Chapter 7

19K 315 3
                                    

CHAPTER 7

ESTELLA

Magkatabi kaming nakaupo ni Raphael sa buhangin at nakatanaw sa bughaw na dagat. Hinihintay namin ang ibang couple na makakasama namin sa shooting.

"Ang tagal naman nila," maktol ni Raphael na noo'y inip na inip na rin.

Naiintindihan ko naman siya at kagagaling lang niya sa TV guesting. Alam kong hinahanap nang katawan niya ang bed.

"Oo nga. Alam ba nila ang oras?" Hindi ko na rin maiwasan ang mainis. Gusto ko lang ding mapahinga na si Raphael at naaawa naman ako.

Nang bahagyang umihip ang hangin ay agad na hinawakan ni Raphael ang aming payong para hindi tangayin.

"Nagutom na rin sina Direk, a. Iniwan na tayo." Nagmasid pa siya sa paligid.

"Ang daya. Hindi ba tayo puwedeng kumain rin?" Hinimas ko ang aking tiyan. Nagugutom na rin ako kanina pa.

"Hindi puwede at baka pagkaguluhan tayo," umiiling pang aniya.

"Sus! Ikaw lang naman ang pagkakaguluhan at hindi ako."

"Wala akong kasama rito. 'Wag kang aalis sa tabi ko. Baka mamaya dumating na 'yong dalawa, wala na naman akong masabing tama." Hinawakan pa niya ang braso ko. Tipong hindi talaga ako puwedeng umalis sa tabi niya.

Natawa ako.

"Ano ka ba, kaya mo 'yon."

"No. You stay here. You're not going anywhere." Mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa braso ko.

"Grabe, naman 'to. Para kang bata..." Natatawa akong umiling-iling.

"I am not a kid, okay?" mabilis na depensa niya. "I may be young but I am not a kid," seryoso pang dugtong niya.

"Uy, napikon... Sorry na..." malambing kong sabi sabay ipinatong ang mukha sa balikat nito.

"You always say that I'm a kid," nanghihinampo pang aniya.

Ang cute lang magtampo, a.

"E, kasi naman—" Ibinitin ko ang salita sa ere at sa halip ay inamo-amo na lang siya. "Sorry na. Smile na, Hubby," sabay banayad na sinundot-sundot ng daliri ang pisngi nito.

"Buin... stop," kunwari ay irritable pang saway niya.

"Hubby... Hubby... Smile na..." Kiniliti ko pa siya sa balakang. Agad naman siyang napaigtad.

"Stop that!" sabay iwas. Malakas pa naman ang kiliti niya sa baywang.

"Uy, nag-smile na 'yan..."

At ganoon na lang ang gulat ko nang bigla siyang yumuko at mabilis akong hinalikan sa labi.

"Baka may makakita! Ano ka ba?!" Pakiramdam ko'y halos mag-apoy ang aking mga pisngi.

"I don't think that was even possible," nakangiting sagot lang niya sabay halik sa akin.

Agad kong itinakip ang payong sa aming dalawa at buong pagpaparayang tinanggap ang kanyang halik. His kisses were so gentle and sweet. Para akong lumulutang sa alapaap sa kaligayahang hindi ko alam kung hanggang kailan.

Pero agad din kaming naghiwalay nang maramdamang may palapit sa puwesto namin.

"Hubby..." Mabilis akong gumalaw at agad na pinunasan ang mga labi nitong nabahiran ng lipstick. Agad ko ring pinunasan ang labi ko makasiguro lang na 'di kumalat iyon.

"Nandiyan na sina Alex at Sinae..." Si Direk Ato na bigla na lang ring sumulpot sa aming harapan.

"Thank goodness..." Si Raphael na makahulugan pang ngumiti at kumindat sa akin.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon