Sharlene's POV
Nandito ako sa Foodcourt ngayon, Si Nashy kasi nag-aya, manlilibre daw siya ang usapan 12 para daw lunch, 10:30 palang, napaaga ako kasi para makisagap ng wifi haha.
Kaya nga pala manlilibre si Nashy kasi nga alam niyo na, sila na ni Alexa. OUCH biglang kumirot yung puso ko </3 Actually mas kumirot nung nagpropose si Nashy kay Alexa at take note sa harap ko pa talaga, ang saya diba?! Pero anyways, ayoko ng maalala tama na yung nasaktan nako ng sobra noong nasa EK kami.
Nagtataka siguro kayo kung bakit nakayanan ko pang sumama dito kasi for sure naman makikita ko si Nashy at Alexa na magkasama at for sure MAS sweet pa kesa dati dahil sila na nga. Eh ganun talaga gawain ng "Kababata" dapat supportado ko siya. Kahit alam kong sasaktan ko lang yung sarili ko sa mga makikita ko go parin ako. Kasi nga magaling akong mag panggap. "Great Pretender" ata 'to.
"Shar, ang aga mo ha?" napalingon ako sa nagsalita, Speaking of Nashy. Teka I thought 12 pa magkikita eh bakit nandito na.
"Ah eh ano, nakisagap lang ng wifi magskype daw kasi kami ni papa eh nawalan ng net sa house. Ikaw? bakit napaaga ka?" Nakakacurious naman kasi, kanina lang siya iniisip ko tapos bigla siyang susulpot.
"Eh, I decided na bilhan ng gift si Alexa. Tara Shar samahan mo ko, o nagskype pa kayo ni tito?" -___- Haaay dapat pala di na ko nagbyebye agad kay papa. Nananadya ba talaga ang tadhana? di pa ba enough yung nasaktan nako ng sobra haaays..
Pagkatapos ko mag-isip tumingin na agad ako sakanya. At nag nod na lang. Wala naman akong choice eh kapag hindi ako sumama hahaba lang usapan.
-------------------------------
"Eto ba Shar?" tanong sakin ni Nashy habang hawak hawak yung dress na color black.
Nandito kami sa F21, actually napa wow ako sa mga damit at hindi lang sa damit pati sa mga presyo :O
"Oo pwede na yan" matipid kong sagot.
"Sukat mo na nga lang para malaman natin kung maganda" ah okay susukat lang pal- WHAT?! Ayoko! hindi ako nagsusuot ng dress I mean nagsusuot ako pero hindi katulad neto medyo reaviling ang likod.
"A-ayoko nga! bilin mo nalang kasi okay na nga yan!" Naaasar kong sabi.
"Shar, please paki suot na. Same size naman kayo ni Alexa eh or mas mataba ka sa kanya?" Hinampas ko siya sa braso. Aba maka insulto 'to ha? Nananakit na nga nang iinsulto pa -,-
"Joke lang. dali na Shar wear it!" at tinulak niya ako papasok ng fitting room.
Nako naman, tinitignan ko palang yung dress nabwibwiset nako paano pa kaya kung susuotin ko!
Nako Nashy pasalamat ka mahal pa kita kapag ako naka move one AY teka, wala namang kami. Wait ulitin natin "Kapag ako nawala feelings ko sayo" Hu U ka sakin.
"Oh ano na? bibilin mo na ba?" Nakasibangot kong sabi. Eto suot suot ko na yung dress at kahit ilang minuto ko palang suot naiirita na ko abay reaviling kasi yung likod eww!
"Hoy Nashy ano ba? tititigan mo nalang ba ko?!" Pasigaw kong sabi, napatingin na nga yung ibang tao doon eh. Care ko naman haha.
Nilapitan ako ni Nashy. Teka ang weird naman nito napaka seryoso ng mukha niya habang papalapit siya ng papalapit. Paatras naman ako ng paatras.
May problema ba sa dress? hindi ko naman nasira bakit parang galit yung mukha?
Habang umaatras ako di ko napasin na nahulog yung hanger kaya.
"Ahhhhhh" nadulas ako. Ay hindi muntik na pala kasi nahawakan agad ako ni Nashy.
"Alam mo, maganda ka na sana eh clumsy ka lang" seryosong sabi ni Nashy. Nakatitig siya sakin at ganun din ako. Hindi ko nga alam pero ayaw umalis ng mga mata ko sa pagtitig sakanya. Parang namagnet ako ng mga mata niya.
Teka ano daw? Maganda ako? Naramdaman kong uminit yung pisngi ko. Wag mong sabihing kinilig ako dun nako hindi wala lang yun Shar magtigil ka!
"Hi Mam, Sir. Bibilin niyo po ba yan? Bagay po sa Girlfriend niyo Sir" natatawang sabi nung Sales Lady. Agad naman kaming bumalik sa normal na posisyon namin. Ang awkward naman nun nakita pa kami ni ateng Sales Lady. At ano daw? Girlfriend huuu asa naman ako :( Eh yan nanaman yung kadramahan ko.
"Talaga? sige bibilin ko na" Nakangiting sabi ni Nashy. Sabay tingin sakin. Umiwas naman agad ako kasi nahihiya parin ako sa nangyari kanina.
"Oh Shar, wala ka bang balak mag palit man lang? Osige pwede rin naman yan na isuot mo haha" Shut up Nashy! -.-
"Ha? anong para sakin te-teka diba kay Alexa yan?" Nacurious kong sabi. Eh kasi naman binigay sakin yung dress kanina ni Nashy para sakin daw 'to ang weird.
"Haay Shar pwede bang paki tanggap nalang? Buti nga binili pa kita eh." Tatanggapin ko ba?
"O-osige na nga!! pero ano ibibigay mo kay Alexa?"
"Napagisipan ko na wag ko na pala siya bilhan kasi nabilhan na kita ubos na pera ko."
"Eh sino ba kasing nagsabing ibili mo ko?"
"Chill.. Eh kasi nga bagay sayo. Ang ganda mo nga kanina eh"
*Ang ganda mo nga kanina eh*
*Ang ganda mo nga kanina eh*
*Ang ganda mo nga kanina eh*
*Ang ganda mo nga kanina eh*
"Hoy Shar! wala ka nanaman sa sarili mo"
Bigla kong niyakap si Nashy. At sinabing "Thankyou dito"
Naramdaman kong niyakap narin ako ni Nashy. Sa mga oras na yun parang ayoko ng bumitaw parang gusto ko ganun na lang kami forever. Kahit ang alam ko hanggang "Magkababata" lang talaga kami.
*******
Nash's POV
Nagulat ako sa ginawa ni Shar. Hindi ko kasi expect na yayakapin niya ako. Si Shar gaganun? impossible kasi eh. Iba kasi yung yakap niya kanina, alam kong sincere talaga siya. Dati ko naman siyang binibigyan ng mga ganun pero iba yung reaction niya ngayon. Ewan ko ba haaay wag ko na msyadong isipin. Anong oras na ba?
*11:50*
Chineck ko yung phone ko. 20msg 19missed call galing lahat kay Alexa. Patay! baka kanina pa siya nandun.
"Shar, tara na! Si Alexa nakailang message at missed call na sakin" nakita ko naman na nag nod lang siya.
----------------------------
"Alexa so-sorry na. Hindi ko naman kasi napansin yung oras" Kausap ko si Alexa. Sabi na nga ba nagtampo sakin eh. Kasi naman di ko nga napansin yung oras dahil kay Shar. Hindi hindi! ano ba iniisip mo Nashy!
"Nash naman, nakaka 1 week palang tayo ganyan ka na?" Haay paano ko ba ieexplain to! -.- Lord Help!
"Alexa, pinabibigay sayo ni Nashy" napatingin ako kay Shar at nakita kong inabot niya kay Alexa yung bigay ko sakanyang dress pero bakit?
"Wa-wait Alexa ano-"
Bigla nalang akong niyakap ni Alexa ng mahigpit. Tapos binigyan ko ng bakit-mo-binigay-sayo-yun-look si Shar. Tapos ngumiti lang si Shar tapos nag thumbs up pa.
Hindi naman sa ayaw kong bigyan ng regalo si Alexa, pero binigay ko kasi yun kay Shar. Pero effective naman yun ginawa ni Shar, thanks to her okay na ulit kami ni Alexa :D
(Author's Note)
HELLO MADLANG READERS!! Miss me?? No ayos lang hahah lol! Uy sorry talaga ngayon lang ako nakapag update kasi you know so busy maging highschool kaya eto di na nakapag update. If you can see bitin yung chapter 20 kasi para maiupdate ko na agad kanina ko lang ginawa to dont worry may kasunod naman eh.
Nagustuhan niyo ba? COMMENT and VOTE nlang kayo i need 10 VOTES kaya ba? Love you readers!! <33