Chapter 1

1.3K 14 3
                                    

NASH'S POV

*RingggggRinggggg*

Nagising ako sa malakas na tunog ng cellphone ko

Haaay nako bwiset ang sarap sarap pa ng tulog ko!

Teka anong oras na ba?

*tumingin sa orasan*

12:30pm

O_O

SH*TTTTTT!! Late na ako, may usapan nga pala kami ni Shar na ngayon kami mageenroll magpapasukan na kasi, 4th yr na kami ni Shar. Palagi kaming sabay mag-enroll at sineswerte since 1st yr, palagi kaming classmates ;)

Kinuha ko agad yung phone ko at inunlock.

50 messages at 10 missed call O_O

PATAY! naku po, for sure galit na si Shar! Baka kanina pa siya nag hihintay sa school usapan kasi namin 11am dapat nasa school na, eh 12:30 na heto ako kagigising lang!

Kasi naman yung NBA2K13 na yan pinuyat ako kagabi! -.-

Nagmadali na akong tumayo at pumunta sa c.r para magtoothbrush at maligo.

within 10mins tapos na agad ako, nakaligo na at nakabihis na.

OHA! bilis ko diba! :D

Kinuha ko na yung backpack ko at inilagay na sa likod ko at bumaba na.

Pagka baba ko sumalubong agad sa akin si mommy.

"Oh Nash tanghali na bakit ngayon ka lang nagising, akala ko ba 11 ang usapan niyo ni Sharlene?" Sabi ni mommy habang hinahanda yung lunch namin.

"Oo nga po, nalate po kasi ako ng gising." Sabi ko at napakamot nalang sa ulo.

"Kumain ka na muna dito Nash baka magutom ka hindi ka nakapag almusal" Yaya ni mommy

Nakaupo na si Chloe ang super cute kong kapatid! Si daddy, ayun nasawork.

"Oo nga kuya, chara dito let's eat yumyum" Sabi ni Chloe sabay ngiti pa sa akin.

Ang cute... CUTE! talaga ni Chloe ang sarap kurutin ng mga cheeks niya malaman kasi eh haha. Medyo may hawig siya kay Shar kasi, Pinaglihian ni mommy si Shar kaya siguro medyo hawig.

Gustong gusto kong sabayan si Chloe kumain para makapag bonding kami kaso, Late na ako! Patay ako kay Shar matampuhin pa naman yun.

"Ah mommy sa canteen nalang po ako kakain, late na kasi ako eh. Kawawa naman si Shar dun napaghintay ko na. At Chloe promise sabay tayo kumain mamayang dinner okay ba yun?" Sabi ko kay mommy. Tapos kinarga ko si Chloe at kiniss sa cheeks para magbbye na.

"Ingat ka anak." Sabi ni mommy

Tapos lumabas na ako at kinuha ang skateboard ko, yun ang gagamitin ko papapuntang school medyo malapit lang naman eh 15mins nandun na ako kapag naka skateboard. Ayoko sumakay ng cab mahal pa kaya skateboard nalang. Mahilig kasi ako magskateboard, Hobby ko na yun.

*After 15mins*

At last nasa school na ako, kinuha ko na ung skateboard ko at pinakita sa guard yung i.d ko tapos, pumasok na sa loob.

*Tingin sa kaliwa*

*Tingin sa kanan*

Asan na kaya si Shar?

Naglakad na ko papuntang canteen kasi baka kumakain na yun ng lunch magugutumin pa naman yun, pero wala siya dun.

*Haaay Shar, asan ka na ba?* sabi ko sa isip ko

Since hindi ko siya nakita nagpasya na ko na magstart na mag-enroll mamaya kasing hapon madami nang mag-eenroll kaya dumeretso na ako sa guidance tapos finill-upan ko na yung form. Pagkatapos nun bumili narin ako ng books, nagpakuha para sa i.d.

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon