Hindi ko alam kung may kasama pa kaming iba bukod kay Ryan, Sophie at Marie. Siguro kung meron ay mga extended friends nila.
Nakapasok na kami sa maingay at magulo na bar. Nakita ko si Marie na kumakaway saamin at agad agad namin silang pinuntahan. Nandito kami sa may gilid na may ilang pulgada ang layo sa dancefloor.
Masyadong maraming kaibigan ang kasama ni Marie kaya't hindi ko na nagawa na tingnan sila isa isa sa mukha. Tama nga ako, kasama nila ang mga extended friends nila.
"Hi guys! This is Irene" pakilala saakin ni Marie sa mga kaibigan niya. Karamahin doon ay lalaki at wala akong kilala kahit isa sakanila.
Inikot ko ang mga mata ko sa mga kasama namin at nakita kong nakaupo doon si Kyle. Ugh! Nagsisisi ako na tiningnan ko pa ang mga kasama namin. Hays.
Tiningnan ko kung may kasama si Kyle ngunit ikinatuwa ko ng wala siyang katabing babae. Akala ko hanggang dito ay kasama niya parin ang Alexa niya! Ugh!
Nakita kong malalim ang mga tingin saakin ni Kyle. Mukha siyang galit? Hmm. Siya pa ang galit ngayon? Bahala siya hindi ko siya papansinin! Bwisit siya!
Umupo na ako sa tabi ng isang lalaki. Opposite kung nasaan si Kyle kaya't kitang kita ko ang mga kilos niya. Wala akong choice, 'yon na lang ang bakante. Infairness guwapo din ang katabi ko huh? Mabango din! Ugh! Ano ba 'to, kung anu-anong iniisip ko.
"Hi, I'm Drake" inilahad nito ang kamay niya saakin at nginitian ako. Ganoon din ang ginawa ko sakanya.
"I'm Irene" tinanggap ko ang kamay niya at nagulat ako ng halikan niya ang kamay ko. Nakakahiya! Pakiramdam ko ay namumula ako! Okay lang naman saakin dahil ganoon talaga ang ginagawa ng ibang lalaki at feeling ko naman ay hindi 'yon kabastos-bastos.
Narinig ko na lamang ang malakas na hiyawan ng mga kasama namin dito. Nakita yata nila yung eksenang ginawa ni Drake.
"Pre! Easy ka lang!" Sabi ng isang lalaki at tinawanan si Drake.
Nakita ko kung paano ngumisi si Drake sakanila. Bakit ang cute niya? Nginitian ko na rin ang mga kasama namin.
Tumunog ang phone ko mula sa isang mensahe kaya dali dali ko itong binuksan at nakita ko doon ang pangalan ni Sophie. Bakit niya pa ako tinext e magkasama lang naman kami! Tiningnan ko muna siya bago ko binuksan ang kanyang mensahe. Nakita kong nakatingin din saakin si Sophie at sinenyas na buksan ang phone ko. I nod at her.
Sophie:
Irene, what are you doing? Gusto mo bang makapatay ng tao si Kyle?Literal na napanganga ako ng nabasa ko ang text ni Sophie. Anong problema niya? Ano namang pakialam ni Kyle? Wala akong ginagawang masama!
Agad agad akong nag-type ng mensahe sakanya.
I don't care.
Nang nasend ko na ang reply ko kay Sophie ay tinago ko na ang phone ko. Tiningnan ko si Kyle at ikinagulat ko ng nakatingin din ito saakin. Matalim ang mga titig na ibinibigay niya saakin. Problema niya?
Hindi nagtagal ay pumunta na sa dancefloor ang iba naming kasama, ganoon din sila Ryan at Sophie. Si Marie at Kyle ay nanatili dito at busy sa kanilang phone. Si Drake ay hindi umalis sa tabi ko at seryoso lamang akong tinitingnan.
"How old are you?" Seryosong tanong ni Drake.
"I'm 21, you?" Nginitian ko lamang siya. Mukha naman siyang mabait at hindi gagawa ng masama saakin.
"23" tumayo na ito sa harapan ko.
Biglang naglahad saakin ng kamay si Drake at niyaya akong sumayaw.
ESTÁS LEYENDO
Runaway
Novela JuvenilHow can you love someone when you do not love yourself completely? How to be happy when deep inside you're breaking into million pieces? Sometimes in life we don't need someone who will fix us we just only need a helping hand who will be there for u...