Sharlene's POV
Nandito na pala kami sa Enchanted Kingdom. Pero bakit parang hindi man lang ako naexcite? Yung mga kasama ko halata na excited na sila especially si Nashy. Paano ba naman mamaya magtatapat na siya kay Alexa. Iniisip ko palang ang sakit na, paano pa kaya mamaya.
"Sharlene! Tara na pasok na tayo nagbabayad na sina Mommy para sa ticket natin" masayang aya ni Jairus. Ngumiti nalang ako at sumunod na sa kanya.
Pumasok na kami sa loob. Medyo konti palang ang tao doon 4:00 pa lang kasi, For sure mamayang gabi dadami na ang tao dito. Nag rides all you can kami. At ang bait ng mommy ni Jairus. Libre niya yung tickets namin. Pati nga doon sa Drive Thru kanina libre din eh. Mukhang hindi ko magagamit yung pocket money na hiningi ko kay mama.
"People, upo muna tayo doon at may sasabihin ako sainyo" sabi ng mommy ni Jairus.
Sumunod naman kami at umupo kami sa may bench doon.
"You can go now wherever you want BUT take care of yourselves. Kung mukhang hindi niyo naman kayang sakyan yung mga rides wag na okay? magkita kita tayo 9 pm sharp! Every hour tatawag ako sayo Jairus. I know this will annoy you pero I just want you all to be safe. Malalaki na kayo kaya hinahayaan ko na kayo. Just enjoy okay?"
"Yes mom. Thankyou!" nakangiting sabi ni Jairus at niyakap pa yung mommy niya. Ang sweet naman nilang tignan.
"So, tara na guys?" yaya ni Henry. Nagtinginan muna kami sa isa't isa. At yung nagkatinginan kami ni Nashy agad kong binaling yung tingin ko sa palagid.
"Ah wait uhmmm.. Pwede ba sa ngayon boys muna? My pag-uusap kasi kami eh diba boys?" sabi ni Nashy.
"Huh? ano yu-" nakita ko naman na tinungo ni Nashy si Henry sa braso at napatingin naman si Henry at ngumiti nalang sa amin.
Ang ibig bang sabihin, kami ni Alexa ang magkasama?
"Ah girls saglit lang naman eh. Sharlene i'll call you kapag magkikita na ulit tayo. okay lang ba?" sabi ni Jairus. Ano pa nga ba tumango nalang ako at ngumiti ng tipid.
***
Jairus's POV
"Ganito guys. Mamayang mga 6 pumunta kayo sa may tapat ng carousel. Wag muna kayo magpakita. Basta makikita mo kami nasa gitna. Tapos kapag nailabas ko na yung bracelet at sinusoot ko na sakanya magpakita na kayo at isa isa niyong ibigay yung bulaklak. Bali 5 roses yun tig dalawa kayo ni Henry tapos kay Sharlene yung isa tapos ibigay niyo kay Alexa" pagpapaliwanag ni Nash.
"Pare? may gusto ka kay Alexa?" nagtatakang tanong ni Utol. Ere talaga oo medyo slow. Ano pa kaya sa tingin niya ang dahilan kung bakit gagawin ni Nash yun. Eto talagang si Utol oh!
"Ano pa ba sa tingin mo?" sabi ko.
"Ah okay. Nakz ha! so what time yan?" sabi ni Henry. Napahawak ako sa ulo ko.
"Yung totoo Utol? Nakikinig ka ba talaga kanina o ano?" sabi ko. Grabe ang engot nitong lalake na 'to. Pinsan ko ba talaga 'to?
"So-sorry naman. Nadistract lang kanina."
"Kunino naman?" tanong ko
"Wa-wala." Matipid niyang sagot.
"Okay, so mga pre okay na mamaya ha. Tulungan niyo ako ha. Pumalpak man o hindi basta ginawa ko na yung part ko. Pero I hope talaga effective" sabi ni Nashy. Nako Nash kung alam mo lang kahit hindi mo na gawin yan OO ang isasagot ni Alexa. Tatanggi pa ba yon
Nung nagkaintindihan na para sa plano namin mamaya I decided to call Sharlene para sabihin na magkita na kami. Gusto ko na talaga siya makasama. Dapat nga kanina pa kaso gusto ko naman na tulungan si Nash.