Chapter 21

14.1K 239 5
                                    

CHAPTER 21

ESTELLA

Lumipas ang maraming buwan at masaya pa rin kaming nagsasama ni Raphael. Higit naming nakilala ang isa't isa na lalong nagpatatag sa aming samahan. May mga araw mang 'di kami nagkakaunawaan ay palagi pa rin kaming nag-aayos at 'di na pinagtatagal iyon.

He was always very understanding. Inaalagaan niya talaga ako at higit sa lahat ay sinisiguro niyang palagi siyang naglalaan sa akin ng oras kahit na gaano pa siya ka-busy.

"Are you ready?"

Tumango ako. Excited na ako sa dinner namin. Madalang kasi kaming lumabas dahil na rin sa sobrang hectic ng schedule niya.

"Of course, I am." nakangiting sagot ko.

Sa panahong pinagsama naming dalawa ay maraming bagay ang nabago sa akin lalo na sa pananamit. Conservative type talaga si Raphael. Ayaw niyang masyado akong nagpapakita ng balat dahil natural naman daw akong maganda at hindi na kailangan magpa-sexy pa. Pakiramdam ko ay magka-edad lang kami dahil sa tamang pagtrato niya sa akin. Wala akong masabi sa sobrang lambing niya.

He's wearing a soft colored long sleeve polo and soft pants. As much as he wanted to wear casual jeans and t-shirt, he had no choice. Walang lugar sa celebrity na gaya namin ang makakain sa isang simpleng lugar na hindi kami pagkakaguluhan.

"Let's go..." Mahigpit niyang ginagap ang aking kamay.

At kahit pa matagal na kami ay hindi mawala ang kilig.

Sa isang prestigious na hotel kami kumain ni Raphael. Ito lang talaga ang lugar para sa amin lalo pa nga't mayayamang tao lang ang kumakain at hindi nila pansin ang gaya namin. Maliban na nga lang sa mga paparazzi na posibleng nakamatyag sa aming dalawa.

"You look very beautiful tonight..." malambing niyang bulong.

Walang araw na hindi niya ako sinabihan nang ganoon. Sa tingin ko nga ay nagkakahawig na kami.

"Ikaw, Hubby, sobrang gwapo mo pa rin!" gigil kong pinisil ang kanyang pisngi.

"Dati ko nang alam 'yan," nagyayabang pang himig niya.

Katatapos lang naming kumain kung kaya't nakaakbay na siya sa akin at panay din ang halik sa pisngi ko.

"Akala ko ba ayaw mo ng PDA? Nasa public na lugar tayo, o," sabay nguso sa mga taong nasa paligid namin.

"I know. Wala namang nakakakita. Busy silang lahat," katwiran pa niya.

Kung sa bagay, tama siya. Wala ni isang tumingin sa amin.

"What if lumabas ang tungkol sa atin? Anong gagawin mo?"

"Hmm, I still don't know, actually. Dedma na lang siguro?" walang interest niyang sagot.

Hindi na ako nakakibo. May pailan-ilang balita na rin ang lumalabas sa aming dalawa, pero tulad nang sabi niya ay hindi na lang niya pinapansin.

"Buin..."

"Hmm?" Nilingon ko siya. Halos magdikit na ang mukha namin sa sobrang lapit.

"For you..." sabay taas ng singsing malapit sa mukha ko. "But don't overreact," natatawa pang dugtong niya. "I am not asking you to marry me yet."

"Aish!" Kunwari ay sumimangot ako kahit na sobrang saya ng pakiramdam ko.

Alam ko namang hindi pa ready si Raphael sa next big step na 'yon lalo pa nga't maganda pa rin ang takbo ng career niya. Hindi naman din ako nagrereklamo. Gusto ko ring samantalahin niya ang kasikatan niya.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon