Jairus's POV
Nandito na kami sa school ngayon kasama ko na 'tong utol ko na si Henry. Ang aga nga niya nagising sabi gusto na daw niya mag enroll. Mukhang excited siyang pumasok. Pero baka bukas pa siya makapasok kasi ngayon palang siya iEenroll.
Nag lalakad kami ni Henry papuntang cashier. May ibang studyante narin na nandoon. 6:15 palang kasi oh diba ang aga namin :D
Nagtataka naman ako kung bakit pinagtitinginan kami. Tapos mga nagbubulungan pa. Kaso malas ko hindi ko marinig syempre bulong nga lang eh. -.-
Ang awkward na talaga ha. Hindi na ko makalakad ng ayos sinusundan kasi kami ng tingin eh. Pero itong si Henry parang baliwala lang sa kanya.
Sa wakas nandito narin kami sa Cashier. HOO! tapos narin yung nakakailang na lakaran kanina. Mga tao talaga oh. Ngayon lang ba kayo nakakita ng gwapo? Haha! Kahit naman alam ko na may mga humahanga sa akin. Nahihiya parin naman ako. Ewanko ba hindi kasi ako mayabang gusto ko maging normal lang.
-----------
"Yeah uchol! Im already enrolled! Can I go to our room now?" sabi ni Henry. Ang kulit neto sabi ng bukas pa siya pwedeng pumasok. Oo nga pala same class kami. Kapag sineswerte ka nga naman matalino pa naman daw 'to. Maraming awards na nakukuha doon sa school niya sa canada. Pwede ako magpaturo dito lalo na sa Math haha.
"Utol, since hindi ka pa makakapasok doon ka muna mag stay sa library 2nd floor lang yun. Makikita mo na agad. Pero kung gusto mo samahan na muna kita?" sabi ko. Sasamahan ko na sana siya kaso tinawag ako ng adviser namin. Nagpapatulong. No choice tutulungan ko na si Adviser Math teacher pa naman malay mo taasan grade ko haha.
Kaya iniwan ko na muna si Henry. Siguro naman kaya na niya sarili niya. Malaki na siya! Haha.. Joke syempre tinuro ko naman yung library kaya for sure alam na niya kung saan.
Sharlene's POV
Haaaayyy.. Inaantok pa ko! Ang sarap mag inat. Nandito ako ngayon sa library. As usual maaga ulit ako. May quiz kasi kami nagyon. Hindi ako nakapag review sa gabi at talagang hindi ako nagrereview sa gabi kasi nakakalimutan ko lang. Kaya dito ako nagrereview sa library. Peaceful.
Habang nagbabasa ako. May narinig akong pagbukas ng pinto. Aba first time ko lang may makasabay dito except si Jairus. Teka, baka nga si Jairus kaya nilingon ko kung sino yung pumasok.
Si Jairus nga!! Agad naman akong tumayo.
"JAIRUS!!!" natutuwa kong sabi tapos inakbayan ko siya. Medyo hindi na ako naiilang kay Jairus medyo matagal narin naman kaming close kaya yan. Pinapakita ko na yung totoong ako.
"What? who are you get off me you bitch!" sigaw ni Jairus? Teka? Tinignan ko yung mukha niya WAIT! Hindi 'to si Jairus. OhMy! at englishero? Sino ba 'to at tinawag pa kong bitch. Kaya agad ko naman tinanggal yung kamay ko at dumistansya sakanya.
"HOY IKAW HA! BAKIT MO KONG TINAWAG NA BITCH? MALAY KO BANG HINDI IKAW SI JAIRUS HINDI NA BA PWEDENG MAGKAMALI? AT WAG MO KONG MA ENGLISH ENGLISH WALA KA SA IBANG BANSA NANDITO KA SA PILIPINAS AT--" ay bastos takpan daw ba yung bibig ko. Bwiset 'to ha! >.<
"Can you please shut up! We are here in the library. I can understand tagalog BUT you talk too fast! Can you please talk slowly" sabi niya. Nakatakip parin yung kamay niya sa bibig ko. Aba eh tiga saan ba 'tong lalaki na 'to Nakakapag taka may part siya na hawig siya ni Jairus at ngayon ko lang siya nakita dito.
Agad ko naman tinanggal yung kamay niya sa bibig ko.
"Tiga saang planeta ka ba? Wala akong pakielam kung hindi mo ko maintindihan! Pupunta punta ka dito sa pinas tapos hindi ka naman pala nakakaintinde" sabi ko.
"Wait did you said Jairus? and you look familiar have I seen you before?" sabi niya. Ay bingi lang? At bakit kilala mo ba si Jairus? At anong nakita? asa naman ngayon nga lang kita nakita.
Hindi ko na siya pinansin sa halip bumalik na ko sa upuan ko at nagreview na ulit. Nag aaksaya lang ako ng oras dito.
"WAIT!" pagpigil niya sa akin. Ano pa ba kelangan ng englishero na 'to!
"I know where did I see you. And by the way Jairus is my cousin." napatingin ako sa sinabi niya. Ano pinsan niya si Jairus? Kaya pala hawig sila. Kaso mas mabait naman si Jairus.
"I see your picture in Jairus phone. You were calling. And i think your beautiful" sabi niya. Ah yun pala noong tumawag ako bakit kaya hindi sinagot ni Jairus. ANO DAW? Anong I think your beautiful ka dyan. Tinaasan ko siya ng kilay aba'y kakakita na beautiful agad?! Boys nowadays......
Pero infairness....
Nagblush ako dun :D
-----------------------------------------------------------------------------
Author's Note.
Kung nagtataka kayo kung bakit puro JaiLene yung update ko kalma lang. Iniisa isa ko kasi. At tsaka since nilalayuan ni Sharlene si Nash dito sa story wala munang NashLene moments. Pero sana magustuhan niyo parin. :D