita ng multo?" Nagtataka kong tanong at umupo ako sa tabi ni Marie, hindi ako dumiretso sa kusina para kumain. Wala akong gana.
"Damn it Irene!" Biglang hinawakan ni Marie ang noo ko at ang leeg ko. "Namumutla ka at ang init init mo!"
They checked my temperature. It's 39°, kaya pala ang sakit ng ulo ko at masama pa ang pakiramdam ko.
Tumayo ako ng bigla naalala ko na kailangan kong magpasa ng resignation letter sa boss ko ngayon! Shit.
Napainda ako sa sakit ng ulo ko sa biglaan kong pagtayo at agad namang lumapit saakin si Kyle para alalayan ako.
YOU ARE READING
Runaway
Teen FictionHow can you love someone when you do not love yourself completely? How to be happy when deep inside you're breaking into million pieces? Sometimes in life we don't need someone who will fix us we just only need a helping hand who will be there for u...