Nash's POV
"Shar! be honest with me. Yung narinig ko noong nagkasakit ako tama ba ang rinig ko that you love me?"
Kausap ko si Shar ngayon nandito kami sa may bench malapit sa canteen. Nacurious kasi ako sobra. Yung time na nagkasakit ako kinakausap niya ako. Akala niya siguro tulog na ako pero gising ang diwa ko nun, nakapikit lang ang mata ko. Nakatingin ako kay Shar ngayon pero siya nakayuko pa.
Nagtataka siguro kayo kung bakit nag-uusap na kami noh? Okay na kasi ulit kami. Kung dati, hindi kami nag papansinan ngayon ako na mismo unang kumakausap sa kanya namiss ko rin siya syempre. At tsaka yun pa nga yung isa yung narinig ko syempre gusto ko marinig mismo sa kanya kung tama ba yung rinig ko.
"Nashy, ano ba namang klaseng tanong yan!?" naiinis niyang sabi. Haay nako! Ayaw pa kasi sagutin kung OO o HINDI. Para matahimik na ako. Pero bakit nga ba sobrang curious ako? Ewan ko ba para kasing, gusto kong umOO siya na tama yung sabi niya.
AY! Hindi ano ka ba Nash. Hintayin mo na nga lang yung sagot niya.
Tinitigan ko siya. Ang ganda pala talaga ng bestfriend ko. Bakit ngayon ko lang narealize? Kung dati rati naman parang baliwala lang sa akin yung ganda niya pero ngayon, naaapreciate ko na. Ewan ko ba! Ang weird ko! -__________-
"Nash! Sharlene!"
Si Alexa pala..
(Agaw eksena naman!)
Shhhh! manahimik ka konsensya! Hindi agaw eksena si Alex. Suntok you want?!
"Mukhang seryosong usapan yan ha, nakaka-abala ba ako?" pabirong sabi ni Alexa.
"Hi-hindi actually tapos narin naman kami mag-usap ni Nash. Sige Nashy at Alexa kita kits nalang sa room" sabi ni Sharlene. Sabay alis agad! Haay natakasan nanaman ako. Basta hindi talaga ako titigil hanggang di ko nalalaman yung sagot niya.
----------------
Sharlene's POV
"Ikaw kasi Sharlene, ang tanga tanga mo!!!"
Ayan nanaman ako kinakausap ko nanaman ang sarili ko sa harap ng salamin. Paano ba naman kasi sa lahat ng tanga ako na ata pinaka tanga!
Paano na yan, How can I say to him na namali siya ng rinig kung napaka clear ng pag-kasabi ko na "Mahal ko siya" HAAAAAAAY! Nakaka-inis talaga.
Umalis na ako sa c.r magtitime narin naman.
"Psssssssst!"
Napalingon ako sa kanan ko, Wala. Naglakad nalang ulit ako.
"Pssssssst!"
Napatigil ako, Tumingin sa kaliwa. Wala ulit. This time nag lakas loob akong naglakad. Nakakatakot naman, wala namang tao sa hallway ngayon pero may sumisitsit.
"Hoy miss beautiful"
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH KYAAAAAAAAAAAH!"
Opppppppppppppppppsssssssssssss
Hindi pala multo! Tao, nako nasipa ko sa, sa.... *TOOOT* niya.
"ARAAAAAAAAAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYY"
nakita ko siyang napaluhod na namilipit sa sakit. Eh siya naman kasi, bakit siya manggugulat. Ito talagang Henry na 'to. Hindi ko alam kung anong trip sa buhay! Magaling pa naman ako sa mga self defense.
"I-ikaw kasi eh! Manggugulat ka pa ha! Buti nga sayo!" sabi ko. Siya naman kasi talaga. Kung hindi niya ako tinakot at ginulat edi sana hindi ko siya nasipa sa *tooot* niya.
"S-orry lang s-sana eh o-okay na.. Shittt an-ang sa-sakit!" na nakahawak parin sa *toot* niya.
Aba! aba! aba! So ako pa pinagsosorry mo! Ikaw na nga nanggulat. Asa ka hindi ako magsosorry sayo. Nako, makapasok na nga sa klase ko malate pa ako. Nasasayang lang oras ko dito.