EPILOGUE
RAPHAEL
Kinakabahan man ay itinuloy ko pa rin ang presscon. Wala akong inilihim na detalye tungkol sa aking mag-ina. Hindi ko na rin itinago ang totoong nararamdaman ko para kay Estella at maging ang balak kong pagpapakasal dito na mas lalong nagpagulat sa lahat. Tulad nang dati ay halo pa rin ang mga reaksyon. May mga nadismaya at mayroon din namang masaya. At kahit na gaano man kahirap ang pagsasabi, nakagaan iyon nang husto sa akin. Tinanggap ko nang posibleng ito na rin ang maging katapusan ng karera ko sa showbiz. Nakagayak na ako sa posibilidad na iyon. Nakagayak na ako sa malaking pagbabagong magaganap sa buhay ko.
Malungkot man ay mas lamang ang saya. I'll be spending my life with Estella and our son. Doon ako higit na na-e-excite.
"Hubby..." Naiiyak na sumalubong sa akin si Estella sa backstage.
Alam kong narinig niya lahat. Handa ako isuko ang karera ko para sa kanila ng anak ko.
"Hey, bakit ka naman umiiyak?" nagluluha ko ring tanong. Medyo emotional ang presscon para sa akin. Ngayon lang naman ako na-interview tungkol sa personal na buhay ko. I was never this open. At kahit feelings ko para kay Estella ay halos ipagsigawan ko na sa buong mundo.
Umiling-iling lang siya at kinagat ang labi.
"Tapos na. Wala na tayong dapat isipin pa." Hinawi-hawi ko ang buhok niya sabay sulyap kay Raffy na noo'y may nakalagay na headset sa ulo. Sinuguro lang naming wala siyang maririnig na kahit na anong posibleng makasakit sa damdamin niya.
"Paano kung—"
"Hey, Buin. Promise me, we won't be talking about any of this when we got home? Understand?"
Humugot lang siya ng isang malalim na buntonghininga bago napilitang tumango. Noon ko binalingan si Raffy na abalang-abala sa pakikinig ng music sa ipad nito.
"Hey, Kiddo..." nakangiting bati ko sabay tanggal sa headset nito.
"Is it done, Dad?"
Tumango ako. "Yeah, it is."
"We will not hide anymore?"
Tumango ulit ako at matamis na ngumiti. "Yes, baby. We won't be hiding anymore," sabay halik sa matambok nitong pisngi at binuhat ito. "We have to go," sabay lahad ng libre kong kamay kay Estella.
Naiiyak namang ginagap ni Estella ang aking kamay at pinagsalikop namin iyon. I feel proud of my family. Ito na siguro ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.
Paglabas namin sa backstage ay marami pa ring mga reporters ang nag-aabang sa amin.
"Is he your son, Raphael? Ang gwapong bata pala at kamukhang-kamukha mo!" sabi pa ng isang reporter.
"Wow! Super cute niya!" sabi pa no'ng isa.
Nakangiting tumingala lang sa akin si Estella. Wala mang mga salita, alam ko na ang isinisigaw ng mga mata niyang iyon.
Mabilis na lumipas ang panahon. Kagulat-gulat na sa kabila ng mga nangyari ay parang naging positibo pa ang dating ng mga balita sa amin ni Estella. Maging ang mga fans ko ay bumuhos ang pagmamahal para sa aking mag-ina. At sa mga panahong iyon ay wala kaming pagsidlan ng kaligayahan.
After a few months, we decided to finally tie the knot.
Ang kulit kasi ni Raffy. Gusto na raw niyang magkaroon ng baby sister. Oh well, kung mayroon mang pinakamasayang lalaki sa buong mundo ay ako na 'yon. Wala akong pagsisisi na pinakasalan ko si Estella. Si Estella ang nag-iisang babaeng gusto kong makasama sa buhay ko. At wala na akong pakialam kahit pa may pumupuna sa age gap naming dalawa.
BINABASA MO ANG
FALLING SLOWLY
RomanceSikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show na 'We Got Married' kung saan kakailanganin niyang tumira sa iisang bahay kasama ang pretend wife ni...