CHAPTER 28
ESTELLA
Sobrang saya ko na sana dahil sa wakas ay makakauwi na ako. Pero ang nakaka bad trip, ang mood ni Raphael. Paano naman kasi ay sobrang tahimik na naman niya! Kagabi lang ay parang okay naman na siya tapos ngayon ay iba na naman ang ihip ng hangin.
Matapos niyang mabayaran ang bill ay hinatid na niya ako sa suite. Pero nakarating kami roon ay wala pa rin siyang kakibo-kibo. At gustuhin ko mang magtanong ay nauunahan ako ng takot.
Pagbukas ko pa lang ng pinto ay agad na bumungad ang gwapong mukha ng baby ko. Sobrang miss na miss ko na siya kahit na saglit lang kaming nagkahiwalay.
"I miss you so much, Mom!" naiiyak pang aniya habang panay ang halik sa aking pisngi.
"I miss you too, baby!" Mas dinoble ko ang higpit ng yakap sa kanya at pinugpog din ng halik ang mukha nito. Habang lumalaki siya ay mas lalo niyang nagiging kahawig si Raphael. Paano nga ba ako maka move on kung araw na araw kong makikita ang mukha niyang iyon sa anak ko? Nakatakda yata akong maging miserable sa matagal na panahon.
"Have you been a good boy?" tanong ko.
"Yes, Mom!" proud niyang sagot sabay lingon kay Ayen. "You can ask Aunt Ayen!"
Nakangiting tumango si Ayen. "He's been a very good boy. Don't worry, sis."
"Thanks, sis..."
"No problem. What sisters are for, huh?"
Matamis lang ako ngumiti sa sinabi niyang iyon. She's been so loyal to me. Kaya nga ba hinding-hinding ko siya ipagpapalit sa kahit na sino.
"Hi there, gorgeous!" nakangiting bati ni Harry.
Hindi ko inaasahang nandito pa siya. Kung puwede ko lang talaga turuan ang puso ko. Sobrang bait ni Harry at alam kong mamahalin din niya si Raffy.
"Thank you sa pag-aalaga mo sa kanya the other day."
"No problem. I enjoyed Raffy's company a lot. He's a smart kid. Manang-mana sa 'yo," nakangiting sagot pa niya.
"Of course!" Muli ay baling ko kay Raffy at pinugpog ito ng halik sa mukha.
"Daddy!" Agad na nagliwanag ang mukha nito nang mapansin si Raphael na walang kakibo-kibo.
"Hey..." Bumaba si Raphael para mayakap nang maayos si Raffy.
"I miss you, Dad. Have you been good to my Mom?" nakangiting usisa niya.
Makahulugan kaming nagkapalitan ng tingin ni Ayen bago ibalik ang tingin kay Raphael na tanging ngiti ang isinagot. Mukhang ayaw din naman niyang magsinungaling kay Raffy.
"I need to leave early. I'll visit you again tomorrow."
"But Dad, Aunt Ayen, and Uncle Harry cooked dinner."
"Oo nga naman, Raphael. Dito ka na kumain. Masarap naman ang niluto namin ni Ayen." Si Harry.
I think he's being sincere for inviting Raphael. Hindi naman kaila sa kanya ang feelings ko noon pa man.
Seryoso itong umiling. "Thank you, but I can't. I really need to go."
Ano bang problema niya at ganoon na naman ang mood niya?
"Take good care of Mom, okay?" bilin pa niya kay Raffy.
At kahit pa gusto kong kiligin sa bilin niyang iyon sa anak ko ay mas nanaig ang inis. Ang hirap pa rin niyang basahin talaga!
"Okay, Dad. I hope to see you again soon?" Bakas ang lungkot sa boses ni Raffy. Halatang na-miss niya ang pakiramdam na may Daddy.
"Bye, Raffy," sabay halik sa pisngi nito bago umayos nang tayo. "Una na ako," pormal na paalam niya para sa lahat at dinaanan lang ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
FALLING SLOWLY
RomanceSikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show na 'We Got Married' kung saan kakailanganin niyang tumira sa iisang bahay kasama ang pretend wife ni...