PROLOGUE

1.6K 18 0
                                    

"Shar, Shar, SHARRRRR!!" sigaw ko, ayaw kasing gumising nung babaeng katabi ko eh. Nagkwekwento pa naman ako tinulugan ako! tsssss

Nasa isang duyan ako ngayon, kasama ang babaeng batugan na timawa pa haha na kababata ko na si Sharlene San Pedro a.k.a Shar! yun tawag ko sakanya kasi ang cute kaya!!

Nacucurious na siguro kayo kung pano kami naging magkababata no? Gusto niyo bang malaman? Eh........

Kung ayaw ko?! JK ;)

Simula pa nung nasa tyan pa kami ng aming mga nanay, Since close ang mommy ko at ang mommy ni Shar kahit pinagbubuntis nila kami palagi parin silang magkasama. Hanggang sa pinanganak kami, sabay daw kaming inilabas same time pa nga daw eh oh diba ASTIG!! \m/ tapos pati pagbibinyag sabay din kami. Nagmukha na nga kaming kambal kasi pati damit daw pareho kami pero syempre yung akin yung panglalakeng design. Hanggang sa naging 6yrs old kami, palagi na kaming magkasama pwera lang kapag gabi na. Pero sa umaga palagi kaming magkasama. Laro lang kami ng laro hanggang sa mapagod. Hindi ko nga alam pero yung childhood years ko siya lang talaga ang naging kaibigan ko. Hindi kasi ako nakikipag usap sa ibang mga kapitbahay kong ka-age na lalake, Ewan ko ba basta ako gusto ko si Shar lang kalaro ko. HEP HEP HEP! Baka akalain niyo since babae ang kasama ko pangbabae narin ang nilalaro ko, dyan kayo nagkakamali. Ang palagi kasi naming nilalaro ay yung ako yung prince tapos siya yung princess na ililigtas ko oh diba ;) TO MAKE THE LONG STORY SHORT...

Sabi nga ng mommy ko since ako daw lalake tapos si Shar babae bakit hindi daw paglaki iarrange marraige kami. Sinabi samin yun nung mga 10 yrs old kami, kaya umoo nalang kami kasi malay ba namin dun haha. Hanggang sa 14yrs old na kami. Binata at Dalaga na kami, Kung dati rati sabay pa kami maligo ni Shar (haha oo si mommy ang nagpapaligo samin yung mommy kasi ni Shar always nasa work kaya kay mommy na binilin si Shar.) Ngayon syempre hindi na, kaylangan din minsan may limitasyon. Simula naging binata at dalaga na kami madami ng bagay na dati nagagawa namin na ngayon ay hindi na dapat. Pero bukod dun, yung iba naming ginagawa ay ginagawa parin namin hanggang ngayon, Yung yayakapin ko siya ng mahigpit nanggigigil kasi ako sakanya eh! Haha tapos siya naman nangangagat OO para siyang vampire ang tutulis pa naman ng ngipin. Ganyan kami mag harutan ni Shar, Ewan ko ba basta kapag kasama ko ang kababatang kong yan, masaya na ko! Tinuturing ko narin kasi siyang kapatid eh. Kilala nanamin ang isa't isa. Kahit nga umutot ako sa harap niya hindi ako mahihiya eh, kasi nakasanayan ko na siyang kasama. :)

Oo nga pala! Hindi niyo pa ko nakikilala, I am Nash Aguas just call me Nash ;) Gwapo DAW sabi nila haha ;) simple lang naman ako. Minsan nakataas ang buhok minsan naman hindi, nakabraces nga pala ako, Makadyos ako AMEN! haha 16 yrs old na ako isa akong 4th yr student. Hindi na ako masyado magpapakilala kasi for sure naman makikilala niyo pa ako lalo sa kwentong ito :D

(Author's Note) 

Nainspire ako ng Nashlene kaya ginawa ko ang story na to. Actually wala pa kong idea kung paano papaikutin yung story pero bahala na hihi. Bet na bet ko kasi talaga ang Nashlene :) Ito prologue sana nagustuhan niyo, sorry kung hindi kasi first time lang ako gumawa ng story dito sa watty. COMMENT nalang kung may suggestion VOTE na din kung nagusuhan niyo yung prologue

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon