Chapter 12

16.1K 273 2
                                    

CHAPTER 12

ESTELLA

Kanina pa halos mapunit ang labi ko dahil sa sobrang pagngiti. Super excited na talaga ako sa pamamasyal namin sa theme park! Those are the things we can't do without a security team because of the fans who are likely to make a fuss in our presence. Mas doble pa nga ang security ni Raphael dahil mas maramin siyang fans. But anyway, I knew that we will still have a blast. We both like adventures so much.

"Wala kayang lugar na hindi ka nakikilala?" kuryoso kong tanong kay Raphael.

Kahit naman kasi naka-disguise kami ay possible pa rin kaming makilala dahil sa camera na naksunod sa amin. At kahit pa parte ng WGM ang pamamasyal namin ay nasisiguro kong magiging masaya pa rin 'to!

"I don't know. Doon sa farm. Kahit paano may freedom tayo roon, 'di ba?"

Kahit pa nakasuot siya ng kulot-kulot at makulay na buhok ay hindi pa rin maikakaila na siya si Raphael Kim.

"Oo nga. But this is no farm. Ayan at nagkakagulo na ang mga girl fans mo," sabay nguso sa mga babaeng panay ang sunod sa aming dalawa. Kung wala sigurong security ay nakalalamang na dinumog na siya kanina pa.

"Yeah, see that?" sabay turo sa 'di kalayuang tarpaulin naming dalawa. "Love Team na rin tayo, 'di ba?"

"Yeah..." matabang kong sagot lalo pa nga't alam kong pang on-screen lang iyon.

"Are you ready for the extreme rides?"

"Oh, hell yeah!" palaban pang sagot ko.

I am a bit scared too but I just want to show Raphael my strong side. At 'yon ang hindi pag-atras sa kahit na ano.

At tulad ng nasa plano, sinakyan namin lahat ng extreme rides. Kahit pa ang mga rides na hindi ko pa nasakyan buong buhay ko! Sobrang nakakapagod at nakakahilo. Pakiramdam ko kahit na anong oras ay magsusuka na talaga ako. Maging si Raphael ay tahimik na rin at mukhang hilong-hilo na. Napaka-competitive kasi, feeling naman niya aatrasan ko siya!

"I am not really feeling well..." daing niya habang tutop ang noo.

Malapit kami sa safari jungle at nakaupo lang sa isang tabi.

"Mukhang namumutla ka..." Nag-aalala kong hinamplos ang pisngi niya. Sa labi pa lang ay alam kong hindi na talaga maganda ang pakiramdam niya. Sinenyasan ko ang Medic at agad namang nakalapit ang mga iyon sa amin. Nahihilo na rin ako pero kinakaya pa naman.

"Magpahinga na kayo," payo ng Medic. "Nasobrahan na rin kayo sa rides kaya ganyan."

Tumango ako. "Okay. Thank you."

Mahabang araw ang naging shoot kung kaya't nawala rin sa oras ang aming kain.

"Come on, Hubby. Let's go to the van," kayag ko sabay hila sa kamay niya. Sobrang lamig niya at bakas pa rin sa mukha ang pagkahilo at sobrang pagod.

Tumango siya sa akin at inakbayan ako papunta sa van.

Pagpasok pa lang namin sa van ay nahiga na kaagad siya sa maliit na kama sa loob. Personalize ang van niya at parang isang kwarto ang hitsura ng loob. May leather mini couch, mini bed, TV, at personal refrigerator. Napapalibutan iyon ng tinted glass kung kaya't ultimo driver ay kami makikita.

"Will you be all right here? Lilipat na ako sa van ko para makapaghinga ka." Hinipo ko pa siya sa noo. Medyo malamig pa rin talaga ang balat niya,

"Stay here..." Bahagya pa siyang dumilat at hinawakan ang kamay ko.

Wala ako sa sariling bumuntonghininga. Pagdating talaga sa kanya, ang bilis ko lumambot. Hindi ko naman siya matitiis ng basta-basta lang.

"Wait, magsabi lang ako sa kanila," paalam ko.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon