Chapter 4 1/2

893 8 4
                                    

Sharlene's POV

Nandito ako sa bahay nina Nash ngayon, since it's saturday, pumunta na ako. Eto kasing si Nash hinahanap daw ako ni Chloe, eh pagpunta ko ayun nadatnan ko ang isang tulog na Chloe.

"Hoy, tulog naman pala yang si Chloe eh, ano pwede na ba akong umuwi?" Eh kasi naman wala naman kaming gagawin dito, Wala pa si tita wala tuloy makakain. ano gagawin namin? magtititigan?

Bigla naman siyang umakyat at sabi sa akin maghintay ng 10 mins. Ano naman kaya gagawin nito, haaay. Pag tuwing saturday pa naman rest day ko, tulog lang ako ng tulog.

After 10mins, bumaba na siya.

Ganito mukha ko oh --> :O

Sino ba namang hindi mapapanganga sa gwapong nilalang na bumababa sa hagdana. Maaamoy mo pa yung pabango niya. Nashy, Nashy, Bakit ba kasi ang gwapo ng kababata ko.

Lumapit siya sa akin at biglang hinawakan yung baba ko at isinara yung kanina pang bibig kong naka nganga. Okay! #medyoawkward yun ha.

"Gwapo ko no?" sabi niya, sabay pogi pose pa. Yan ang ayaw ko sakanya, medyo makapal ang mukha. Wala man lang ka humble humble sa katawan haha.

Oo nga pala, bakit ba siya nakapang alis? May pupuntahan ba siya?

"Hoy Nashy! Mukhang may pupuntahan ka, Sige aalis na ako." pagpapaalam ko. Agad naman niyang hinawakan yung braso ko para pigilan ako lalabas na kasi dapat ako. Ano problema nito? wag mo sabihing ako pagbabantayin nito kay Chloe, nandyan naman yung maid nila.

"Anong ako, TAYO!" sabi niya sabay hatak sa akin palabas. Ano? anong tayo? Saan naman? Anong ocassion? Teka. Ibig sabihin kami lang? Parang date ganun :"> hihi. Hoy Sharlene nagpapantasya ka nanaman syempre lakad magkababata lang hanggang dun lang yun.

Hindi ko na tinanong kung saan kami pupunta. Mas maganda kung suprise hihi. Nakasakay kami sa Jeep ngayon, himala hindi kami 

nag Taxi dati kasi palagi kami nagTataxi, tipid siguro siya ngayon.

Nakita kong pumara siya sa may Trinoma. Haaay Trinoma nanaman? Kakagaling ko lang doon nung isang araw. Oo nga pala speaking of Trinoma. Naalala ko yung pinag-usapan namin ni Alexa, yung tinanong niya sa akin kung may gusto daw ako kay Nashy, halos hindi ako makapag salita nun. Hindi ko alam ang sasabihin ko, kaya ko naman magsinungaling kaso ayaw bumuka ng mga bibig ko. Buti nalang may tumawag sa phone niya, mommy niya daw pinapauwi na daw siya emergency. Buti nalang talaga.

"Oy Shar, tara na. Bababa na tayo!" sabi niya. Sabay hawak sa kamay ko. :O ohmyy biglang may dumaang kuryente sa kamay ko kaya agad kong tinaggal yun. Napatingin naman si Nash pero inalis din yun tingin pagkababa. Bakit ako naground nung hinawakan ni Nash yung kamay ko? Dati rati naman normal lang yun parang wala lang. Bakit ngayon maykakaiba?. Haaay erase erase!

Naglakad na kami papasok ng Trinoma, hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano gagawin namin dito. Hindi ko naman kasi natanong at hindi naman niya nasabi.

Hindi ko napansin papasok na pala kami sa World of Fun. Agad agad naman siyang pumunta sa counter para magpapalit. So, ito lang yung pinunta namin dito? Para maglaro? Wag ka na nga choosy Shar atleast kasama mo siya. Just have fun nalang. Tama! :)

Pagkapalit niya inabot niya agad sa akin ang isang plastic ng tokens. Teka, ang dami naman nito. Eh may hawak din siya na isang plastic eh.

"Nashy! bakit ang dami namang tokens? magdamag ba tayo dito?" tanong ko Paano ba naman kasi namin mauubos to. Ang dami kaya .

"Oo. let's enjoy naman Shar. puro na tayo aral aral ngayong weeks. Ang dami pang naging assignments kaya, enjoy muna natin" sabi niya at naglakad na. Huminto kami doon sa may Basketball. Naglagay kaagad siya ng token at ginaya ko narin siya.

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon