Chapter 3

993 9 2
                                        

Nash's POV

Nandito na ako sa school ngayon waiting for Shar, Napag kasunduan kasi namin na sabay pumasok. Mas okay na akong mauna kesa siya magtatampo nanaman yun kapag ako ang nahuli. Oo nga pala First Day of school namin ngayon. Sa totoo nga, ayoko pang pumasok. Pero, no choice.

Nakita ko si Jairus papalapit sa akin.

 "Hey bro!" pagbati niya sa akin.

At nagyakapan kami pero yung panglalake ha, baka sabihin niyo bromance haha.

"Yo bro, kamusta?" tanong ko

May bench doon sa tabi kaya nagpasya kami na umupo muna.

"Okay naman bro, uhmmm si Shar, asan siya? hindi mo ata siya kasama ngayon?" pagtatanong niya

"Wala pa nga siya bro, hinihintay ko pa. Baka mamaya maya dumating na" sabi ko

"Oo nga pala, hindi ko pa alam ang section ko, ikaw ba nakita mo na?" Jairus.

"Hindi pa nga, tara tignan natin doon sa board" pagaaya ko.

At pumunta na kami doon sa may board para tignan ang section namin ni Jairus.

*Hanap*

*Hanap*

*Hanap*

BINGO!

Section 2 ako, at good news classmate ko parin si Shar. YES!

"Bro classmate tayo oh! Pati si Alexa at Shar classmate natin, ang saya naman nito magkakasama tayo." natutuwang sabi ni Jairus

"Oo nga nice! Hindi na tayo maninibago, at palagi na tayong magkakasama bro!" sabi ko naman

Kitang kita ko sa mukha ni Jairus na tuwang tuwa siya. Hmmm siguro dahil kahit transferri siya tapos classmates niya kami hindi na siya masyado mahihiya kasi may kilala na siya. Pero, iba talaga yung ngiti niya para siyang nahalikan ni Megan Fox Haha.

Pero, hindi ko na pinansin baka ganun lang talaga siya matuwa.

"JAIRUS NASH!!!"

Parang galing sa taas yung sumigaw kaya, napatingin kami ni Jairus sa taas.

Si Alexa pala, teka paano napunta sa taas yun? Hindi naman namin nakitang dumaan sa main gate? Kakaiba talaga itong babae na to.

"Oh Alexa! kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Jairus

At bumaba na si Alexa para puntahan kami. Niyakap niya si Jairus pati ako.

"Mukhang close na kayong dalawa ha. Oo nga pala bakit nandito pa kayo? ayaw niyo pa bang makita yung classroom natin?" nakangiting sabi ni Alexa.

"Hinihintay pa kasi namin si Shar" sabi ko.

Ilang minuto ang nakaraan dumating narin si Shar. SA WAKAS!

Buti nalang may kasama ako, kundi nagalala na ako ng sobra dun.

Sabay sabay na kaming umakyat papunta sa classroom namin. Nagtataka nga ako ang daming matang nakatingin sa amin pero, hindi ko alam kung samin talaga o sakin. Kasi kapag titingin ako kahit saan nakatingin din sila sa akin. May dumi ba ako sa mukha? Siguro nagwagwapuhan haha. Kung hindi niyo alam hindi naman sa pagyayabang, "Heartrob" ata ako ng school namin kaya nga minsan ang hirap gumalaw at makipag kaibigan sa mga babae kasi ang habol lang nila ang mukha ko, Totoo. Kaya si Shar lang talaga ang pinili kong maging kaibigan kasi kahit papaano kapag kasama ko siya alam kong wala siyang gusto sa akin at masarap talaga siyang kasama. At kapag kasama ko siya naipapakita ko talaga kung sino ako yung, hindi na kaylangan makipagplastikan.

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon