Chapter 8

738 8 2
                                    

Jairus's POV

Nakatingin ako sa kawalan ngayon. Nandtio lang ako sa kwarto ko. Hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko yung pag-iyak ni Sharlene. At hanggang ngayon iniisip ko parin na tama kaya ako? Kaya nga ba siya nagkakaganyan at iniiwasan si Nash dahil may gusto siya rito? Pero imposible naman, magkababata lang sila. Ibig sabihin hanggang mag kaibigan lang sila. Pero, may mga taong nafafall sa mga kaibigan nila. HAISSST! -._____-

Ginulo ko yung buhok ko! Ang sakit kasi sa ulo isipin. Hindi ko alam kung totoo ba ang hinala ko o hindi. Isa lang naman ang paraan para malaman ko. Kaylangan ko malaman mismo kay Sharlene. Pero, paano? mamaya wala naman siyang balak na sabihin. Ano ba yan! Gusto kong malaman. Syempre ang sakit din sakin. Ang sakit isipin na nagkakaganyan si Sharlene dahil sa love. Kung pwede nga lang umamin na sa kanya. Kaso, baka isipin niya ang bilis naman.

Kahit nga ako nagulat din. Ang bilis kong nafall sa kanya. Ganyan nga siguro talaga ang love. Hindi mo alam kung kelan paano basta yung tipong pag-gising mo. Gusto mo na yung isang tao. Pero bago ko isipin kung paano ko aaminin kay Sharlene. Dapat malaman ko muna talaga yung tungkol sa hinala ko. Sana hindi totoo.

*TOKTOK*

"BUKAS YAN!" sigaw ko. Sinarado ko kasi yung pinto ko. Ayoko naman makita nila ako na nakatunganga baka akala nababaliw na ako.

*TOKTOKTOK*

mas lalo pang lumakas yung katok. Tssss.. sabing bukas na nga yan sino ba kasi yan. Si Mama? si Bunso? yung aso naming si Chuchu? Possible naman yung aso ano ka ba naman Jairus -.-

"BUKAS NGA YAN!" sigaw ko ulit. Nakakasar naman! Hindi ba makaintindi???!

Pagkabukas ng pinto biglang may bumulaga sa aking lalakeng kahawig na kahawig ko. Teka bakit siya nandito? Diba nasa Canada siya?

"UTCHOL!!!" paghatak niya sa akin. Eto na! Eto na! tatayo na Haissst -__-

Pinsan ko nga pala si Henry tiga Canada yan. Pero sa pilipinas siya pinanganak. Halos magkasing age lang kami. Months lang ang tanda ko sa kanya. Halos magkamukha kami. Medyo mataba lang siya pero para talaga kaming kambal. Pero ang pinagtataka ko, ano ginagawa niya dito? Hindi naman sila umuuwi basta basta eh ang pagkakaalam ko dapat nag-aaral siya ngayon sa Canada. Sabik na talaga akong makita 'tong utol ko na 'to kasi. Palagi kaming nagskype nyan nagkukulitan. Ganyan kami magpinsan. Ngayon na nagkita na kami. Bakit parang hindi man lang ako nasuprise? Siguro dahil wala ako sa mood ngayon kaka isip ko sa problema ni Sharlene.

"Wazzup Uchol! How are ya? did I suprise you?" sabi niya. Nako patay hindi pa nga pala msyadong marunong magtagalo 'to pero nakakaintindi ng tagalog. Yung utol nga nya "Uchol"  haha. Medyo natawa ako dun.

"Im okay naman Utol. Biglaan ata ang pag-uwi niyo?"

"I don't know to my mom. She said that I should try to live here in the philippines. Because im a filipino that it's time for me to do my part as a filipino." Grabe nosebleed mode nanaman ako. Buti nalang nakakintindi siya ng tagalog. Kaso ako hindi naman ako sobrang galing makaintindi ng English haha.

---------

Buong araw lang kaming nagbonding ng Utol ko. Naglaro ng xbox all day. Nagpasya na nga pala yung mommy niya na dito na sa pinas mag-aral at sa school ko narin. Ayos 'to may dumagdag na kakulitan ko. Siguro bukas samahan ko siya mag-enroll. Para makapasok narin siya. Buti hindi pa namin exam next next week pa kaya makakahabol pa siya.

"Uchol, you're already a senior right? But you didn't tell me if you already have a girlfriend" nakangiting sabi ni Henry. Bigla akong napangiti sa sinabi niya.

"Well, ano kasi, wala. Study first muna ako utol." sabi ko. Kung alam mo lang Henry may babae akong gustong gusto ko. Pero sa tingin ko hindi pa ito yung oras para malaman niya.

"Nah' tell me are you a gay?" nakatawang sabi niya. ABA! sinusubukan talaga ako nung pinsan ko na 'to. Hindi ko pa kasi pwedeng sabihin sa kanya. Basta I have reasons kaya itatago ko muna.

"HELL NO! Ano ka ba naman, walang bakla sa pamilyang aquino okay!" tapos tinungo ko yung braso niya ng siko ko.

"Oh Henry, Jairus. Mag meryenda muna kayo" nakangiting sabi ni mommy. WOW! May icecream. Buti nalang nandito si pinsan. Minsan lang kasi magpa icecream si mommy haha kuripot Joke :D

*krrinnnnggggggkriiiingggggggg"

Teka phone ko yun ha. Asan na ba.

"Uchol! Who's this girl is this the girl you want? She's gorgeous" sabi ni Utol. ANO DAW? Sino ba yung nakita niya?

TEKA!

Yung phone ko hawak niya. Lagot! bistado na ata ako. Kasi sa lahat ng contacts ko may mga picture sila kaya yan. Nakita niya yung kay Sharlene. Paano ako lulusot nito?

"Uhmm.. hi-hindi! Kabigan ko lang yan no! At oo maganda talaga yan" palusot ko. Maniwala ka maniwala ka!!

Nginitian nalang niya ako.

"I wanna meet her" Henry.

----------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Ano kaya magiging papel ni Henry englishero dito? ABANGAN!!! :D

Childhood SweetheartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon