Chapter 23

15.6K 276 7
                                    

CHAPTER 23

RAPHAEL

It's been four years since Estella left me without saying a fucking word.

Habang paulit-ulit na naglalaro sa isip ko 'yon ay hindi mawala ang galit sa puso ko. Ginawa ko naman ang lahat para ipaglaban siya pero anong kapalit ang ibinalik niya? Pag-uwi ko na lang ng bahay ay wala na siya. At ang sabi lang ni Ayen ay nagpunta na sa America!

At ang dahilan ay 'napagod' lang.

Bullshit.

Hindi na raw kinaya ang mga issues na lumalabas tungkol sa amin? Ano pa kaya halaga nang pinagdaanan ko kumpara sa kanya? Harap-harapang isinampal sa mukha ko na cancelled na ang events at endorsements pero kinaya ko 'yon! Dahil mas mahalaga siya sa akin!

Mariin akong pumikit at inalog ang aking ulo. I couldn't believe that until now I still can't move on. Kaya mas gusto kong magpakapagod sa trabaho para pag-uwi wala na akong Estella na iisipin pa! Nakapapagod na rin!

"Hey, bro!" Si Jun. Kasama ko pa rin siya sa unit. Hindi ko na pinaalis dahil pakiramdam ko ay masisiraan ako ng ulo kaiisip kay Estella. Mas mainam na 'tong may manggugulo sa utak ko!

"May event tayo sa Sofitel sa makalawa," paalala niya. "May rehearsal na tayo roon mamaya."

"Anong oras ba?" Bahagya akong kumunot-noo.

"Mga 7 PM pa naman. Doon na raw tayo mag-dinner sabi ng prod."

"Fine."

That's exactly what I needed. I have to keep myself busy to get her out of my mind. Everyone's thought that I was okay. Akala lang nila 'yon. It's has been four years.

Four years that I felt so empty.

Bago pa man mag 7 PM ay pumunta na kami ni Jun sa Sofitel. Naaga kami nang kaunti sa call time dahil himalang walang katrapik-trapik! Habang nakikipagkuwentuhan si Jun sa mga dancer at ako naman ay pansamantalang lumayo. Wala ako sa mood makihalubilo. I am back to old Raphael who does not socialize with anyone.

Tahimik akong naupo sa Lounge Area ng hotel at nagsuot ng headset para makinig ng music. Sa taas ng narating ng karera ko, hindi ko masabing masaya ako.

"Excuse me..."

Nang mag-angat ako ng tingin ay nasalubong ko agad ang cute na cute na mukha ng bata.

"Hey, you..." Tinanggal ko ang headset at nakangiting hinarap ito.

"You're my Dad, right?" diretsang aniya na nagpatawa sa akin.

Umiling ako at hinaplos ang ulo nito. "I don't think so, kid."

"I am pretty sure you're my Dad," nakangiting sagot pa nito. "You're Raphael Kim, right?"

"Yes, I am Raphael," tumango-tango ako. "But I am not your Dad. I am not yet married. And definitely don't have kids yet," nakangiting paliwanag ko habang matamang tinitingnan ang mukha nito.

Our faces have a resemblance. Maybe I look like his daddy.

"No, I'm pretty sure you're my Dad," sigurado pang aniya sabay dukot sa bulsa nito at kinuha ang wallet. "Look..." sabay pakita sa picture ko.

Natatawa akong tumango. Her mom was probably my fan.

"Oh... I think you should ask your Mom why do I have a picture on your wallet." Natatawang ginulo ko ang kanyang buhok at mataman pa ring tinitigan ang gwapo nitong mukha.

He's so cute!

"Because you're my Dad," seryosong giit nito.

"How old are you?"

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon