Chapter 4 2/2

827 6 5
                                    

Jairus's POV

Nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Hindi naman nakakalungkot yung pinapanuod namin na Bromance. Actually, nakakatawa nga eh. Wala namang nakakaiyak na part. May problema nga siguro talaga siya.

"Sharlene ano---" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla nalang akong hinatak ni Sharlene palabas ng cinema. Kahit hindi ko alam kung bakit, hinayaan ko nalang at sumunod nalang ako sa kanya.

Binitawan niya na ako nung nasa labas na kami, nakatingin lang ako sa kanya naghihintay ng dahilan niya kung bakit kami lumabas.

Hanggang ngayon, Hindi ko parin alam ang dahilan ng pag-iyak niya. Hindi ko naman siya matanong kasi baka masyadong private. Kung gusto niyang sabihin nandito lang ako para makinig.

"Jairus, iuwi mo na ako please" bigla niyang sinabi. Kahit sa totoo lang ayoko pa kasi gusto ko pa siyang makasama. Wala na akong magagawa, ayoko naman na nakikita siyang ganyan. Siguro nga mas mabuti kung samahan ko na siyang umuwi. Malay mo sa daan sabihin na niya yung dahilan. Tetext ko nalang si Nash baka kasi magtaka siya kung saan na kami pumunta.

Sumakay na kami ng taxi para mas mabilis, Hanggang ngayon tahimik parin siya. Medyo halata parin sa mukha niya na umiyak. Sobrang curious na talaga ako kung bakit, hindi naman siguro dahil sa akin.

Napansin ko naman na nakatulog na siya, nauuntog na nga yung ulo niya doon sa bintana kasi, makakatulog siya tapos magigising ulit. Kaya nagpasya na ako na humiga siya sa balikat ko para naman makatulog siya ng maayos.

"Jairus wag na okay lang  ako, dito nalang ako sasandal" sabi niya.

"Sige na Sharlene, kahit ngayon lang. Humiga ka na sa balikat ko. Gusto kong masiguro na safe ka. At para makatulog ka na ng maayos. Wag ka ng mailang friends na tayo ngayon diba" sabi ko. At sumunod na siya at humiga na sa kaliwang balikat ko. Ang gaan sa pakiramdam yung taong sa tingin ko ay nahuhulog na ako ay sakalukuyang nakahiga sa mga balikat ko. Sana, napapagaan ko ang pakiramdam niya.

*After 15mins*

Nakarating na kami sa bahay niya. Subdivision yung bahay nila Sharlene, sinabi niya kanina noong nasa loob pa kami ng trinoma kung saan siya nakatira. Nakahinto na kami sa harap ng bahay nila.

"Sir, 250 po" sabi nung taxi driver

250 na agad yun? O_O ang mahal naman pala. Pero, it doesn't matter as long as naihatid ko si Sharlene ng maayos okay na sa akin yun. 300 nalang kasi yung natira kong pera. Tulog parin si Sharlene, agad na akong nagbayad at binigay na ni manong taxi driver yung sukli. Binuhat ko na si Sharlene at dumiretso na sa bharap ng bahay nila at nag doorbell.

Nash's POV

Nandito kami sa cine ngayon ni Alexa. Nag-aya kasi siya manuod daw kami ng Bromance. Pumayag na ako, gusto ko na rin kasing mapanuod yun. Nilibre ko na siya sa ticket kasi, nilibre naman niya ako ng popcorn.

Pumasok na kami. Medyo marami rami din ang tao, buti nalang may natirang upuan sa pangalawa sa likod.

Nanuod na kami ni Alexa habang kumakain ng popcorn. Naramdaman ko nalang na bumigat yung kanang balikat ko.

"Nash, if you don't mind. Pahiga ha" sabi niya. Pumayag narin naman ako, kasi ewan ko medyo sumarap yung pakiramdam ko nung huimiga si Alexa. Buong show tawa lang kami ng tawa ni Alexa. Kasi naman talaga namang nakakatawa yung palabas.

Nagvibrate yung phone ko, agad ko namang kinuha sa bulsa ko para tignan.

"Oooppss. Nash mamaya na yan, ienjoy muna natin ang panunuod. Ang ganda na nung part na to oh" sabi niya.

Sinunod ko na siya at agad ko naman tinago yung phone ko. Naalala ko rin si Sharlene at Jairus. Asan na kaya sila? Ano na kaya ginawa nila. Sayang nga hindi natuloy yung pustahan. Hindi ko alam magaling pala mag basketball yun. Buti nalang hindi na tuloy kasi, ako yung manlilibre eh Haha.

Natapos na yung palabas, Nagenjoy ako. Nakakatawa kasi talaga. At halata naman kay Alexa na nagenjoy din. Hangganf ngayon nga nag kwekwentuhan kami sa mga funny moments kanina. Nalala ko may nagtext nga pala sa akin kanina. Agad ko naman chineck yung phone ko.

*Bro, hinatid ko na pauwi si Sharlene. Ewan ko nga pero kanina napansin kong umiyak siya. Alam mo ba yung problem? don't worry nakauwi na siya. Kamusta lakad niyo ni Alexa? sana nag-enjoy kayo*

Nagulat ako sa nabasa ko, Si Sharlene daw umiyak? Bakit? Teka. May problema ba siya na hindi ko alam? Pero, imposible! Lahat ng mga problema niya alam ko. At wala naman syang nasabing problema niya ngayon.

Hinatid ko na si Alexa sa bahay nila. Nagulat nga ako kasi she kiss me in the cheeks bago pumasok sa bahay nila. Medyo nagblush nga ako kasi, first time lang na may humalik na girl sa akin. Except my mom syempre. Medyo napangiti ako, At umuwi narin sa bahay namin, na nakangiti.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon