Chapter 4

20.2K 345 5
                                    

CHAPTER 4

ESTELLA

Ang bilis na lumipas ang panahon. Halos isang buwan na rin pala kaming nagsasama ni Raphael sa iisang bubong. Paunti-unti ay nakilala ko siya at masasabi kong para talaga siyang bata. Madalang ang aming pag-uusap nang seryosohan. Sabi nga sa survey, ang tandem naming dalawa ang pinaka-nakatutuwang panoorin dahil nga puro kalokohan lang.

Most people loved him because of his cuteness and sense of humor. Once nagsalita siya, there's no way na hindi ka tatawa. Pero pansin ko ring kapag kaming dalawa na lang at walang camera, medyo bawas na ang harot niya. Siguro ay tahimik lang talaga siyang klase ng tao. Most times I was the first one who's trying to reach out because it looks like he won't make a move if I am not the first.

Kinasabwat ako ni Direk at hindi ipinaalam kay Hubby na kailangan na naming lumipat sa mas maliit na bahay. Para naman daw may mga natural na reaksyon silang maipakita sa camera. Sakay ako ng mini-truck nang daanan si Hubby na noo'y naghihintay sa labas ng suite nito. Nagpaalam kasi itong kukuha pa ng ilang gamit kung kaya't sinamantala namin ang pagkakataong wala siya at hinakot ang mga gamit namin.

"Hello, Hubby!" masayang bati ko.

Tulad nang inaasahan ay nagulat talaga siya! Makita ba naman niyang nakalagay ang lahat ng mga gamit namin sa truck pati na rin lahat ng mga mamahalin niyang guitars!

"W-what?" Napakamot lang siya ng ulo at nagtatanong na tumingin sa akin. "We're moving? Dito tayo sasakay?"

Tumango ako at agad siyang pinagbuksan ng pinto ng truck. "Are you embarrassed na dito kita pasasakayin?"

Natatawang umiling lang siya at sumulyap sa camera.

"Hop in! Lipat-bahay na tayo ngayon!" Bahagya akong umusad sa gawi no'ng driver na natatawa lang din sa reaksyon nito.

"Seriously?" Hindi pa rin siya makapaniwala.

"Come on!" Sinenyasan ko siyang pumasok.

He actually looked sad and hesitant. Paniguradong mas malulungkot siya kapag nakita pa niya ang lilipatan namin. Nag-aalangan man ay sumakay na rin siya.

He smelled so good. Mukhang bagong ligo. Halos pumatong ang braso ko sa braso niya.

"Kailangan na kasi nating magtipid, Hubby. Maraming buwan pa tayo magkakasama at nagmamahal na ang lahat. Gasoline, water, electricity," panimulang biro ko.

"Hmm..." Malalim pa siyang bumuntonghininga pero nakangiti naman. "Samahan mo naman ako mamaya. May bibilhin lang ako."

"Ano naman?" Kumunot-noo ako.

"Wala na akong conditioner..." Napakamot pa siya ng ulo.

"Okay, sige. Wala na nga rin tayong supply ng shampoo. Doon naman sa lilipatan natin, malapit lang sa studio ng WGM at malapit lang din sa mall."

"That's good to hear. At least hindi ako mapipilitang bumangon ng maaga para lang hindi ma-late sa shoot."

Siya nga pala ang hari sa tulugan.

"Hubby, kapag pala ganyang hindi ka nag-shave ang gwapo mo pa rin. Medyo nagma-mature kang tingnan." Hinaplos ko pa 'yong mumunting bigote niya.

"I lost my shaver. Maki-paalala mo nga rin 'yan at hindi ako sanay nang ganito." Hinagod-hagod pa niya 'yong area na may tumubong bigote.

"Okay, Hubby, akong bahala. Baby kita, e." I actually meant that. Hindi ko alam kung tama nga bang ma-develop ako sa kanya. Pero 'di ko maiwasan. Ang saya kasi niyang kasama. At kahit pa minsang parang suplado siya ay mabait pa rin naman siya. "Ganito pala 'yong feeling na mas bata ang husband mo, gusto ko, e, palagi kitang inaalagaan." I said jokingly even though I was serious about what I said.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon