Chapter 18

14.6K 269 1
                                    

CHAPTER 18

ESTELLA

Kinabukasan ay nag-message ako kay Harry na puntahan ako sa resto. Sa totoo lang ay natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pero ayaw ko namang lokohin ang sarili ko at lalong-lalo na siya. Kung handang sumugal si Raphael sa akin ay ganoon din ako sa kanya.

"Hi, Baby!" masiglang bati niya. Bigla tuloy akong nakonsensya na sisirain ko ang araw niya.

"Hi..." alanganing balik bati ko.

"What is so urgent that you wanted to tell me?" excited pang tanong niya.

Kinagat ko ang aking labi at humugot ng isang malalim na buntonghininga.

Nasa opisina kami ng resto ko. Hindi pa masyadong matao kung kaya't ganoong oras ko siya pinapunta. Hindi man kasing sikat ni Raphael si Harry ay mas malayo naman na ang narating nito sa showbiz.

"By the way, Baby, I already talked to the wedding planner and I told her that you like a fairy tale theme wedding."

Mas lalo tuloy akong kinabahan sa sinabi niyang iyon. Agad na nanlamig ang buo kong katawan.

"A-about t-that, Harry..."

Kunot-noo siyang tumitig sa akin. "What is it, Baby?"

"I-I can't..." Nagluluha akong tumitig sa kanyang mga mata. "I can't m-marry y-you... I'm s-sorry."

Seryoso lang siyang tumitig sa akin. Para bang hindi na nagulat sa sinabi ko.

"Think it over," payo niya. "'Wag kang magpadala sa nararamdaman mo. Na-e-excite ka lang sa pagkikita ninyo ni Raphael. Or maybe infatuation lang 'yan. It can't more than love."

"N-no. You don't understand—"

Mariin siyang pumikit at ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang sumigaw. "Will you stop it, Estella!"

Literal akong natigilan sa pagtataas niya ng boses. Ni minsan ay hindi siya nagalit sa akin. Mabait na tao si Harry at pasenyoso.

"We're done talking! We'll try to talk some other time when your mind is clear!" Padabog itong tumayo at nang tangkang lalabas ay maagap ko itong hinawakan sa kamay.

"I'm sorry, Harry..." Hindi ko na napigilan ang umiyak. "But I love Raphael. All along, I am in love with him... I'm so sorry for hurting you. Sorry..."

"No, Baby! No!" Ikinulong niya ang aking mukha sa kanyang mga palad. "We are not breaking up. You're not breaking up with me. Do you understand that? We will get married and have a happy life together."

Umiling ako. Gumuhit ang sakit sa kanyang mukha.

"We both know kung gaano ka-indecisive si Raphael! Why can't you learn from that?!"

"I'm s-sorry... I'm s-sorry... Ayaw kong masaktan ka. I'm sorry." Tuluyan akong humagulgol nang iyak dahil sa awa rito.

Pero alam kong mas lalo akong magiging unfair sa kanya kapag itinuloy ko ang relasyong ito.

Nanghihina siyang napaupo ulit sa sofa. Isinandig niya ang mga kamay sa hita at sinabunutan ng mga kamay ang buhok. Sobrang bigat sa dibdib ng desisyon ko pero alam kong iyon ang mabuti, hindi man para sa akin, kundi lalo na sa kanya.

Matalim siyang nag-angat ng tingin sa akin. "I hope masaya ka sa desisyon mo. 'Wag mo sana pagsisihan itong decision mo na 'to," aniya sabay tayo at mabilis na tumalikod.

Mabilis na naglandas ang luha sa aking mga mata. Mabait na tao si Harry at alam kong mahal talaga niya ako. Pero magiging unfair lang ako sa kanya. At kahit na papaano, ang desisyong pakikipaghiwalay sa kanya ay nakagaan ng kaunti sa akin. Ang tanging hangad ko na lang ay makatagpo si Harry ng babaeng siya lang ang mamahalin. Wala akong hangad sa kanya kundi kaligayahang panghabambuhay na nararapat lang sa kanya.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon