Chapter 21

425 13 14
                                    

Sharlene's POV

"Haaaaay pasukan nanaman!" Naiinis kong sabi. Eh kasi naman nakakatamad pa eh bitin masyado -__-

Bumangon nako no choice kapag hindi naman ako pumasok walang baon sayang!

"Morning Ma!" Bati ko kay mama.

Oo nga pala yung nangyare noong isang araw yung nastuck kami sa elevator hindi ko na nasabi kay mama baka kasi mag-alala pa eh ayos nanaman ako. Buti nalang nandoon si Jairus.

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ko. Yung kiniss ko sa cheeks si Jairus eh kasi naman nadala nako sa emotion baka naman akalain ni Jairus ganun nalang akong babae basta basta humahalik.

At nalaman ko rin na mahal na pala talaga ako ni Jairus. Ako kaya? kaya ko rin kaya siyang mahalin?

Mamaya ko na nga isipin yun. Makagayak na baka malate pa ko.

-----------------------------

"Sige Ma alis nako, thankyou sa 1 week allowance" Nagkiss na ko kay mama.

"Hoy 1 week yan ha, baka naman mamaya sabihin mo naubos mo na bahala ka haha" Si mama talaga walang tiwala sakin haha.

Lumabas na ko ng bahay napansin ko na may lalakeng nakatayo sa labas ng gate namin naka talikod siya. Kilala ko yung likod na 'to impossibleng magkamali ako pero bakit siya nandito? tinawag ko siya.

***

Jairus' POV

Nandito ako sa bahay nina Sharlene ngayon. Di talaga ako sure sa gagawin ko pero ang alam ko lang eto ang gusto kong gawin. Diba nga sabi ko proprotektahan ko siya. Kaya sisimulan ko dito.

Pamasid masid lang ako sa paligid ang sarap naman ng hangin dito sa subdivision nila. Naalala ko tuloy yung time na hinatid ko siya dito nung umiyak siya sa sine (Readers, tanda niyo pa ba? :D)

Napatingin ako doon sa isang bahay na may mga roses. Ang ganda nila parang si Sharlene lang. Kung bigyan ko ulit kaya siya? (Readers, tanda niyo ba nung binigyan ni Jairus si Sharlene ng roses sa garden sa school nila?) Hmmm TAMA!

Nagdahan dahan ako kasi baka makita ako ng may-ari eh baka bawal pumitas. Pinitas ko na agad yung pinaka malaking red roses tapos inamoy ko pa fresh na fresha sakto sana magustuhan 'to ni Sharlene.

Naghintay na ulit ako sakanya habang inaamoy amoy yung bulaklak.

"Jairus?" Napalingon agad ako sa tumawag sakin. Yung boses na yun, yun ang bumuo sa araw ko.

Nilapitan niya ko. At ako naman nilagay ko na agad yung kamay ko sa likuran para di niya makita yung roses.

"Hi S-shar goodmornig" Masaya kong sabi.

"Goodmorning din. Oh? bakit nandito ka? Nagulat naman ako sayo haha"

"Ah eh, gusto ko kasi sanang ihatid ka kung ayos lang sayo" Sabay napakamot pa ko sa ulo ko. Para kunware shy type pero totoo naman :)

Nakita ko naman na ngumiti siya.

"Oo naman sige ba. Tatanggi pa ba ako eh nandito ka na haha" YES!! pumayag siya wohoo party party!

Wait yung rose pala ibibigay ko na.

"Ah Shar." pagsisimula ko tapos tumingin siya sakin na parang sinasabing ano yun.

"Eto nga pala oh" Sabay abot ng rose sakanya. Pleasee sana magustuhan niya!

"Oh? para san naman 'toh? haha"

"Wala ah ano gusto ko lang ibigay sayo kasi. Nakita ko kasing ga-ganda mo eh hehe" Napaka chessy ko naman :"> Pero totoo yun ha :)

Nakita kong nag blush siya waaaahh :"> kinilig din siya isa pang PARTY PARTY!

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon