Sharlene's POV
Monday ngayon, napaaga nga ang dating ko. Wala pa masyadong tao. Paano ba naman kasi halos hindi na ako nakakatulog. Isa lang naman ang reason ko. Si Nashy, OO! masyado kong dinamdam yung nakita ko noong nakaraang sabado. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako ng ganito. Humiga lang naman si Alexa sa balikat niya. Pero, hindi ko alam may nafefeel ako na parang ginusto yun ni Nash. Sana nga mali ang hinala ko. Kasi kung hindi, hindi ko na alam.
Nagpapasalamat nga ako kasi, nandoon si Jairus noong time na yun. Hindi niya ako kinulit na tanungin kung bakit ako umiyak. Sa halip, tahimik lang siya nung hinatid niya ako. Buti na nga lang talaga hindi ako nakita ni Jairus na umiiyak sa cine. Nahalata lang siguro niya paglabas.
Si Nashy, ayun. Wala. Hindi man lang niya ako pinuntahan sa bahay. Kahit itext o tawagan wala. Hindi nga niya ako naitext o tinawagan upang tanungin kung kamusta ba kami ni Jairus, kung naging close ba kami. Pero, Sharlene asa ka naman hindi naman pwedeng puro ikaw nalang ang aatupagin niya. Bestfriend ka lang niya hindi ka niya girlfriend :(
"Ang lalim naman ng iniisip mo" Bigla nalang akong natauhan dahil may bumulong sa tenga ko. Hindi ako magkakamali, Si Jairus yun.
"Jairus, ikaw pala. Nakakagulat ka naman. Haha" sabi ko. Ang lakas ng loob kong tumawa no? Samantalang kanina ang lalim ng iniisip ko. Ganyan naman kasi talaga ako. Mapagpanggap. Akala mo walang problema pero hindi nila alam meron. Hindi kasi ako vocal. Kay Nashyy lang naman ako nagsasabi ng problema. Pero paano ko sasabihin kung siya ang problema ko.
Umupo na siya sa tabi ko, at inilapag na sa lamesa yung bag niya.
"Oo nga pala Sharlene, ang aga mo ata sa school ngayon." tanong niya.
"Ah eh, para maiba naman diba?" sabi ko
Hindi ko na sinabi kay Jairus yung totoong dahilan na hindi ako makatulog kaya eto napaaga ang pasok. Hahaba pa usapan. At kahit naman medyo close na kami minsan hindi parin naiiwasan na hindi magtiwala.
Nagring na yung bell, Ibig sabihin Flag Ceremony na namin. Napansin ko na wala si Nashy sa pila pati si Alexa.
*Ayan ka nanaman Sharlene kung ano ano nanaman tumatakbo sa isip mo! Malay mo coinsidence lang. Or mybe late lang* sabi ko sa isip ko.
Natapos na ang Flag Ceremony pero wala parin akong Nashy at Alexa na nakikita. Kahit naman nagtatampo ako kay Nashy kasi nga hindi niya ako natetext or pinupuntahan aaminin ko naman na namimiss ko na siya.
Tinanong ko narin si Jairus baka alam niya kung bakit absent si Alexa kasi nga bestfriend sila diba. Sabi ni Jairus noong isang araw daw may ubo't sipon si Alexa baka daw nagkasakit.
Kung si Alexa may sakit, si Nashy kaya? Ano ba naman yan. Dati naman lahat ng ginagawa niya alam ko. Kasi naman sinanay niya ko. Yung feeling na pati sa pagpunta ng banyo sinasabi pa niya sakin. Ngayon, nag-iba nalang bigla. Haayyyy.
Buong klase wala akong ginawa kundi isipin si Nashy. Puro nash nashy nashy NASHY! Ang nasa utak ko. Tinatawag na pala ako ng teacher namin hindi ko napansin kasi lumilipad yung isip ko. Buti nalang nandyan nanaman si Jairus the savior kinalabit ako kasi nasa likod ko lang siya. At buti yung tinanong ako ng teacher namin alam ko kaya yun, nakaligtas.
"Sharlene, ayos ka lang ba? kanina ka pa tahimik dyan. At bakit hindi ka ata active ngayon? last week lang halos ikaw ang sumasagot sa discussion" tanong ni Jairus
Hindi ko narin siya sinagot kasi pagkatapos ko marinig yung sinabi niya back to "lumilipad ang isip mode" nanaman ako.
Naasar ako sa sarili ko kasi alam ko namang mali. Hindi ko na nga ata kilala yung sarili ko. Nasasaktan, Nagtatampo, Naiinis, Naguguluhan ako kay Nashy. Parang hindi na siya yung Nash na kilala ko dati.