Chapter 16

13.5K 216 5
                                    

CHAPTER 16

ESTELLA

Iisang araw pa lang ang nakakaraan ay parang katapusan nang mundo sa akin. Sobrang hirap tanggapin na wala na talaga kaming pag-asa ni Raphael. Hindi ko alam kung dapat ko nga bang ikatuwa na nalaman ko pang mahal din niya ako.

"Sis, may nagpa-reserve nga pala ng resto tonight." Si Ayen, regular tambay ko sa restaurant.

"That would be the first-time. Sino naman daw?" kuryoso kong tanong.

"Just a close friend," nangingiti pa niyang sagot.

Definitely something fishy.

"Sino'ng close friend?" Kumunot-noo ako at matamang tinitigan ang mukha nito.

"Someone you don't know." Nakaloloko pa itong ngumisi.

Umirap ako. "Pinaglululuko mo na naman ako, ha."

"Uy, kumusta nga pala ang reunion mo with Papa Raphael?"

Napabuntonghininga ako. Ayaw ko na sanang alalahanin pero mukhang hindi ako tatantanan ni Ayen.

"Fine," tipid kong sagot.

"Magkuwento ka naman!" aniya sabay tumanghod pa sa akin sa bar counter. "Ang gwapo pa rin b ani Raphael? Hot ba lalo?"

I rolled my eyes. Sabi ko na nga bang hindi siya lulubay.

"Wala nga, okay?" Pinandilatan ko siya. "'Wag na makulit!"

"Sus! Maniwala ako sa 'yo!" ngumingisi pang aniya.

"What's with the smile?" sita ko.

"Nothing! Masama ngumiti?" Kunwari ay umirap siya pero naglalaro ang multong ngiti sa mga labi.

"I know you, Ayen. What are you planning?"

"Look, Estella, bahala ka sa buhay mo kung ayaw mo mag-open. If I know, maligayang-maligaya ka!" Umiirap pa siyang tumayo at lumayo sabay bumanat ng kanta!

♫♪ You asked me if I love you

And I choke on my reply

I'd rather hurt you honestly

than mislead you with a lie ♪♫

♪♫ And who am I to judge you

on what you say or do

I'm only just beginning

to see the real you ♫♪

♪♫Sometimes when we touched

the honesty's too much

And I have to close my eyes and hide

I wanna hold you 'til I die

'til we both break down and cry

I wanna hold you

'til the fear in me subsides... ♫♪

Patama iyon sa akin. Iyon ang sigurado ko.

"Lakas ng tama mo..." Umiling-iling ako.

"I just realized, bagay sa inyo ni Raphael ang kanta." Kinikilig pang aniya.

Pasaway talaga 'to. Buti na lang at minsan ay hindi nakukuha ni Harry ang mga biro niya sa akin. Lukaret talaga!

"I love you, Raphael!" sigaw pa niya nang tuluyang makalabas ng pinto.

Naglingunan tuloy sa akin ang mga costumer kong nakalalamang ay updated sa balita sa amin.

Wala ring ingat ang babaeng 'to! Sarap sabunutan!

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon