CHAPTER 2
ESTELLA
Mariin akong napapikit at hinilot-hilot ang aking ulo dahil sa sakit noon. Ilang araw na kaming nagsu-shoot at talagang sobrang nakapapagod. Hindi rin at home ang pakiramdam ko dahil parang hindi naman ako type na kasama ni Raphael. Siguro ay mas mag-e-enjoy siya kung kasing edad niya ang kasama niya. Oh well, I just have to live with it and be myself as much as I can. Pakunswelo ko na lang talaga ay ang gwapo niya at isa siyang magandang tanawin sa araw-araw.
Dumiretso ako sa restroom at sinigurong naka-lock iyon. Mahirap nang maabutan na naman niya akong hubad sa banyo at isiping sinadya ko iyon.
Kung titingnan sa pisikal na anyo ay parang hindi naman kami nagkahuli sa edad. Pero dahil celebrity kami parehas, alam ng mga tao ang age gap naming dalawa.
Inalog ko ang aking ulo at itinapat iyon sa shower head. Bakit ba kung ano-ano ang pumapasok sa isip ko? I shouldn't care because it's impossible he'll ever like me. Mas maraming mas maganda at mas bata na nagkakagulo sa kanya. Bakit naman siya magkakagusto sa babaeng ilang taon ang edad sa kanya at parang "ate" lang niya.
Tumingala ako at ninamnam ang lamig ng tubig sa aking mukha. Kailangan kong magising sa mga kahibangang naiisip ko. I am only attracted to Raphael because of his good-looking face.
Wala ako sa sariling umiling at ngumiti sa kawalan. Ayaw man sa akin ni Raphael, wala siyang choice. He'll get to see more of me for the following days.
Matapos maligo ay kagulat-gulat na wala roon si Raphael. Saan kaya nagpunta ang mokong na 'yon? Wag naman sana siya nagwalk-out na... Jeez... sobrang kahiya-hiya kapag nangyari yata 'yon!
I searched for him around the area. Ayoko sanang isipin pero naiisip ko talagang baka in-abandon-a na niya ako. Panay pa naman ang reklamo niya nitong nakakaraan na nababadu'yan talaga siya sa konsepto ng show.
Umuwi ako sa isang tabi at sumenyas sa camera na nawawala si Raphael. Bumuga ako ng hangin at umiling-iling sa kawalan. Hindi man lang marunong magpaalam ang siraulong iyon! Gano'n ba talaga ako kapangit sa paningin niya?
At dahil wala naman akong ibang pagpipilian ay matigaya na lang akong naghintay. Siguro naman magpapasabi si Direk kung may emergency talaga or what.
"Buin..." si Raph!
"Hubby!" I sighed in relief. "Saan ka nagpunta? Akala ko iniwan mo na ako?" maktol ko pa.
Pero dahil sa kagwapuhan ay hindi ko maiwasang maging marupok. Seriously? Wala talaga siyang anggulong pangit. Kahit pa bagong gising ay parang anghel pa rin sa taglay na anyo.
"I cooked us breakfast," sabay itinaas ang noodles na iniluto niya. "Bawal daw magluto dito kaya sa labas ako nagluto."
"Wow talaga?" Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang rupok ko agad! Iyon pa lang ang sinabi niya ay ang sweet ng dating sa akin. At isang himala na siya ang nag-abala para sa breakfast namin. May kaunting hiya rin naman pala sa akin ang loko.
"Tara na, kumain na tayo," nakangiting kayag pa niya.
Ngiti pa lang, ulam na!
"Sige..." Kinagat ko ang aking labi at pinigilang ngumiti nang maluwag.
Hinay-hinay ka lang, Estella. Masyado kang obvious maka-react!
Sumunod ako sa kanya palabas sa veranda kung saan tanaw na tanaw ang beach. The view gave us a romantic vibe.
"Last day na nang honeymoon natin, 'no?" aniya sabay upo sa tapat ko.
"Yeah. Sayang at 'di man lang natin na-enjoy ang dagat." Dismayado ako nang kaunti.
BINABASA MO ANG
FALLING SLOWLY
RomanceSikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show na 'We Got Married' kung saan kakailanganin niyang tumira sa iisang bahay kasama ang pretend wife ni...