CHAPTER 13
RAPHAEL
She was definitely seducing me and trying to give me a hard time.
Kanina pa mainit ang pakiramdam. I don't know how long will I be able to contain myself.
"Ang bango..." nakangiti pang aniya habang nilalanghap ang amoy nang niluluto ko.
"Hungry?"
Nakangiti siyang tumango-tango. "Yeah." Kahit yata pagngiti ay ang lakas ng dating sa akin.
"Doon ka na!" pasimpleng taboy ko para lang lumayo siya. "Baka matalsikan ka pa ng mantika rito."
"Tinitingnan pa kita magluto."
Ugh, Estella. I don't know what to do with you anymore!
"Magbihis ka na kasi!" giit ko pa. Kanina pa ako tuksong-tukso at kung hindi siya lulubay ay hindi ko rin alam kung ano ang puwede kong magawa sa kanya.
"Pagkakain na nga para diretsong galaw na!"
Fuck! I can't take this any longer!
"Doon ka nga sa sofa! Hindi ako makapag-concentrate sa niluluto ko! Aish!" Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko.
Hindi kailanman ako nagkaroon ng ganitong interes sa ibang babae. Sa kanya lang!
"Ang sungit!" umiirap pang aniya at ngumuso.
"Sa sofa ka na, okay? Hindi ko lulutuin 'to!" banta ko. Kanina pa sumasakit ang ulo ko!
"Fine!" pamaktol pang aniya sabay punta sa sofa at nahiga!
I couldn't fucking believe this!
"Basa ka pa! Magbihis ka muna!" reklamo ko.
"Tuyo na ako kanina pa," katwiran pa niya.
Kanina pa tambak ang mga palusot niya. Gusto talaga niya akong matukso.
Ugh, Estella!
"Bahala ka!" Iniwas ko na lang ang tingin sa magandang tanawin sa sofa.
Mas tempting pa yata siyang tingnan kapag nakahigang gano'n?!
Breathe in, breathe out, Raphael. Mag-concentrate ka lang sa niluluto mo! Damn it!
Kahit na papaano ay nakapag-concentrate naman ako sa pagluluto nang mawala siya sa tabi ko. Paminsan ko siyang nililingon habang abala naman siya sa panonood ng Korean drama.
Isinalang ko muna ang karne bago lumapit sa sofa. Patagilid siyang nakahiga na akala mo ba may pictorial sa isang sexy magazine.
"Buin..." mahinang tawag ko pa.
Pero agad din akong natigilan nang makitang nakapikit siya at natutulog na pala. At sa halip na gisingin siya kaagad ay pinagsawa ko muna ang aking sarili sa pagtitig sa kanya.
Kahit pa tulog ay sobrang ganda pa rin niya. Naupo ako sa gilid niya at hinawi-hawi ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa kanyang magandang mukha. Iniisip ko pa lang na tuluyan na kaming maghihiwalay ay hindi ko maiwasan ang malungkot nang husto. I'll definitely miss my Buin.
"Hubby..." Pupungas-pungas pa siyang dumilat. "Are you done?"
"A-almost, yeah." I cleared my throat. I was already starting to imagine dirty things I could do with that beautiful body.
"Sorry. Nakatulog ako." Dumiretso siya ng higa sabay ibinaluktot ang mga tuhod.
"It's o-okay..." It's not okay. Sobrang init na naman ng pakiramdam ko.
BINABASA MO ANG
FALLING SLOWLY
RomanceSikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show na 'We Got Married' kung saan kakailanganin niyang tumira sa iisang bahay kasama ang pretend wife ni...