Chapter 27

15.3K 259 2
                                    

CHAPTER 27

RAPHAEL

After doing some tests with her, it's a relief that she's not that seriously ill. She has flu so the fever goes on and off most of the time. Dehydrated din siya kung kaya't nilagyan siya ng suwero.

Pero kung mayroon man akong inaalala, iyon ang handler ko. Aksidenteng nakita ako ng kapatid niyang head nurse pala roon at nakatawag dito kaagad.

"You're not doing this again, aren't you?!" galit na galit bungad niya sa akin.

Mabuti na lang at tulog na si Estella. Medyo malakas daw ang gamot na itinurok kung kaya't magiging antukin iyon.

"Can you lower your voice? Baka magising si Estella," inis na saway ko rito.

"What is going on with you?! Nag-iisip ka pa ba?!"

Mariin akong pumikit at humugot ng malalim na buntonghininga. Alam kong hindi ako mananalo sa kanya.

"I can handle whatever it is that you're worrying about."

"Handle everything?!" Kunot-noo pa itong tumitig sa akin. "At ano?! Balak mo pa bang makipagbalikan sa babaeng ''yan?!"

"What if balikan ko nga siya?" matapang kong sagot.

"Raphael!" sigaw niya. "Ano bang mayroon ang babaeng 'yan at hanggang ngayon baliw na baliw ka pa rin sa kanya?!"

"Can you lower your voice," muli ay pakiusap ko.

"Bilib din naman ako sa babaeng 'yan!" Iiling-iling pang aniya sabay sulyap kay Estella na himbing na himbing pa rin. "Pinalayo ko na nga sa 'yo't lahat, nakuha pa rin talagang bumalik! It's so obvious that she was only after your money!"

Agad na kumunot ang noo ko. Tama ba ako nang narinig? Pinalayo niya si Estella sa akin?

"E-excuse me, what did you just say?"

Bahagya itong natigilan. Mukhang noon lang niya na-realize ang sinabi niya.

"Fine!" irritable pang sagot nito. "I knew that she's pregnant at that time! Ako rin ang nagsabi sa kanya na layuan ka kung gusto mo pang manatili sa industry na 'to nang matagal na panahon pa!"

Natahimik ako sa ipinagtapat niyang iyon. All this time, puro sama ng loob ang itinanim ko para kay Estella, iyon naman pala ay may sala rin siya sa nangyari!

"Pinalayo mo ang mag-ina ko para lang sa career ko?" Kinuyom ko ang aking palad.

Hindi ako makapaniwalang magagawa ni Madam Liliane ito sa akin. Hindi pa ba sapat ang kinita niya sa akin?

"Don't put all the blame on me, Raphael!" Galit itong tumitig sa akin. "Ginusto rin naman niya ang desisyong iyon! Gusto lang namin ang makabubuti para sa 'yo!"

"What made you think na mas pipiliin ko 'tong career ko kaysa sa mag-ina ko?"

"Kaya ko siya pinalayo dahil sa ganyang pag-iisip mo, Raphael! Hindi habang buhay kang nasa showbiz! Samantalahin mo ang pagkakataon habang sikat ka pa! Don't put everything into waste, Raphael!"

Saglit itong natigilan at humugot ng malalim na buntonghininga.

"Nag-sakripisyo rin si Estella para sa career na mahal na mahal mo!" aniya sa medyo mas mababang boses.

"You're right. Parehas kayong tama. Iniisip n'yo lang ang makabubuti para sa akin." Bahagya akong tumigil at bumuntonghininga. "Pero sana naisip mo rin kung naging masaya ba ako sa ginawa mo?"

"Raphael..."

"Please, leave. From now on, I'll decide for myself."

"Are you firing me now?" kunot-noong aniya.

FALLING SLOWLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon