CHAPTER 20
ESTELLA
After what happened between me and Raphael I seem to have lost myself a bit. I really love him but I can't help but be scared.
"You're not yourself lately. What's bugging you?"
Halos makalimutan ko nang katabi si Ayen. Tipid akong ngumiti at nagkunwaring walang iniisip. Siya na ang palagiang kasama ko sa resto dahil ayaw magtrabaho. Mayaman kasi at sustentado kung kaya't 'di na kailangan yata ng pera.
Umiling ako. "N-nothing..."
"You know, I know you too well. I knew a lot of people with that expression after having sex."
Wala ako sa sariling tumitig sa mukha niya at agad siyang umismid na para bang alam na alam na ang nangyari.
"I know that look, you can't lie to me, Estella," diretsang aniya.
"What?" Nag-iwas ako ng tingin. Hirap akong magsinungaling kay Ayen dahil noon pa man ay matalas na talaga ang pakiramdam niya.
"What are you scared for? Hindi ba mahal ka naman ni Raphael? Sa panahon ngayon, 'yong nangyari sa inyong dalawa, normal na 'yon."
Bumuntonghininga lang ako. Ano pa nga bang dapat kong ikahiya kay Ayen? Matagal ko na siyang kaibigan. Para na ring magkapatid ang turingan namin sa isa't isa.
"Tama ba itong pinapasok ko? Gusto niyang tumira na kami sa iisang bubong..."
Mas lalong sumeryoso ang mukha niya.
"Actually, parang medyo mabilis. Pero ikaw, ano bang gusto mo?"
Ilang saglit din akong natigilan. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag ang nararamdaman ko.
"I don't know. Hindi ko rin alam, sis, pero mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya..."
"Iyan na ang sagot, 'di ba? Go for it if that would make you happy."
"Paano kung makaapekto ako sa career niya?"
"It's not like i-publicize ninyo ang relationship ninyo, 'di ba? It is quite a big step pero kung saan ka magiging masaya, I'll support you."
What can I expect from Ayen? He is really a liberated person but a believer in happiness. Sabi nga niya, basta masaya ka, go lang! Keber na ang iba. Ang importante, masaya ka.
"Pero girl, you need to take extra precautions, okay?"
"Precautions?"
"You can't get pregnant."
"Ohh... yeah..." Ngumiwi ako. Wala naman akong alam sa ganoon. Kahit pa mukha liberated akong gumalaw, wala pa akong naging experience sa kahit na ano noon.
"Wait..." May kinuha siyang kung ano sa bag niya at pasikretong inilagay sa kaha ko. "Pills 'yan..." pabulong pang aniya. "Kabibili ko lang niyan, kaya sa 'yo na lang muna."
"Gumagamit ka nito?" Kunot-noo ko siyang tinitigan.
"I am not a virgin, okay? You're fully aware of that. Ano pang ikinagugulat mo riyan?!" sabay matalim na umirap. "But it's not like I'm having sex with just anybody, nakagaganda rin kasi ng balat 'yan kaya nagme-maintain ako."
Tumango ako. "Ohh..." Wala talaga akong kamalayan sa kahit na ano. Sexy lang akong manamit pero hindi ako kasing liberated ni Ayen. Si Raphael lang ang unang lalaking nakatabi ko sa kama.
"So, how was he? Malaki ba?!" pilya pa niyang tanong.
I rolled my eyes.
"Aish! Asa kang sagutin ko 'yan?!" Umirap ako at ngumuso.
BINABASA MO ANG
FALLING SLOWLY
RomanceSikat na singer/actor si Raphael Kim. Pero dahil sa mga negatibong write-ups na lumalabas tungkol sa kanya, napilitan siyang sumali sa variety show na 'We Got Married' kung saan kakailanganin niyang tumira sa iisang bahay kasama ang pretend wife ni...