Henry's POV
"Uchol, just tell her na kasi!" pangungulit ko kay Jairus. Eto kasing pinsan ko napaka torpe! Aaminin lang hindi pa magawa. Kapag talaga ako nainip, uunahan kita kay Sharlene. Nandito nga pala kami sa kwarto namin nanunuod ng tv. Friday evening kasi ngayon.
"E-eh kasi utol pa-paano kung hindi magustuhan ni Sharlene yu-yung pag-amin ko, paano kung sabihin niya ka-kaibigan nalang. Edi, Na Friendzoned lang ako"
HAHAHAHA! Ganito na ba talaga sa pilipinas? Ganito na ba ang mga lalaki ngayon? Mahihina ang loob? Haay nako.. Ang babading naman aamin lang.
"Ah okay, sige ganito nalang kung ayaw mo sabihin kay Sharlene dahil baka nga sabi mo wala kang pag-asa, Ako nalang ang aami-" di ako pinatapos -.-
"Utol naman! Wala naman ganyanan, ang dami daming babae diyan bakit si Sharlene pa! Wala namang talo talo!"
Bakit ba! Siya ang gusto ko. Swerte ka nga tinutulungan na kita, kung ibang tao ako nako baka inagawan ka na.
"Kaya nga kung gusto mo talaga si Sharlene, Then make a move! Grabe ang bading mo naman Uchol! Wala atang torpe sa angkan natin ikaw lang haha" natatawa kong sabi. Tapos bigla ba naman akong binatukan. $hit! ang sakit. Eh totoo naman.
"Hi-hindi naman kasi ako torpe! Ang kaso, ayoko lang na sabihin ni Sharlene na parang ang bilis ko namang nagkagusto sa kanya."
Haaay ewan ko dito sa pinsang kong 'to. Kung ayaw niya edi ako nalang mag-sasabi. Bwahahah. Napangiti ako ng nakakaloko.
"Bakit ganyan ka kung makangiti?" naiiritang tanong sa akin ni Jairus.
Mas lalo pa akong ngumiti ng nakakaloko.
"Wa-wala haha. Natatawa lang ako sayo" pagsisinungaling ko.
Magalit ka na sa akin pero I will tell to Sharlene the truth! Paano ba naman kasi NBSB yang pinsan ko. Ngayon lang daw niya naranasan mag mahal kaya yan, duwag umamin Hahaha. Hindi kasi tumulad sa akin madami ng chika babes HAHA! JK! Don't you dare to call me womanizer 'cause im not, Lahat ng mga naging girlfriends ko minahal ko no, It's just I think we are not meant to be. At tsaka sila naman nakikipag break not me. Paano agad-agad magseselos may makausap lang ako selos agad. Didn't they trust me? -.-
***
Jairus's POV
Nakakainis naman 'tong pinsan ko. Kulit ng kulit since sinabi ko sa kanya yung feelings ko kay Sharlene hindi na ko tinigilan. Araw araw ata hindi pwedeng hindi niya sasabihin sa akin na aminin ko na daw. Tapos sabi pa aagawan daw niya ako. Sapak gusto niya? Tinatawag pa akong duwag,bading. Ganun ba yun? Hindi ba pwedeng iniisip ko lang muna yung irereact ni Sharlene? Baka naman kasi mabigla siya ayoko ng ganun. Haissst!
Pero dapat talaga habang maaga pa umamin na ako. Mamaya may magkagusto pa kay Sharlene. Eto ngang pinsan kong si Henry mukhang may gusto na eh. Pero kahit papaano ang bait nga niya kasi kung iba yan baka agawan na ko. Siguro nga I should make a move right now. Pero paano? Paano ko ba sisimulan? Ano ba una kong dapat sabihin? Kung diretsuhin ko kaya? HAAAY! Bwisit! hindi ko alam.
"Ano uchol so what's your plan?" si Henry.
"Eto na nga nag-iisip na para hindi ka na nangungulit"
"Oh so, that's why you're doing this is because I keep asking you to tell to Sharlene that you like her. EH hindi ka naman pala sincere eh. Sabi ko naman kung ayaw mo ako na nga lang"
$HIT! Ayan nanaman kinakabahan talaga ako kapag sinasabi ni Utol yan eh. Mamaya nga totohanin. Tinignan ko nalang siya ng masama.
"Hindi naman dahil doon! I mean sige na oo na siguro nga medyo duwag ako pero hindi sobrang duwag ha! Kaya sige na pwede bang tulungan mo ako kung ano ba dapat kong gawin?" ayoko man 'tong sabihin dahil panigurado tatawanan lang ako nito kasi inamin ko na duwag ako but, whatever as long as tulungan niya ako for Sharlene. Bahala na kung ano ireact ni Sharlene.