Chapter 6

18K 316 2
                                    

CHAPTER 6

ESTELLA

Para sa aming next mission ay kinailangan naming pumunta ni Raphael sa isang farm kung saan naninirahan ang mga elderly. Sa loob ng isang araw ay tutulungan namin ang mga nakatatanda at kami ang gagawa ng normal na ginagawa nila sa araw-araw.

"I have this fright for the elderly..."

Seriously? Ibig ko yatang matawa sa sinabi niyang iyon. Kakaiba talaga!

"Bakit naman?"

"I don't know... Just a feeling..." Nagkibit-balikat pa siya.

Nagpunta kami sa isang kubo na napalilibutan ng isang malawak na farm. At tulad nang inaasahan, marami nga'ng matatandang naninirahan doon pero mukhang masisigla naman. As part of our mission, we need to help them plant cabbage, pick peppers, and fish as well. And speaking of fishing, that's what excites him the most. Siguro nga ay dahil epic fail ang pangingisda namin noon sa dagat.

Hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na kami sa aming shoot. Normally, wala naman kaming script na kailangang basahin at kabisaduhin. Itinuturo lang nila sa amin ang mga dapat naming gawin para sa eksena. At ang mga kalokohang 'banat' ni Hubby, part talaga 'yon ng pagkatao niya. I guess that's what makes him so adorable like a kid. Kung sa bagay ay parehas lang naman kaming young at heart kaya siguro nasasakyan ko rin ang mga trip niya. At ang competition na nagaganap sa pagitan naming dalawa, it's all natural because I am very competitive by nature.

After being exposed to the sun for a long period of time, talaga namang nagutom kami nang husto. Sabay kaming kumain at medyo nakabukod sa ibang crew.

Nag set-up kami ng aming munting picnic sa lilim ng isang malaking puno.

"Imagine 'yong age no'ng mga Lolo at Lola? Dapat mga nagpapahinga na lang sila sa bahay pero nagtatrabaho pa rin sila para lang mabuhay. Nakakaawa..."

Hindi ko talaga maiwasan ang maawa. Kapag ganoong eksena talaga ay parang dinudurog ang puso ko.

"Oo nga. Masuwerte tayo at kahit papaano, we're living comfortably," aniya sabay subo ng pagkain.

"Pero naloka talaga ako sa sinabi ni Lola kanina..." natatawang pag-alala ko pa sabay umiling-iling. "You think it's a crime kung mas matanda ang babae kaysa sa lalaking pakakasalan niya?"

"Yes!" mabilis na sagot naman ng sira-ulo sabay humalakhak nang malakas.

I rolled my eyes.

"No, I am just kidding!" Agad pa siyang nag-peace sign. "I think in love, age doesn't really matter, but that's my two cents."

"Really?" Parang hindi ako makapaniwala.

Tumango siya. "Yeah... I guess as long as they were happy loving each other, I think that won't be a problem."

Whoa. I didn't expect that. Parang iba kasi ang reaction niya noong una.

"Oh well, basta kapag nagpakasal ako, I'll live simple and clean like this," tila nangangarap ko pang sabi na bahagyang nagpagulat sa kanya.

"Kasal?" Kunot-noo siyang tumitig sa akin. "What do you think about our marriage?"

Umawang ang mga labi ko at nangingiting tumitig sa kanya. Kahit pa joke lang 'yon, parang iba kasi ang dating or nasosobrahan na ba ako sa ilusyon?

"I mean to say, if I were to get married for real..." bawi ko rin naman.

Nangingiti naman siyang tumango. "Ahh... Too bad, maraming makakapanood sa 'yo. You're with me and yet you're telling me about marrying somebody else in the future?"

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon