Chapter 11

18.9K 310 3
                                    

CHAPTER 11

ESTELLA

Nakalipas ang ilang araw na wala kaming kibuan ni Raphael. Nakukuha lamang naming mag-interact sa isa't isa sa tuwing kakailanganing mag-shoot para sa episode.

"I might quit WGM after this month," paalam ko.

Agad na gumuhit ang gulat sa kanyang mukha. Para bang hindi inaasahan ang rebelasyon kong iyon.

"I might say 'sorry' sa susunod na live telecast natin next month."

"Oh..." tumatangong aniya. "I am actually planning to tell you that..." Alanganin pa siyang tumitig sa akin. "Conflict na kasi sa schedule ko. May upcoming drama rin akong dapat i-shoot."

Mapait akong ngumiti. Talaga pa lang maghihiwalay na rin kami ng landas.

"Sorry nga pala the other day..." lakas loob pang hingi niya ng apology. "That was very childish of me... Sorry."

"Okay lang..." matabang na sagot ko. "Siguro subukan mo na lang habaan pa 'yong pang-unawa mo. Try to control your emotions, and be considerate of others."

"Yeah, I understand." Tipid pa siyang ngumiti. "Thank you for understanding."

"S-sure. That's what friends are for, right?"

"Friends?" Bahagya pa siyang natigilan at para bang may kung anong hinahanap na sagot sa mukha. "O-of course..." naidugtong na lang din niya kaagad.

"By the way, baka nga pala mawala ako rito tomorrow night. May small party sa Military Academy. I am one of the guests there."

Kumunot ang kanyang noo. "Military? E, 'di puro lalaki ro'n?"

"Yeah. Military nga, 'di ba?"

Hindi ko napigil ang ngumiti. Sa mahaba-habang panahon na nakasama ko siya sa bahay kahit na papaano ay basa ko na ang ilang reaksyon niya. Pero alam ko rin ang malaking posibilidad na nadadala lang siya sa sitwasyon.

"Who's coming with you?"

"My handler."

"I have no schedule tomorrow. Is it okay if I come?"

"Ikaw? Sasamahan mo ako?" Now, that's unbelievable. Talagang nakakagulat kapag nagbo-volunteer siya.

"Yeah. I'm still your husband, remember?"

"Of course. Sige, sasabihan ko ang handler ko."

"We must do rehearsals, okay? You need to earn good money to pay for the rent," nakangiting biro pa niya.

"Yeah, I get it. Nauubos ang pera ko dahil sa nag-asawa ko ng mas bata sa akin," biro ko na rin.

Nakangiti lang siyang tumango. "Yeah..." Pero agad din siyang nagseryoso. "I miss you."

"M-me too..." Hindi ko na lamang sineseryoso ang sinabi nito. Wala siyang feelings para sa akin. Wala.

Kataka-takang hindi umalis ng bahay si Raphael at sa halip ay maghapon kaming nag-bonding sa bahay.

"I would like you to do a mission for me," nakangiting sabi ni Raphael.

Kumunot-noo ako. "Ano naman?"

"I want you to spell my name using your butt when you sing 'Get Hot'." Ang tinutukoy nitong 'Get Hot' ay ang single ko.

Naiiling akong humalakhak. "Puro ka kalokohan!"

"Malapit na tayong maghiwalay, right? Ngayon mo pa ba ako tanggihan?" may paghihinampo pang himig niya.

"Abuso ka na, ha!" Umirap ako at umiling-iling.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon