CHAPTER 5
ESTELLA
Ngayon ang pagbabalik ni Raphael sa aming haven galing Japan. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako na papaano. Pero isang bagay ang sigurado ako.
I missed him so much!
Tulad nang dati, naka set-up na ang mga camera sa paligid para makuhanan ang magaganap sa muling pagbabalik niya. Kaya naman nang marinig magbukas ang pinto ay agad na kumalabog ang puso ko.
Bago nang bago, Estella? Ganoon ka ba ka in love sa kolokoy na 'yon?
Nang bumungad ang gwapong mukha ni Raphael ay kusa akong napangiti nang matamis.
"Hi." Tipid siyang ngumiti.
There was no doubt he was already used with a camera following him around. Sanay na sanay ngumiti nang natural sa harap ng camera.
"Hi, Hubby! How was your flight?"
Artista rin ako dahil nagagawa kong itago ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.
"Okay lang..." Bumuntonghininga siya. "Natulog lang naman din ako."
"I'm sure you do."
Hindi na kaduda-duda iyon.
Mabilis siyang nakalapit at sinenyasan akong maupo sa tabi niya. Mukhang nabigyan na rin siya ng instruction ni Direk sa kung anong dapat niyang gawin.
"By the way, eto na 'yong mga ipinabili mo sa akin." Dumukot siya sa bag at hinugot ang isang paper bag. "I hope tama lahat iyan," sabay abot sa akin.
Tumango ako at tipid na ngumiti.
"Thanks." Agad kong sinilip ang mga ipinabili ko. "Nabili mo talaga?"
Bilib na talaga ako sa pagiging detailed niya. He's quite impressive. But at the same time, 'yong pagiging detailed niya ang nakaka-praning sa akin kung minsan. It felt like mahahanapan kaagad niya ng mali ang ginawa ko dahil sa ugali niyang iyon.
"Sinabi mo, 'di ba?" Malagkit pa siyang tumitig sa akin.
Agad akong napaiwas ng tingin sa biglaang pag-iinit ng aking mga pisngi. Hindi ko maiwasang maalala ang naganap sa amin sa Japan. Marahil kung may camera'ng nakasunod sa amin noon, trending kami sa lahat ng social media sites.
Namagitan ang nakabibinging katahimikan sa aming dalawa. Para bang parehas kami nang naiiisip sa pagkakataong iyon dahil kahit siya man ay parang nailang.
"Ipinagluto nga pala kita. Baka nagugutom ka na? Ipaghahain na kita?" lakas-loob kong tanong.
Tumango siya. "Yes, please."
Nanguna akong tumayo at agad naman siyang nakasunod sa kusina.
Ilang putahe din ang nailuto ko. Gusto ko sana 'yong tipong fiesta, kaso lang din baka isipin naman niyang overacting ako masyado.
"Nag-abala ka pa talaga," nahihiya pang aniya.
"Siyempre darating ang hubby ko, natural na magluto ako," kaswal na sagot ko kahit na sa totoo lang ay panay ang kabog ng dibdib ko.
"Thank you. That's so sweet of you."
Ang hirap basahin ng taong ito. Hindi ko alam kung na-miss man lang ba niya ako kahit papaano. Blangkong reaksyon pa rin kasi ang nakukuha ko sa kanya.
Tahimik naming pinagsaluhan ang mga pagkain. Kitang-kita ko namang nasarapan siya sa luto ko dahil ang dami niyang nakain. Siguro ay nakaligtaan na naman niya ang kumain dahil masyadong abala sa trabaho. At sa mga ganitong pagkakataon na lang siya bumabawi.
BINABASA MO ANG
FALLING SLOWLY
RomanceSikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show na 'We Got Married' kung saan kakailanganin niyang tumira sa iisang bahay kasama ang pretend wife ni...