Chapter 25

14.5K 266 7
                                    

CHAPTER 25

ESTELLA

Matagal nang nakaalis si Raphael ay hindi ko pa rin magawang makakilos. Sobrang sakit na makitang ganoon ang galit niya sa akin. Alam kong impossibleng magkabalikan kami dahil sobra ko siyang nasaktan. Hindi man niya ako mapatawad, ang tanging hangad ko na lang ay maka move on na rin siya sa galit na nararamdaman niya para sa akin. Ayokong mabuhay siya sa galit. Gusto ko ulit makita ang ngiti sa kanyang mga labi.

Nang muling maalala ang malamig niyang mga mata ay parang pinipiga ang puso ko sa sakit. I miss his warm eyes looking at me. Siguro nga ay hindi ko na makikita ang ganoong pagtingin niya sa akin. Hindi na kailanman.

Iginayak ko na si Raffy bago pa man mag 9 PM. Malapit na magsimula ang concert. Sobrang excited na niyang manood.

"Aren't you coming, Mom?"

Si Raffy ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko tapos sobrang kamukha pa niya ang Daddy niya. Sulit na sulit ang hirap kong palakihin siya kahit na nag-iisa.

"No, baby, you knew the situation, right?"

Alam ni Raffy ang sitwasyon namin ng daddy niya. Ipinaliwanag ko naman sa kanya lahat. He still wishes that his Dad and I would get back together which I know would be impossible.

Malungkot siyang tumango. "Yeah. But I still want you to be happy with daddy."

"But Daddy had a beautiful girlfriend." Sinuklay-suklay ko ng mga daliri ang nakatayo nitong buhok.

"I know but you're prettier," nakangisi pa niyang dagdag. "You're the prettiest."

Ngumuso ako at matamis na ngumiti. I am so happy to have such wonderful son. Kaya ko lang naman din kinaya ang lahat ay dahil sa kanya.

"That's so sweet..." Matunog ko siyang hinalikan sa labi.

Kompleto sana ang saya ko kung kasama pa namin si Raphael. Pero alam kong hanggang pangarap na lang iyon.

Nang tumunog ang doorbell ay agad ko na rin iyong binuksan.

Bumungad ang gwapong mukha ni Raphael na noo'y may kaunting makeup na. Suot na rin niya ang itim na leather suit na talaga namang nagpakita nang kakisigan nito. His hair was dyed in black kung kaya't sobrang fierce ng hitsura niya. Sobrang gwapo!

"H-hi..." bungad ko, pigil na magpaka-fangirl.

"Hi..." bati niya. Cold as ever. He did not even smile.

Hindi ko kayang tagalan ang malamig niyang titig kung kaya't agad din akong nag-iwas.

"Daddy!" Nagtatakbong salubong ni Raffy sa daddy niya.

"Hey..." Noon na lang ito ngumiti.

"Wow, Dad, you looked so handsome just like me!" proud pang sabi nito. Kamukhang-kamukha talaga ng anak ko ang daddy niya.

Nakangiti namang tumango si Raphael. "Yeah. Shall we go?"

"But Dad, please ask Mom to come with us."

"Raffy..." maagap na saway ko. "I have something important to do. Ikaw na lang, ha?"

"But Mom..." hirit pa niya.

Pero umiling ako at pinisil ang mapula nitong pisngi.

"Just enjoy the concert, okay? And promise me you'll be a good boy, hmm? If some reporter tried to ask you anything, just don't answer it. Are we clear?"

"Okay, Mom." Buti na lang at hindi na siya nangulit pa. Kung gusto naman akong pasamahin ni Raphael ay nagsabi na sana siya umpisa pa lang. "I'll see you later then?"

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon