Chapter 14

15.2K 286 4
                                    

CHAPTER 14

ESTELLA

It has been eleven months and three days since my last conversation with Raphael. He never contacted me not even once. May mga panahon pa ring nasasaktan akong balikan ang huling pag-uusap namin. Ni hindi man lang niya ako hinabol nang mag walkout ako sa Mount Halla. Wala siyang ginawa.

Wala.

Ang tanging balita ko na lang sa kanya ay sobrang busy niya sa sunod-sunod na drama sa telebisyon. And yeah, may girlfriend na siya.

Malalim akong bumuntonghininga. Ang sakit pa ring isipin na masyado akong nag-invest ng feelings para sa kanya at umasa akong kahit na kaunti ay may nararamdaman siya para sa akin.

I was so stupid. And what's worse, I am still in love with him after all that happened.

Baliw na nga yata ako.

After WGM, medyo naging aktibo ulit ang career ko. Pero makalipas lang ang ilang buwan ay unti-unti na ring tumamlay. At sa halip na magpakalugmok sa awa sa sarili ay inabala ko na lang ang sarili ko sa restaurant ko. Kahit na papaano ay maganda naman ang kinikita ko sa resto ko. Nakapagpundar naman ako ng sarili kong bahay at lupa at pati na rin bagong sasakyan. May TV guestings pa rin paminsan-minsan, pero madalang na rin yata iyon sa patak ng ulan. Siguro nga ay narating ko na ang expiry age. Hindi na pansinin kapag nagkakaedad na sa showbiz.

May mga panahong nade-depress ako pero hindi ko na lang din masyadong iniinda. Wala naman na akong magagawa kundi tanggapin na lang ang katotohanang hanggang doon na lang ako. Ang importante ay nagkanegosyo ako at mabubuhay pa rin ako.

"Hi sis!" Si Ayen. Siya yatang kaibigan ko na walang ibang trabaho kundi bwisitin ako. "Good news!"

"What?" walang interest kong sagot.

"I'm sure you'll love this..."

I rolled my eyes.

"What? Tell me." Tinaasan ko siya ng kilay. Madalas kasi ng mga balita niya ay tungkol kay Raphael. Hindi ko alam kung nanadya ba talagang asarin ako.

"May grand reunion kayo sa WGM! O, 'di ba exciting 'yon?!"

Kunot-noo lang akong tumitig sa kanya. Sinasabi ko na nga bang may koneksyon na naman iyon kay Raphael.

"Where did you get that stupid news?" Umiiling kong tanong.

"Heto, o. Binasa ko invitation mo!" sabay abot ng invitation!

I couldn't believe this!

"Aish! Pakialamera ka talaga!" Umiling-iling ako at padarag na kinuha rito ang invitation.

"This is your last chance to rub elbows with your one great love," aniya na para bang kinikilig.

"I thought you hate him?" nakasimangot na sita ko pa.

"Oh, well. Alam ko namang love mo pa rin si Raphael. Kung saan ka maligaya ay doon din ako."

I rolled my eyes.

"Great love-in ko kaya 'yang face mo!" Umirap ako at sumimangot.

"Naku, if I know, miss na miss mo na 'yon!"

"Alam mo, ikaw, ang hirap mo intindihin? Dati lang galit na galit ka kay Raphael, 'di ba? Anon ang nangyari ngayon?!"

"Pasensya. Tao lang!" Nakangisi pa nitong itinaas ang dalawang kamay. "Ang gwapo kasi niya lalo ngayon! Nakita mo naman sa 'Kiss, Kiss' video niya? Laglag-panty sa kagwapuhan si Raphael. Hindi na siya 'yong mukhang totoy ngayon."

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon