Chapter 9

16.7K 286 2
                                    

CHAPTER 9

RAPHAEL

I woke up early the next day para pumunta sa aking scheduled mall tour at promotion ng bago kong album. Hindi ko na rin nagawang magpaalam kay Estella dahil ayoko namang maabala pa siya sa tulog. Kahit papaano ay medyo nakampante naman akong iwanan siya dahil ayos na ang kanyang temperatura.

Kalahating araw din ang ginugol ko sa promotion na iyon. Sobrang nakapapagod dahil init ng panahon. Kaya naman nang makarating ako sa suite ay hindi ko man lang nagawang silipin si Estella at diretso na lang akong umupo sa sofa.

"Hubby..."

"Buin," pagod kong bati. "How are you?"

"I'm good. Magaling ang Doctor ko." Nakangiti pa siyang kumindat. I like it when she adores me. "Kumusta nga pala mall tour mo?" She sat beside me.

I must say, she's getting prettier as time passes by.

"Okay naman. It's exhausting, as usual."

"Makakasama na natin 'yong ibang couples ulit bukas."

"Yeah, I heard." Umismid ako.

"Sa mukha mo pa lang, basang-basa ko na," natatawa pang aniya.

Isa yata siya sa taong totoong nakikilala na ako kahit na papaano.

"I am not just comfortable with them since I don't know them personally." Madalas ko na yatang dialogue 'to.

"Ano ka ba? Sa industriyang ginagalawan natin, dapat marunong kang pakisamahan ang lahat ng klase ng tao."

"I know, right? It's just not comfortable."

"Don't worry. Hindi naman kita iiwanan. Your Buin will always be by your side," sabay banayad na tapik sa aking pisngi.

I am more than glad to hear that. I am not blind to see that she's falling for me. Though I am not sure of what I feel for her, I just want her to be with me.

The next day, as expected, we get to meet the other couples. It was quite a long day of shooting. It was exhausting and at the same time burdensome to me. At kahit pa wala naman actual script na kailangang isaulo ay nakapapagod pa rin.

"What are you wearing?" Tumikhim ako at kunot-noong pinasadahan ang kanyang kabuuan.

"Bikini..." Ngumuso siya at tiningnan din ang sarili.

I couldn't believe this!

"No way!" Umiling ako. "Ang daming lalaki!"

"E, swimming nga, 'di ba?"

"Put something on top and shorts, too," pinal kong sabi.

Kahit pa siya ang pinakamatanda sa mga babae, siya pa rin ang may pinakamagandang katawan sa lahat. Takaw-mata siya sa mga lalaki. The thought was already making me so jealous.

"Si Hubby talaga..." Iiling-iling siyang ngumiti pero sumunod naman.

At isa iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya, isang sabi ko lang ay sumusunod siya kaagad. Pero pagdating talaga sa kahit na anong laro ay hindi talaga siya patatalo without giving a fight.

It's been a very awkward day. Napilitan akong pakisamahan ang mga taong noon ko lang nakilala sa WGM. Nasa pool kami at nagkakatuwaan. Mabuti na lang at tuluyan kong naiwala ang pagkailang kay Estella. Most of the time, I stay by her side and she does the same with me.

"Ang sweet nila, 'no?" pabulong pang aniya habang pinapanood ang ibang couples.

"Sweet din naman tayo, a," defensive kong sagot.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon