Kabanata 11

34 3 2
                                    

Nagising ako kinaumagahan ng masakit ang aking ulo. Naparami yata ang inom ko kagabi. Di ko namalayan kung paano ako nakapunta sa kuwarto ko. Ang huling natatandaan ko ay nasa veranda kami. Tulog na sila Ryan, Sophie at Marie. Don't tell me si Kyle ang naghatid saakin dito? ugh! Wala akong maalala.

Tahimik ang unit ko, baka tulog pa sila. I wonder kung saan natulog ang mga iyon.

I check my wall clock. It's eleven in the morning, imposibleng tulog pa sila. Baka naman ay nauna ng umuwi at hindi na nakapag paalam saakin dahil ayaw na akong istorbuhin. Mabuti pa't icheck ko na lang.

Lumabas ako ng aking kuwarto ng may naamoy akong mabango mula sa kusina.

I saw a man cooking on my kitchen. Nakatalikod ito saakin, nakatopless din ito. For pete's sake aircon ang condo ko! Gusto niya bang magkapulmunya?!

Napansin ako nito na pumasok sa kitchen. I just look at him then I roll my eyes.

Naiinis talaga ako Kyle! Hindi ko makakalimutan yung ginawa niya saakin ng unang beses kaming magkita. Okay sana siya, mukha siyang mabait kaso naiinis talaga ako sakanya. Ugh.

"Goodmorning!" Masayang bati nito saakin.

"Nasaan na sila Kyle?" hindi ko pinansin ang sinabi nito.

"Umuwi na sila. I told them not to wake you up kasi marami kang nainom kagabi" wika nito at pinagpatuloy ang niluluto niya.

So si Kyle talaga ang iniwan nila dito? For what?

Hindi ko ito pinansin at tnitigan ko lamang ito ng masama kahit na nakatalikod siya saakin. Bakit pati likod niya ay nakakainis?!

"Stop staring at my body Irene. Alam kong maganda ang katawan ko di mo na kailangang ipamukha" then he grin. God! I hate him! Ang yabang!

Nailuwa ko ang kape na iniinom ko. Lumapit ito saakin at binigyan ako ng pamumas para sa natapon na kape.

"Are you okay?" He pat my back. Aba! Huwag niya akong mahawak hawakan diyan!

"Don't touch me di tayo close" agad nitong inalis ang kamay niya na nasa likod ko.

"Kunwari ka pa Irene, if I know-" hindi ko na pinatapos ang kanyang sasabihin.

"Kyle, for your information hindi ako nagagandahan sa katawan mo at hindi ka rin guwapo. Katulad nga ng  sinabi ko sayo nung una tayong nagkita, mukha kang paa!" narinig ko ang kanyang halakhak. Damn it. Ang sexy ng tawa niya.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?! Huwag ka ngang tumawa di mo kinaguwapo yan" inis kong wika kay Kyle.

Lalo lamang itong tumawa ng malakas. Ugh, he's really getting on my nerves.

"Masaya ka ba pag naiinis ako ha?!" Di ko na napigilan ang sarili ko. Nakakainis naman kasi ang isang 'to. Ang lakas mambuwisit.

Hindi niya ako pinansin at inayos niya na lamang ang mga kakainin namin na niluto niya.

Magkaharap kami sa lamesa at nakatingin lamang ito saakin. I can't help myself but stare at him too. He's handsome. Maganda at mapungay ang kanyang mga mata. His eyelashes are long. Wow. Matangos din ang ilong nito. Mapula at manipis ang kanyang labi.

"Crush mo ako no?" Mayabang na sambit nito saakin

"Wha-what?! Asa ka naman!" Nauutal kong sagot sakanya.

Bakit ba siya ganyan?! Punong puno ng hangin ang katawan niya.Inaamin ko guwapo siya pero hindi mababago nun ang katotohanan na naiinis ako sakanya!

"Wala ka bang naaalala kagabi Irene?" seryoso nitong tanong saakin at sinimulan ng kainin ang mga niluto niya. Hindi ko ito pinansin at kumain na lang din ako.

"Hindi mo ba naaalala yung ginawa mo sakin kagabi? Pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko" wika nito at tinakpan ang kanyang dibdib gamit ang kanyang mga kamay. 

"Pinagsasabi mo diyan? Excuse me! Kahit lasing ako di ako magkakamali na-" hindi ako nito pinatapos sa pagsasalita. 

"Huwag ka ng magpaliwanag!" umarte ito na tila bang aping api siya at maluha luha ang kanyang mga mata. 

Hindi ko napigilan ang aking sarili at napahagalpak ako sa tawa! Hahaha! Ang epic ng itsura niya!

"Ang epic ng mukha mo Kyle!" hindi ako matigil sa kakatawa at nakahawak na ako sa aking tiyan. Napansin kong tumahimik ito at tinitigan lamang ako.

"You're laughing" wika ni Kyle.

"Hindi, umiiyak ako. Nakakaiyak kasi yang ginagawa mo" inirapan ko ito. Parang ewan naman 'to si Kyle! Obvious naman na tumatawa ako! Tss.

"Ang sarap pakinggan ng tawa mo Irene" seryoso itong nakatingin saakin. Hindi ako makatingin sakanya ugh. Baka mag assume nanaman ito na crush ko siya.

"Look at me" his voice was husky. I can't take the intensity of his eyes. Hindi ko siya kayang titigan.

"Look at me Irene" he hold my chin then he stare into my eyes. His eyes are so beautiful. Hindi ko mabasa ang mga emosyon na nakikita ko sakanyang mga mata.

"Uh, excuse me Ky-Kyle" agad agad akong umalis sa kusina at pumunta sa kuwarto ko.

Hindi ko kinaya ang mga titig niya. My heart is beating so loud and fast. Nakaramdam ako ng mga paru-paro sa aking tiyan. Erase! Irene hindi yan mga paru-paro, bulati yan. Galit ka sakanya remember?! 

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ulit. Bakit ganoon kumilos si Kyle? Bakit parang ang dami niya ng alam saakin. 

Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko si Kyle na nakaupo sa sofa at nanunuod ng TV! Wow, feel at home ang mokong!

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko dito at umupo sa harapan niya. 

Hindi siya nagsalita at tumitig lamang siya saakin. Bakit ba ang hilig niya sa ganyan? Kung nakakamatay lang ang mga tingin siguro kanina pa ako namatay dito.

"Kapag hindi ka tumigil sa kakatitig saakin iisipin ko na talaga na crush mo ako" wika ko kay Kyle at tinitigan siya mata sa mata. He just chuckle. 

"Matapos kitang pagsilbihan ay papaalisin mo kaagad ako? Matapos kong maging crying shoulder mo kagabi ganito ang gagawin mo saakin?" ngumuso ito at ibinaling ang atensyon sa TV.

What? Crying shoulder? Hindi ko naman siguro nasabi sakanya ang lahat lahat ng hinaing ko sa buhay?

"What do you mean by that? Crying shoulder?" seryoso kong tanong dito.

"Seriously? Wala ka talagang maalala sa mga ginawa mo kagabi?" naglaro ang ngiti sa kanyang labi. He started to stare at me again. Damn it Kyle!

"Wala" malamig kong sabi at nag iwas ako ng tingin. Ayokong ipakita sakanya na naaapektuhan ako sa mga tingin niya. No!

I hear him laugh! Now what?

"Ano bang problema mo Kyle?! Abnormal ka ba?!" inis kong tanong dito at binato siya ng unan. Hindi siya natinag at tawa pa rin siya ng tawa.

"Wala naman. Masaya lang ako." I roll my eyes at him. He just laugh at me.

"Irene, I should go. Take care" nagulat ako sa bigla nitong pagpapaalam saakin. So iiwan niya na ako kaagad? Pakiramdam ko ay nanlumo ako. Ugh.

"Ah okay" hinatid ko ito sa may pintuan. 

"Una na ako" ngumiti ito saakin. Akala naman niya nagaguwapuhan ako sakanya!

"Sige... babalik ka ba?" nabigla ako sasinabi ko. Nakita ko rin na nabigla si Kyle sa narinig niya mula saakin. Unti unting kumurba ang ngisi sa kanyang mukha! Shit. Irene, ano kaba!

"Babalik ---" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Kyle at bigla kong sinarado ang pintuan. Ugh, sana kainin na ako ng lupa. Nakakahiya Irene! 






RunawayWhere stories live. Discover now