Chapter 19

16.6K 271 4
                                    

CHAPTER 19

ESTELLA

Every other day kaming nagkikita ni Raphael. Kahit pa sobrang abala niya sa trabaho ay gagawa at gagawa siya ng paraan para lang makita ko. Nag-mature na talaga siya. He was always considerate and takes care of me. Madalas na rin siyang mag-text at tumawag hindi katulad dati. Sobrang laki na talaga ang ipinagbago niya.

Alas-diez na noon ng gabi nang magpasya akong magligpit sa resto. Parating si Raphael kung kaya'y na-e-excite na naman ako. Kahit pa madalas ko na siyang makita ay palagi ko pa rin siyang nami-miss at sa tingin ko ay ganoon din siya sa akin.

"Buin..."

"Hubby!" Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap at matunog na halik sa mga labi. "It's only ten o'clock," sabay pasimpleng sulyap sa wallclock. "Akala ko ba ay mas gagabihin ka pa?"

"Yeah. Medyo maaga kami nakatapos," nakangiting aniya habang mahigpit pa rin akong hapit sa baywang.

"You look pale..." Nag-aalala kong hinaplos ang pisngi niya. "Kumain ka na ba?"

"Yeah, I did. Pagod lang siguro. Maaga rin kasi sa location kanina at hindi na ako nakaidlip kahit na saglit." Mas hinapit pa niya ako sa baywang at agad na ginawaran ng halik sa mga labi. "I always miss you," bulong niya habang bahagyang magkadikit pa rin ang mga labi namin.

His breath smells so nice. Amoy mint iyon na para bang kaka-toothbrush lang din.

"M-me too..." sagot ko habang pilit na inilalayo ang sarili sa kanya.

I was only teasing him. Natutuwa kasi ako kapag ganoon siya kagigil at mas lalo pa siyang nanggigigil kapag pasabik naman ako sa kanya. Ang sarap lang sa pakiramdam na ganoon niya ako kagusto.

"Buin..." may panermong himig pa niya nang mapansin ang ginagawa ko sabay kagat sa kanyang labi.

"What?" pa-inosente kong sagot at natatawang ngumuso.

We've been inseparable for the past few days. Kaunting dikit lang namin sa isa't isa ay hirap na hirap na kaming maghiwalay.

"We should go..." kayag pa niya nang mapansin ang oras.

"Okay, sige, I'll just get my bag." Iniwan ko siya saglit para kuhanin ang bag ko sa office.

Agad ko rin siyang binalikan sa kinatatayuan niya at mahigpit na humawak sa kamay niya. Pero nang maramdaman ang init ng kanyang palad ay muli ko siyang tinitigang maigi sa mukha.

"Are you sick?" Hindi ko maiwasan ang mag-alala lalo pa nga't sa tinagal rin naming magkasama sa iisang bahay noon, hindi naman siya nagkakasakit.

"I don't know..." Bahagya pa siyang ngumiwi. "But I don't really feel well. Kanina pa rin sumasakit ang ulo ko."

Kinapa ko ang noo niya at pinakiramdaman iyon. Mukhang may sinat nga.

"Uminom ka na kaya ng gamot. Mayroon ako rito sa bag."

Umiling siya. "I'll be fine. Don't worry. Pagod lang siguro talaga ito."

"Are you sure?" paniniguro ko.

"Yes..." Nakangiti siyang tumango sabay banayad akong hinila palabas.

Tulad nang dati ay sa suite ko kami tumuloy. Most of the time, halos dalawang oras lang kami mag-uusap then uuwi na siya sa suite niya. Gano'n siya katiyaga. Medyo naaawa ako dahil alam ko naman kung gaano ang pagod niya sa trabaho pero naglalaan siya ng oras para sa akin.

"Gusto mo bang umuwi na muna?" nag-alala kong tanong. Hindi talaga maganda ang kulay niya. "Para na rin makapagpahinga ka na."

"Every other day na nga lang tayo magkita..." may pagtatampong himig niya.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon