Chapter 15

15.2K 279 7
                                    

CHAPTER 15

RAPHAEL

Mahigpit kong yakap si Estella habang nakatayo kami sa maliit na piraso ng newspaper. Hindi ko alam kung bakit sa ilang buwang nagdaan ay ganoon pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. At sa pagkakataong iyon, wala akong ibang nakikita kundi siya lang. Kahit pa sobrang ingay ay parang hindi ko pansin iyon. Masyado akong tutok sa kanyang mukhang kailanman ay hindi ko nakalimutan.

"Buhatin kita, ha?" paalam ko.

Hindi ko naman alam kung okay lang sa kanya lalo na nga't hindi naging maganda ang aming paghihiwalay.

Kagat labi siyang tumango. Para bang nahihiya ring makipag eye contact

Nang huminto ang music ay agad ko siyang binuhat. Inikot niya ang kanyang mga kamay sa aking leeg at nahihiyang ngumiti sa mga nanonood.

"AND THE WINNER IS..... LETTUCE COUPLE!" malakas na anunsyo ng emcee.

"Raphael, winner na tayo," nakangiting aniya.

Tumango ako. "Oh..."

"Ibaba mo na ako..."

Shit.

"S-sorry..." sabay baba rito.

Nang tuluyan ko siyang maibaba ay agad na lumapit dito ang fiancé nito at hinalikan iyon sa labi.

Fuck.

Tumikhim ako at sa halip ay ibinaling na lang ang tingin kay Jaimie na tuwang-tuwang yumakap sa akin.

"Congrats, Baby," malambing pang sabi nito. Halos hindi ko na siya maalala. "Ang galing ninyo ni Estella! Ang sweet n'yo! Nakakaselos!" Ngumuso siya at nagpamukhang nagtatampo.

Sa halip na pansinin ang sinabi nito ay natutok lang ang atensyon ko kina Estella at Harry na parang nagsasayaw lang at magkadikit ang mga noo. That sight alone almost made me lose my fucking mind.

Sobrang nagseselos ako.

Selos na selos!

Matapos ang palarong iyon ay wala ako sa sariling lumabas ng venue at sumagap ng sariwang hangin sa labas. Hindi ko maisip na ganito ang mararamdaman ko kapag may ibang humahawak at humahalik kay Estella.

"Baby..."

Mariin akong pumikit at bumuga ng hangin. Hindi ko na siya halos mapansin dahil sa presensya ni Estella.

"Hey..." Bumaling ako sa gawi niya at tipid na ngiti.

"Something's wrong?" nag-aalala pang aniya sabay haplos sa aking pisngi.

"Medyo nahilo lang ako sa ingay," tanging naidahilan ko.

Mahigpit siyang yumakap sa akin. Banayad kong tinapik-tapik ang kanyang likod.

This was so fucking wrong. Si Jaimie ang kasama ko pero ang isip ko ay nasa ibang babae.

Tumingala siya sa akin at malagkit akong tinitigan sa mukha. She wanted me to kiss her. Humugot ako ng malalim na buntonghininga at ibinigay ang kanyang gusto kahit pa buong utak ko ay na kay Estella lang.

"This is the first time that we really kiss..." nakangiting sabi pa niya.

If I'll be completely honest with myself, I like Jaimie but I am not in love with her.

Matapos ang WGM ay nadikit nang husto ang pangalan ko kay Estella. Mayroong gusto ang love team namin pero mas marami ang hindi. And most of my female fans didn't like Estella for me because she's older. That's when my management decided to pair me to Jaimie, my female heroine in 'Playful Kiss.' At dahil sa love team naming iyon ay nabura sa isip ng mga tao si Estella at nagkaroon sila ng ibang pagkakakiligan.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon