Chapter 7

758 8 2
                                    

Nash's POV

Kakagaling ko lang sa bahay nina Shar, gusto ko kasi siyang makausap. Gusto ko kasing malaman kung ano ba talaga ang problema niya. Hindi naman siya ganun dati. Yung matipid makipag usap. Ngayon parang wala. Parang isa lang akong regular na kaklase para sakanya. Ano na bang nangyare sa friendship namin? Bakit parang nawawala na?

Nasabi sa akin ni Tita na umalis daw saglit. Isa lang naman ang lugar na palaging pinupuntahan ni Shar eh. Sa playground dito sa subdivision nila. Diyan kasi kami madalas maglaro noong mga bata pa kami.

Nung medyo malapit na ako sa playground wala pa akong nakikitang tao. Kaya binilisan ko pa lalo yung lakad ko para matanaw kung nandoon nga si Shar. At ayun! likod palang kilalang kilala ko na. Nasa swing siya. At teka, may lalake siyang kasama? Nagtago muna ako doon sa may puno. Gusto ko muna suriin ng mabuti kung kasama niya ba talaga yung lalake. Baka mamaya kung ano pa gawin sa kanya. Pero familiar 'tong lalake na 'to!

Agad naman nasagot yung tanong ko. Bigla kasing tumayo yung lalake at tinulak tulak yung swing ni Shar Teka, si Jairus yun ha! Nagpasya na kong lumapit sa kanila.

"Shar!"

Agad naman akong nilingon ni Jairus. At lumingon na din si Shar.

"Oh. Na-nash" nagulat na sabi ni Shar. Sinenyasan naman niya si Jairus na itigil muna ang pag tulak sakanya. Teka, Nash? Nash na lang tawag niya sa akin? Nashy tawag niya sa akin dati.

"Oh! bro!" bati naman ni Jairus.

Bakit sila magkasama? Ako lang naman ang sinasama niya dito sa Playground. Ano ba yan! Naninibago na talaga ako sa LAHAT!

"Bakit ka nandito?" tanong ni Shar. Obvious ba? para makausap ka! Naasar na ko dito kay Shar ha! Yung mga tanong naman na alam na niya dati pa ang sagot tinatanong pa.

"Ah wala ano, kakamustahin lang sana kita. Sige aalis narin naman ako. Bro sige" pagpapaalam ko.

Ano pa ba gusto niyo gawin ko dito? Kaya nga ako pumunta dito para makausap si Shar yung kaming dalawa lang. Tapos eto pala, may kasama na siya. Siguro next time ko nalang tatanungin. Naninibago talaga ako. Hindi na kami madalas magtext magtawagan. Kahit sa room madalang nalang mag-usap kaya si Alexa nalang palagi kong kausap. Buti pa yun eh. Naaapreciate ako. Kaya nga hindi na ako magugulat kung bigla kong maisipan na ligawan yun. Isa pa nga yun sa sasabihin ko kay Shar. Sasabihin ko sa kanya na nagugustuhan ko na si Alexa. For sure, tutulungan ako nun. Pero noon yun. Paano kaya ngayon? Baka hindi na. Hindi na nga niya ako makausap.

---------

Jairus's POV

Nandito ako sa playground ngayon sa Subdivision nina Sharlene, Wala lang. Naisipan ko lang siya dalawin sa totoo lang kasi, Miss ko na siya. Kahit nagkita na kami kahapon miss ko parin siya. Wala nahulog na talaga ako ng tuluyan kay Sharlene. Sana saluhin niya ako no? Haha.

Ang saya ko ngayon kasi, si Sharlene pa yung nag-aya na magpunta sa Playground. Doon nalang daw kami mag-usap. Sa totoo lang, nakokornihan na ako sa playground, Syempre naman pang bata lang yun. At hindi na ako bata. Pero nung nirequest ni Sharlene? Aba'y GO na ako! Ang saya pala sa playground lalo na't kasama mo yung gusto mo. Sa totoo lang hindi naman kami nag-usap. Napapalibutan nga kami ng katahimikan. Nasa swing lang kami pa swing swing haha.

Medyo nahilo ako kakaswing. Kaya tumayo na ako at nagpasya na itulak yung swing ni Sharlene. Nginitian naman niya ako. Wag kang ganyan Sharlene gumaganda ka lalo.

Bigla nalang akong may narinig na tumawag kay Sharlene. Nilingon ko agad. Si Nash pala. Medyo na gulat ako bakit siya nandito? Wag mong sabihin siya ang sisira sa moments namin ni Sharlene? Haissst -______-

Si Sharlene naman halatang nagulat din. Tapos yun tinanong niya si Nash matipid lang, may problema ba sila?  Siguro nga Oo, hindi naman sila palaging nag-uusap. Ay oo nga pala. May problema sila. Si Sharlene daw hindi siya masyadong pinapansin. Agad narin naman nag paalam si Nash. YES! wala ng epal JOKE lang. Haha nabitin lang kasi ako sa moments namin ni Sharlene. Sino ba namang lalakeng hindi gustong makasama ang gusto niya? Tapos yung kayo lang dalawa.

Pagka-alis ni Nash bumalik na agad si Sharlene at umupo sa swing.

"May problema ba kayo?" tanong ko. Syempre gusto ko rin naman malaman kung bakit ba parang umiiwas siya kay Nash. Pero kung hindi niya sasabihin ayos lang naman. Naiintindihan ko siya.

"Siya wala, ako meron." mabilis niyang sagot. At nakita ko naman sa kanya na nakatingin siya sa kawalan. Hindi ko msyado naintindihan yung sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin na siya ang may problema?

Hinarap ko siya. At nakita ko sa mga mata niya na may tumulong luha. Agad naman nanglaki ang mga mata ko.

"Sharlene bakit?" nag-aalala kong tanong. Kung ano man yung sinasabi niyang problema, alam kong masakit talaga para sa kanya. Pero, ano naman ang kinalaman kay Nash?

Agad naman siyang tumayo sa swing at agad akong niyakap. Sa pag kayakap niya sa akin narinig ko na ang sunod sunod niyang mag iyak. Naramdaman ko narin na nabasa yung kaliwa kong balikat kung saan nakapatong yung ulo niya.

"Wag mo kong iiwan *sob* Jairus. I-ikaw nalang kasi ang sa tingin *sob* ko kaibigan ko ngayon. Sabihin mo sa akin na hindi mo ako *sob* iiwan" hindi ko man alam ang talagang dahilan niya kung bakit ganun nalang siya kung umiyak. Ang alam ko lang pinapangako ko na hindi ako lalayo at hindi ko siya iiwan. Masaya ako kasi pinagkatiwalaan niya ako na samahan siya. Pero malungkot kasi nakikita ko siyang umiiyak. Parang ang bigat bigat ng dinadala niya. Sana may pagkakataon na masabi niya sakin yung problema niya. Nandito ako para makinig.

Si Nash, alam niya kaya 'to? Sa tingin ko hindi nag-simula lang naman maging tahimik ni Sharlene noong nagmall kami. Bigla bigla nalang may pumasok sa isip ko. Hindi kaya dahil...

Gusto niya si Nash?

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon